Fil

Cards (31)

  • Pagbasa
    Proseso ng pag aayos, pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o ideyang kinakatawan ng mga salita o simbolo na kailangan tingnan at suriin upang maunawaan
  • Ang mga sagisag na ito ang nagsisilbing instrumento upang ma bigyang kahulugan ang mga kaisipang gustong ipahayag
  • Pagbasa
    • Isa sa apat na makrong kasanayang pangwika na mahalaga sa pakikipagtalastasan
    • 90 porsyento ng ating kaalaman ay mula sa ating mga binasa
    • Matatarok natin ang lalim ng kaalaman at nahahawan ang landas ng karunungan sa iba't ibang larangan — sining, agham, teknolohiya, kasaysayan, pulitika, lipunan, at iba pa
  • Pisyolohikal na proseso ang pagbasa
    Sangkot dito ang mata na ginagamit natin upang makita, matukoy, at makilala ang mga imahe at simbolo
  • Pisyolohikal na aspekto ng pagbasa
    1. Simbolo o imahe ay mga liwanag na tumatama sa retina ng ating mata
    2. Nagkakaroon ng mga pagbabagong kemikal na dumadaloy sa ating mga ugat patungo sa cerebral cortex, ang sentro ng ating utak na nagbibigay ng interpretasyon o kahulugan sa mga simbolo
    3. Pag titig (fixation)
    4. Paggalaw ng mata mula kaliwa pakanan o mula itaas pababa (inter fixation)
    5. Paggalaw ng mata mula sa simula ng binabasa hanggang dulo ng teksto (return sweeps)
    6. Paggalaw ng mata para suriin ang binabasa (regression)
  • Kognitibong aspekto ng pagbasa
    • Pagkilala (decoding) at Pag-unawa (comprehension)
    • Kinikilala muna natin at binibigyang-anyo ang mga simbolong tinutukan ng ating mga mata, habang nagaganap ito ay inuunawa natin ang ating binabasa
    • Ang mga titik at simbolo ay nai pamamahagi sa iba't ibang sentro ng utak at nagkakaugnay ugnay upang magkaroon tayo ng pagkilala at pag unawa sa kahulugan ng mga nakalimbag na simbolo
  • Iba't ibang antas ng pag unawa (comprehension)

    • Pag-alam sa literal na kahulugan o unang antas ng pag unawa sa binasa
    • Pagbibigay-kahulugan sa nabasa
    • Paggamit ng kaalamang nakuha mula sa binasa
    • Paghuhusga o pagtatasa sa nilalaman ng tekstong binabasa
  • Komunikatibong aspekto ng pagbasa
    Bawat wika ay may kaniya-kaniyang estruktura at kahulugan na kailangang alamin upang maunawaan ang impormasyong ipinahahayag nito
  • Panlipunang aspekto ng pagbasa
    • Isang panlipunang gawain ang pagbasa
    • Ang pinakama impluwensiyang pinagkukunan ng ideya at kaalaman ay ang Internet
  • Proseso ng pagbasa
    1. Pagkilala
    2. Pag-unawa
    3. Reaksiyon
    4. Pag-uugnay
  • Pagkilala sa nakalimbag na salita at pag-unawa sa kahulugan nito (Metacognitive na Pagbasa)

    • Kaalaman sa kahulugan ng salita o bokabularyo
    • Pag-unawa sa pangungusap o kaalaman sa syntax
    • Pag-unawa sa kabuuan ng pahayag
  • Teoryang Bottom-Up (Teoryang Ibaba-Pataas)
    • Ang pag-unawa sa ating binasa ay nag-uumpisa sa isang pang engganyo mula sa labas tulad ng mga salita, pangungusap, larawan, dayagram, teksto, at iba pang simbolo
    • Ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa teksto
  • Interaktibong proseso ng pagbasa
    • Gumagamit tayo ng iba 't ibang pamamaraan upang lubusang maunawaan ang teksto
    • Ang pag-unawa ay basehan ng pagbibigay ng kahulugan
    1. unawa sa kabuuan ng pahayag
    Ang isang mambabasa ay may kakayahang suriin ang sariling paraan ng pagproseso ng impormasyon
  • Utak
    May kakayahang magdesisyon at mamili ng tekstong babasahin
  • Halimbawa
    • Umaanot na sa 100 ang kasaping paaralan mula sa iba 't ibang rehiyon
  • Teoryang Bottom-Up
    Nagsasabing ang pag-unawa sa ating binasa ay nag-uumpisa sa isang pang engganyo mula sa labas tulad ng mga salita, pangungusap, larawan, dayagram, teksto, at iba pang simbolo
  • Teoryang Bottom-Up
    1. Impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa teksto
    2. Mga salita, pangungusap, larawan, dayagram, teksto, at iba pang simbolo ay nasa ibaba ng proses (bottom) at nakararating sa itaas o sa ating utak (up), matapos na proseso sa tulong ng mata at utak
  • Interaktibong Pagbasa
    Gumagamit tayo ng iba 't ibang pamamaraan upang lubusang maunawaan ang teksto
  • Pag-unawa
    Basehan ng pagbibigay ng kahulugan; at ang kahulugan ay inihahatid sa pamamagitan ng mga nakalimbag na titik at hindi mula sa mga mismong teksto
  • Ang pagbabasa ay pagbibigay ng kahulugan sa teksto at hindi pagkuha ng kahulugan mula sa teksto
  • Interaktibong Proseso ng Pagbasa
    1. Bumubuo ng kahulugan gamit ang mga kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng salita mula sa pinagsama-samang tunog (phonology)
    2. Pagpapalit ng anyo ng salita batay sa paggamit nito sa pangungusap (morphology)
    3. Pagsasama-sama at paglalagay sa tamang pwesto ng mga salita sa pangungusap (syntax)
    4. Kahulugang makukuha mula sa buong pangungusap (semantics) batay sa pag-unawa sa mga ito
  • Pagbasa
    Isang transaksyon at interaksyon ng teksto at mambabasa
  • Taglay ng Teksto
    • Konsepto, damdamin
    • Wika
    • Layunin
    • Porma/anyo
    • Nilalaman
  • Taglay ng Mambabasa
    • Personal na kaalaman, damdamin, at saloobin
    • Wika
    • Layunin
    • Kaalaman sa porma/anyo
    • Mga ekspektasyon sa nilalaman
  • Tekstong Impormatibo
    Uri ng babasahing di-piksyon na isinulat sa layuning makapagpahayag ng impormasyon sa mga mambabasa
  • Layunin ng Tekstong Impormatibo
    • Maghatid ng kaalaman
    • Magpaliwanag ng mga ideya
    • Magbigay-kahulugan sa mga ideya
    • Maglahad ng mga panuto o direksyon
    • Ilarawan ang anumang bagay na ipinaliwanag
    • Magturo
  • Ang tekstong impormatibo ay maaaring isulat sa wikang madaling maunawaan ng karaniwang mambabasa o wikang teknikal para sa mga dalubhasa o iskolar
  • Ang iba ay may kasamang biswal na representasyon tulad ng mga talahanayan o grap upang maging mas madali ang pag-unawa sa mga datos na isinasaad ng ganitong uri ng teksto
  • Mga Sulatin o Akdang Pampanitikan na Naglalaman ng Tekstong Impormatibo
    • Mga sangguniang aklat tulad ng mga ensiklopedia, almanak, batayang aklat, at dyornal
    • Ulat
    • Pananaliksik
    • Artikulo
    • Komentaryo
    • Polyeto o brochure
    • Suring-papel
    • Sanaysay
    • Mungkahing proyekto
    • Panukalang proyekto
    • Balita
  • Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo
    • Kahulugan
    • Pag-iisa-isa
    • Pagsusuri
    • Paghahambing
    • Sanhi at bunga
    • Suliranin at solusyon