Filipino

Cards (64)

  • Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao
  • Maaaring uriin ang talumpati ayon sa layunin nito- impormatibo, nanghihikayat, nang-aaliw, at okasyonal.
  • Ang talumpati ay impormatibo kung ito ay naglalahad ng mga kaalaman tungkol sa isang partikular na paksa.
  • Nanghihikayat naman ang talumpati kapag ang layunin ay hikayatin ang tagapakinig na magsagawa ng isang partikular na kilos o kaya hikayatin na panigan ang opinyon o paniniwala ng tagapagsalita.
  • Ang talumpati ay maaari ding mang-aliw. Ang layunin ng uri na ito ay pagpapatawa o pagbibigay-pugay sa isang mahalagang tao sa pamamagitan ng pagkukuwento ng mga nakatatawa niyang karanasan o iba pa.
  • Ang mga okasyonal na talumpati naman ay isinusulat at binibigkas para sa isang partikular na okasyon katulad ng kasal, kaarawan, despedida, parangal, at iba pa.
  • Talumpating impromptu naman ay halos walang paghahanda sa pagsulat at pagbigkas ng talumpati. Halimbawa nito ang biglaang pagtawag sa may kaarawan upang magbigay ng maikling talumpati.
  • talumpating extemporaneous naman ay nagmumukha lamang walang paghahanda.
  • Sa katotohanan pinaghahandaan ang talumpating extemporaneous, pinaghahandaan ito sa pamamagitan ng pagsulat ng speech plan upang maging epektibo ang pagbigkas.
  • Ang talumpating handa naman ay pinaghandaan ang mga sasabihin, mahaba ang oras na pinaghandaan.
  • Sa binabasang talumpati, may tendensiya ritong mabagot ang tagapakinig dahil limitado ang eye contact at walang gaanong kilos sa bahagi ng nagtatalumpati.
  • Proseso sa Pagsusulat ng Talumpati
    May sinusundang pormula sa pagsulat ng talumpati. Isipin mo na ang talumpati ay paglalakbay paakyat at pababa ng bundok.
  • Paghahanda. Mahalagang mapukaw ang atensiyon ng tagapakinig sa unang pangungusap pa lamang. Kaya sa pagsulat ng introduksiyon, kailangan silang ihanda at isama sa paglalakbay. Kailangan nilang malaman ang pupuntahan, kung interesante ba ang paglalakbay, at kung bakit kailangan nilang sumama.
  • Pag-unlad. Huwag iiwan o bibitawan ang tagapakinig sa kalagitnaan ng paglalakbay. Sa pagsulat, siguraduhing nakatutok ang atensiyon nila. Lumikha ng tensiyon, magkuwento. magbigay ng mga halimbawa, maghambing at magtambis, o gumamit ng mga tayutay at mga talinghagang hukambibig. Sa paraang ito, hindi aalis ang tagapakinig.
  • Kasukdulan. Ito ang pagkakataong narating na kasama ang tagapakinig ang tuktok ng bundok, Sa bahaging ito, inilalahad ang pinakamahalagang mensahe ng talumpati. Ito rin ang bahaging pinakamatindi na ang emosyon.
  • Pagbaba. Isa ito sa pinakamahirap na bahagi ng pagsulat. Paano ba ito tatapusin? Maaaring ibuod ang mahahalagang puntong tinalakay sa talumpati. Maaari din namang mag-iwan ng mga tanong. Anumang paraan ang piliin sa pagtatapos, kailangang mahuli ng kongklusyon ang diwa ng talumpati.
  • Gabay sa Pagsulat ng Talumpati - Paano ba magsulat ng talumpati? Maaaring tanungin ang sarili ng mga sumusunod bago magsulat ng talumpati.
  • Tuon
    Bakit ako magsusulat ng talumpati?
    Ano ang paksa?
    Ano ang mensaheng nais kong ipahayag?
    Ano ang gusto kong mangyari sa aking mga tagapakinig?
    Ano ang kahalagahan ng paksang tatalakayin ko?
    • Tagapakinig
    • Sino ang aking mga tagapakinig?
    • Bakit sila makikinig sa talumpati?
    • Anong mahahalagang bagay ang nais kong baunin ng tagapakinig?
  • Pagsulat
    • Paano ko pupukawin ang atensiyon ng tagapakinig?
    • Anong lengguwahe ang gagamitin ko?
    • Ano ang tono ng aking talumpati?
    • Ano ang estilong ilalapat ko sa pagsulat ng talumpati? Paano ko aayusin ang organisasyon ng talumpati?
  • Pagsasanay
    • Basahin mo nang malakas ang iyong isinulat upang malaman kung natural at madulas ang daloy ng wika.
    • Basahin mo sa harap ng isang kakilala o kaibigan ang talumpati upang matukoy ang mga kalakasan at kahinaan nito.
  • Mahalagang katangian ng tao ang pagkaroon ng paninindigan.
  • Ang taong may paninindigan ay may matatag na disposisyon sa buhay, hindi madaling panghinaan ng loob, at nirerespeto ang kapwa. Sila iyong alam kung paano proposisyon kapag nahaharap sa mga isyu o kapag kailangan ng pagpapasiya. Malinaw sa kanila kung nasaan sila.
  • Ang mga walang paninindigan ay itinuturing na duwag, walang lakas, at, hindi nakaaani ng respeto sa kapwa. karaniwan, sila iyong sariling pagpapasiya, agad na magpatianod sa kagustuhan ng iba, at madaling maloko
  • Ang pagsulat ng posisyong papel ay isang paraan upang ipahayag ang paninindigan. Halimbawa, noong kasagsagan ng debate tungkol sa panukalang batas sa reproductive health, naglathala ang Simbahang Katolika ng mga posisyong papel na kumokontra sa batas na ito
  • Ilang civil society group naman ang naglabas ng kanilang mga posisyong papel na naggigiit na makatutulong ito sa indibidwal, pamilya, at lipunan.
  • Ang posisyong papel ay sanaysay na naglalahad ng mga opinyon tungkol sa partikular na paksa o usapin. Dito, kailangang pumosisyon sa isang panig.
  • Anuman ang posisyon, kailangang magbigay ng malinaw at matatag na mga argumento at mga makatuwirang ebidensiyang susuporta sa mga ito sa kabuuan ng papel
  • Ang layunin ng posisyong papel ay kumbinsihin ng mga mambabasa na may saysay at bisa ng mga argumentong inihain sa kanila.
  • Sa lohika, ang argumento ay pahayag na ginagamit upang manghikayat at mang-impluwensiya ng iba o upang ipaliwanag ang mga dahilan sa pagkiling sa isang posisyon.
  • Ang posisyong papel ay maaaring nasa simpleng anyo ng liham sa editor o kaya naman ay sanaysay
  • Maaari din namang mas masalimuot (complex) ang anyo nito, tulad ng akademikong posisyong papel
  • akademikong posisyong papel o opisyal na pahayag na binabasa sa mga pandaigdigang kumperensiya Karaniwang ginagamit ng malalaking organisasyon ang posisyong papel upang isapubliko ang kanilang opisyal na paniniwala, posisyon, o rekomendasyon.
  • Ang unang katangian ng posisyong papel ay ang Naglalarawan ng posisyon sa isang partikular na isyu at ipinapaliwanag ang basehan sa likod nito.
  • Nakabatay sa fact (estadistika, petsa, mga pangyayari) na nagbibigay ng matibay na pundasyon sa mga inilalatag na argumento.
  • Bago magsulat ng posisyong papel, kailangan munang tukuyin ang isyu o paksang magiging tuon ng papel. Kapag malinaw na ang paksa, magpasiya kung ano ang magiging posisyon.
  • Sa introduksiyon, talakayin ang kaligiran at kahalagahan ng paksa at ilahad ang iyong posisyon o ang tesis ng sanaysay. Isulat sa paraang ito sa paraang nakapupukaw ng atensiyon.
  • Simulan ang katawan ng posisyong papel sa pamamagitan ng pagbubuod ng mga argumento ng kabilang panig at pagbibigay ng mga impormasyong sumusuporta sa mga pahayag na ito. Pagkatapos, pahinain ang mga argumentong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ebidensiyang sumasalungat sa mga ito.
  • laman ng posisyong papel. Dito iisa-isahin ang mga argumento, opinyon, at suportang detalye.
  • ilatag ang unang argumento
    1. Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinyon.
    2. Ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensiya.