fildis

Subdecks (1)

Cards (86)

  • Deskripsyon ng Kurso: Filipino sa iba't ibang Disiplina
  • Kabuuang Layunin
    • Maipaliwanag ang ugnayan ng mga function ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, wika ng bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan
    • Maisa-isa ang mga suliraning lokal at nasyonal ng komunidad na kinabibilangan
    • Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na sanggunian sa pananaliksik
    • Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa, batay sa pananaliksik
    • Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran
    • Malikhain at mapanuring mailapat sa pananaliksik ang piling makabuluhang konsepto at teoryang lokal at dayuhan na akma sa konteksto ng komunidad at bansa
    • Inaasahang matutunan:
    • Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso at pananaliksik na nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino
    • Makabuo ng papel o artikulo na maaaring ibahagi sa isang forum o kumperensya at/o ilathala sa isang akademikong journal
    • Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba't ibang larangan
    • Malinang ang adhikaing makibahagi sa pagbabagong panlipunan
    • Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa ng pananaliksik
    • Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa pangangailangan ng komunidad at bansa
  • Mga Kagamitan: laptop, Textbook, Print out activities, module
  • Pagsasakatuparan
    • Mga Gawain/Modyul
    • Pagsusulit
  • Panahon ng Kastila: Espanyol – ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo
  • Panahon ng Amerikano: Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol. Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal
  • Dumami na ang natutong magbasa at Magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging tanging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899. Noong 1935 halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay nasa wikang Ingles na
  • Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na- Bato noong 1897, itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika
  • Artikulo XIV Seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935 Sa Saligang-Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa: "…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika"
  • Katutubong wika/ pangunahing wika sa Pilipinas
    • Cebuano
    • Pangasinan
    • Hiligaynon
    • Kapampangan
    • Samar Leyte
    • Tagalog
    • Bikol
    • Ilokano
  • Nobyembre 13, 1936 Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa, at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon
  • Tungkulin ng SWP
    • Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man lamang
    • Paggawa ng paghahambing at pag- aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto
    • Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at ortograpiyang Pilipino
    • Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat umaayon sa (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, at (b) ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino
  • Nobyembre 9, 1937 Bunga ng ginawang pag-aaral, at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo'y ipinahahayag na ang Tagalog ang "siyang halos na lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184", kaya't itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa
  • Disyembre 30, 1937 Inilabas ng Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing ang wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog
  • Noong Abril 1, 1940 Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito ang: 1. pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa; at 2. pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan
  • Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na "purista". Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang
  • Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang Pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa konstitusyon at gawing Tagalog ang Pambansang Wika
  • Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika. Pinasigla ng pamahalaang Hapon ang Panitikang nakasulat sa Tagalog
  • Hunyo 7, 1940 Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika (Tagalog) simula Hulyo 4, 1940
  • Marso 26, 1954, Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklama blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa
  • Setyembre 23, 1955 Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 nagsususog sa Proklama Blg. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito'y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula Agosto 13 hanggang 19
  • Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika (Tagalog)

    Hulyo 4, 1940
  • Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklama blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon

    Marso 26, 1954
  • Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula Agosto 13 hanggang 19

    Setyembre 23, 1955
  • Inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na "kailanma't tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang gagamitin
    Agosto 13, 1959
  • Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan na sa Pilipino
    Oktubre 24, 1967
  • Inilabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172 na nag-aatas na ang lahat ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran at sangay ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles

    Marso 27, 1968
  • Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang Antas/kolehiyo
    Hulyo 21, 1978
  • Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-7 nasasaad ang mga sumusunod: Seksiyon 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Seksyon 7 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga't walang itinatadhana ang batas, Ingles
    Pebrero 2, 1987
  • Pinalabas ng kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong bilinggwal
    1987
  • Pinalabas ng Commision on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba't Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika)
    1996
  • Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba't ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang
    Hulyo, 1997
  • Tagalog
    Katutubong Wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935)
  • Pilipino
    Unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas
  • Filipino
    Kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)
  • Naglabas kamakailan lamang ang Commission on Higher Education (CHEd) ng Memorandum Order No. 20 Series of 2013 (CMO 20-2013) na may titulong "General Education Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies (GEC)," na nagsasaad na alisin ang mga minor subject sa kurikulum ng kolehiyo sa taong 2016 upang magbigay daan sa pagpapaigting ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mga major o teknikal na kurso na may kaugnayan sa Agham at Teknolohiya., na siya namang naging dahilan sa pagtanggal ng English, Math, General Psychology, Economics at Filipino
  • Ayon kay Herminio Coloma Jr., kalihim ng Presidential Communications Operations Office, noong Hunyo 19, bunsod ng kagustuhang gawing rasyonal ang curriculum ng bansa ang desisyong isama ang Filipino subject sa listahan ng mga aalising asignatura sa pagpapatupad ng programang K to 12 nang sa gayon, hindi maging paulit-ulit ang mga aralin sa grade 11 at 12
  • Bukod pa rito, nakasaad din sa kautusan na ang kolehiyo na ang bahala na magdesisyon kung wikang Ingles o Filipino ang gagamitin bilang midyum ng pagtuturo sa mga mag-aaral
  • Ayon naman kay Aurora Batnag, presidente ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, Ink. (PSLLF), isang malaking pagkakamali ang aksyong ito na sa kolehiyo inalis ang Filipino sapagkat ito ang antas kung saan mayroon nang mas malawak na kaisipan ang mga mag-aaral upang mas matanggap, maintindihan, matanggap at mahalin ang kultura at panitikan ng bansa