Pangkalahatang alituntunin sa istilong APA
1. Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang ang publikasyon ang isulat sa loob ng parentesis
2. Kung hindi nabanggit ang awtor sa mismong teksto, banggitin ito sa hulihan ng pangungusap kasama ang taon ng publikasyon
3. Kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa at ang taon ng publikasyon
4. Kung tatlo o higit pa ang awtor at hindi nabanggit ang pangunahing awtor sa mismong teksto, banggitin na lamang ang unang awtor sa loob ng parentesis at sundan ng et al. bago ang taon ng publikasyon
5. Kung may babanggiting dalawa o higit pang awtor na pareho ang apelyido, banggitin ang inisyal ng mga awtor bago ang kani-kaniyang apelyido at sundan ng taon ng publikasyon
6. Kung pamagat lamang ang eveylabol na impormasyon, banggitin ang pinaikling bersyon ng pamagat at sundan ng taon ng publikasyon
7. Kung ang babanggiting ay bahagi ng akdang may higit sa isang volyum, banggitin ang bilang ng volyum kasunod ng pangalan ng awtor o mga awtor, ngunit tutuldok (:) ang gamiting bantas upang paghiwalayin ang unang entri sa taon ng publikasyon
8. Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang awtor, banggitin na lamang ang mga akda at paikliin hangga't maari