Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo, at Pag-iimpok

Cards (24)

  • Maaaring mahati sa dalawa ang paggamit ng kita. Ito ay maaaring gamitin sa pagkonsumo o kaya ay ilaan sa pag-iimpok. Ang halaga ng pagkonsumo at pag-iimpok ay nakabatay sa kita ng isang indibidwal kaya ipinahihiwatig nito na ang kita, pagkonsumo, at pag-iimpok ay magkakaugnay.
  • Mayroon ding opsiyon ang manggagawa na itabi nang pansamantala at gamitin na lamang sa hinaharap na pagkonsumo o kaya ay sa pamumuhunan ang kaniyang kita. Ito ay tinatawag na pag-iimpok o saving.
  • Kita/Income - tumutukoy sa salapi na natanggap ng isang indibidwal o negosyo kapalit ng produkto/serbisyo na ibinigay nito.
  • Salary - nagmula sa salitang Latin na salarium, na ang ibig sabihin ay allowance o stipend.
  • White collar - yaong propesyonal at lakas-isip ang ginagamit sa paggawa.
  • Wage - kita ng isang manggagawa na ang trabaho ay blue collar at ito ay nakabatay naman sa oras ng trabaho sa loob ng isang araw o buwan.
  • Ang kabuuang kita/gross income ng isang indibidwal ay hindi pa agad magagamit sa pagkonsumo dahil kinakaltasan pa ito ng buwis gaya ng personal income tax para sa isang indibidwal, o kaya naman ay business tax.
  • Maaari din namang ang kaltas sa kita aynapupunta sa mga kontribusyon gaya ng sa Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pribado (Social Security System o SSS), Philheath, at Pag-IBIG Fund.
  • Tinatawag na disposable ang kita na natitira matapos itong makaltasan ng karampatang buwis at kontribusyon.
  • Isa sa mga teorya na nagpapaliwanag hinggil sa ugnayan ng kita, pagkonsumo, at pag-iimpok ay ang consumption function ni Keynes.
  • Ayon sa teorya, habang lumalaki ang kita ng isang indibidwal ay nagkakaroon siya ng karagdagang kakayanang kumonsumo o ang tinatawag na marginal propensity to consume (MPC).
  • MPC = pagbabago sa C / Pagbabago sa Y = C2 - C1 / Y2 - Y1
    C1 = inisyal na pagkonsumo
    C2 = pinal na pagkonsumo
    Y1 = inisyal na kita
    Y2 = pinal na kita
  • Ang pagtaas ng MPC ng isang indibidwal ay maaaring makalikha ng multiplier effect sa kabuuang daloy ng ekonomiya dahil ito ay nagsisilbi bilang injection sa kita ng ekonomiya.
  • Isinasaalang-alang ng pamahalaan ang pagbuo ng mga batas na maaaring magsulong sa pagpapataas ng MPC ng sambahayan o bahay-kalakal upang mahikayat ang mga ito na kumonsumo, gaya ng pagbabawas sa singil ng buwis at pagdaragdag sa suweldo ng empleado.
  • Isang halimbawa ng batas na ito ay ang R.A. No. 11466 o ang Salary Standardization Law of 2019 na naglalayong madagdagan ang suweldo ng mga empleado sa gobyerno.
  • Kalimitan, ang mga indibidwal na mababa ang kita ay mas mataas ang MPC kompara sa mga indibidwal na may mataas na kita.
  • Upang matuos naman ang savings, ibawas lamang ang halaga ng pagkonsumo mula sa disposable income.
    S = Y-C
  • Sa pagtaas ng kita ay nagkakaroon din ng pagtaas sa kaniyang kakayahan na mag-impok. Kaakibat ng MPC ay ang marginal propensity to save (MPS). Ito ay tumutukoy sa bahagi ng karagdagang kita na iniimpok o itinatabi ng indibidwal.
  • MPS = pagbabago sa S / Pagbabago sa Y = S2 - S1 / Y2 - Y1
    S1 = inisyal na savings
    S2 = pinal na savings
    Y1 = inisyal na kita
    Y2 = pinal na kita
  • Maaaring mauri ang savings bilang active o kaya naman ay passive.
  • Ang salapi na iniimpok sa bangko ay halimbawa ng active savings sapagkat kahit ito ay nakalagay lang sa bangko, ito ay kumikita ng interes.
  • Tumutukoy naman ang passive savings sa salaping inimpok sa alkansya. Ito ay pasibo dahil wala itong tinutubo sapagkat hindi naman ito nagagamit sa ibang bagay.
  • dissaving - nagaganap tuwing negatibo ang savings o kaya naman ay nagkakaroon ng paggasta na lagpas sakita. Maaari itong mag-resulta sa paggamit ng kasalukuyang inimpok o kaya naman ay pangungutang o credit.
  • Sa pamamagitan ng pagkaroon ng impok, naipapakita ang wastong paggamit ng kita ng isang indibidwal o pamahalaan.