U4L1 AP

Cards (39)

  • Ang tuwirang pananakop ay ang paraan ng pagtatag ng mga imperyalistang bansa ng pamahalaan kolonyal sa bansang kanilang sinakop sa pamamagitan ng digmaan at pang-aagaw sa mga lupaing hindi nila pag-aari.
  • ang di-tuwirang pananakop ay ang paraan ng pagtatag nila ng pamahalaang kolonyal na ipinapaubaya na lamang sa mga katutubo, ngunit dominante ang imperyalistang bansa pagdating sa usapin ng kalakalan, ekonomiya, at pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.
  • Kaya ang edukasyon ay naging susi upang matupad ang layuning maisalin ang kaisipang Kanluranin sa mga katutubong mamamayan para lubos nilang mapahalagahan ang Imperyalismo.
  • Sa ilalim ng imperyalismo, nagagawang makamit ng mga Kanluranin ang mga hilaw na sangkap sa mga lupaing nasakop nila sa mababa o walang halaga kapalit ang pagkasira ng mga komunidad at pamumuhay ng mga katutubo.
  • Dahil sa labis na pag-unlad ng agham at teknolohiya, ninais ng mga Kanluranin na makatuklas pa ng ibang kapaligiran na hindi pa nila nararanasan upang lubos na makinabang dito.
  • Nagkaroon ng paniniwalang ang mga lahing Caucasian o maputi ay may pinakamataas na kaalaman, kasanayan, at kalusugan kaysa ibang lahi sa daigdig ayon sa isang pilosopong Briton na si Herbert Spencer.
  • Dito nagsimula ang Industrial Revolution. Sinasabing umusbong ito sa pagitan ng dekada ng 1750 at 1760 sa pangunguna ng Britanya dahil nakamit nito ang labis na kapangyarihang pang-ekonomiya at militar sa kontinente dulot ng pananakop ng ibang lupain sa Amerika at sa Asya.
  • Jethro Tull - nag-imbento ng isang kagamitang tinatawag na seed drill noong 1701 na hinahatak ng isang kabayo upang mapabilis ang pagtatanim ng mga binhi sa isang lupang sakahan
  • Charles Townshend - nag-imbento ng mga makabagong paraan ng crop rotation o ang muling pagtatanim ng ibang uri ng pananim matapos anihin ang mga unang halaman sa panahon ng dekada 1730
  • John Kay - nag-imbento ng isang makinang nakapagpabilis sa paghahabi ng tela sa paamagitan ng pagiikot ng sinulid na tinatawag na flying shuttle noong 1733
  • James Hargreaves - nag-imbento ng isang makinang nakapagpabilis sa paggawa ng sinulid o yarn mula sa bulak na tinatawag na spinning jenny noong 1760
  • Richard Arkwright - nag-imbento ng isang makinang nagpapabilis sa pagsusulid ng bulak na tinatawag na spinning frame noong 1767 na siyang ginagamit sa mabilis na produksiyon ng mga tela sa buong Britanya
  • James Watt - imbentor na Briton na gumawang isang makinang pinapatakbo ng singaw mula sa tubig at init na tinatawag na steam engine noong 1769; nakilala ito bilang isa sa mga unang imbensiyon na nakapagpabilis sa transportasyon at komunikasyon sa daigdig at dahil dito ay nagamit ang kanyang pangalan sa panukat ng lakas, ang watt
  • Eli Whitney
    -imbentor na Amerikano na nag-imbento ng isang makinang naghihiwalay sa mga hibla ng bulak mula sa kanilang binhi na nagpapabilis sa paggawa ng mga tela mula sa bulak; inimbento ito noong 1793 at tinawag itong cotton gin
  • Alessandro Volta - imbentor na Italyano na nakatuklas ng paggamit ng kuryente at sa pag-imbento ng mga yunit na nagbibigay ng kuryente na kilala bilang baterya noong 1800; naghudyat ito sa malawakang paggamit ng kuryente para sa industriya at dahil dito ay nagamit ang kanyang pangalan sa panukat ng kakayahang makagawa ng kuryente, ang volt
  • Samuel Morse - imbentor na Amerikano na nagpaunlad ng sistema ng komunikasyon noong 1830 gamit ang telegrapo na nagpapadala ng mga kodigo para sa isang partikular na mensahe; ang sistemang ito ay tinatawag na Morse code na nagasimula sa teknolohiya ng mga tawagan sa telepono
  • Michael Faraday at James Clerk Maxwell - mga imbentor na Briton na nakatuklas ng paggamit ng mga magnet noong dekada 1850 para sa pagkakalikha ng kuryente upang makagawa ng electromagnetic waves o mga di-nakikitang alon ng kuryenteng nagmumula sa mga magnet; ambag nila ang paggawa ng mga generator na nagbibigay ng kuryente at pailaw sa maraming tahanan
  • Alexander Graham Bell - imbentor na Amerikano na nag-imbento ng telepono na nagamit para sa komunikasyon sa mga malalayong distansiya noong 1876 na nagpaunlad sa teknolohiya ng telegrapo
  • Karl Benz at Gottlieb Daimler - mga imbentor na German na nag-imbento sa mga makinang pinatatakbo ng petrolyo gamit ang prinsipyong internal combustion noong 1886; ginamit ang mga makinang ito sa paggawa ng unang kotse na may tatlong gulong
  • Rudolf Diesel - imbentor na German na nakatuklas sa pagpapatakbo ng makina gamit ang mababang antas ng combustion noong 1890, kaiba sa mas malakas na makinang internal combustion nina Benz at Daimler; ang kanyang ambag ay ang paggamit ng petrolyong diesel sa mga industriya at dito nagamit ang kanyang pangalan para sa uri ng petrolyong ito
  • Orville at Wilbur Wright - imbentor na magkapatid mula sa Amerika na nag-imbento ng eroplano noong 1903; naging malaking hakbang din ito para sa tranportasyon at komunikasyon para sa tao at nagpatunay sa pangarap ng tao na lumakbay sa himpapawid
  • Dahil sa teknolohiya, lumawak papunta sa timog ng kontinente dahil sa mga makabagong kagamitan sa paglalayag.
  • David Livingstone - manlalayag na Briton na unang nakapaglayag sa Aprika at nakatuklas sa mga bahagi ng gitna at timog Aprika mula 1851
    hanggang 1873
  • Richard Burton, John Speke, at James Grant - mga manlalayag na Briton na nakatuklas sa Great Lakes ng Silangang Aprika at ang pinanggalingan ng tubig ng Ilog Nile sa pagitan ng dekada 1850 at dekada 1860
  • Pagdating ng dekada 1870, Napasakamay ng mga Portugues ang Angola at Mozambique; hawak ng mga Briton ang mga kolonya sa Cape na binubuo ng Namibia at South Africa; at nakapasakamay ng mga Pranses ang Algeria.
  • Berlin Conference. Upang magkaroon ng pagkakaunawa at pagkakasundo sa Europa tungkol sa
    Aprika, naganap ang isang mahalagang pagpupulong ng mga makapangyarihang Kanluraning bansa sa lungsod ng Berlin sa Germany.
  • Napasakamay ng mga Belgian sa ilalim ni Haring Leopold II ang Congo.
  • Pagkatapos ng Berlin Conference, agad na kinuha ng mga kalahok na bansa sa naturang pagpupulong ang mga teritoryong napagkasunduan nila sa kontinente.
  • Tinatawag itong mga cash crop dahil sa mabilis nitong pag-ani at pagpaparami, at sa kakayahan nitong maibenta sa mababang halaga.
  • Ginamit ang mga Ilog Nile at Niger para sa tranportasyon ng mga likas na yamang
    ito pabalik sa Europa.
  • Nagdulot ito ng diaspora o pagkalat ng isang pangkat ng tao sa ibat ibang bahagi ng daigdig. Itinuturing ang diaspora sa Aprika bilang pinakamalaki sa buong daigdig na umabot sa 800 milyong katao sa loob ng mahigit 200 taon.
  • Sa ilalim ng Dinastiyang Manchu, nagpatupad ng mga mas mahigpit na polisiya sa kalakalan ang pamahalaan dulot ng kanilang pagbatid sa isinasagawang pananakop ng mga Kanluranin sa mga karatig na bansa nito sa panahong iyon.
  • Nakapagpatayo sila ng mga sphere of influence o mga lugar na maaaring nilang linangin sa at gawing sentro ng kanilang kabuhayan sa loob ng bansa pagdating ng katapusan ng ika-19 na siglo.
  • Nakapagpatayo ang mga Briton ng kanilang sentro sa pulo ng Kowloon; ang mga Portugues naman sa rehiyon ng Macau; at ang mga Pranses sa hilagang bahagi ng Indotsina na nasa rehiyon ng Guangzhou.
  • Maraming patakaran ang ipinataw ng pamahalaan sa mga mamamayan ng India na taliwas sa kanilang mga pinaniniwalaang tradisyon, relihiyon, at pilosopiya.
    Isang halimbawa nito ay ang suttee o ang pagsusung nang buhay sa asawang babae sa sandaling mamatay ang kanyang asawang lalaki.
  • Sa Timog-Silangang Asya naman ay naging mahalagang teritoryo para sa mga Briton ang Malaya na binubuo ng mga pulo sa Malaya Peninsula.
  • Tanging ang mga Dutch mula sa Netherlands ang naiwan pagdating sa paggalugad sa mga teritoryong maaaring masasakupan dahil sa magulong sitwasyon ng politika nito.
  • Ang pakikipag-ugnayan ng Pransya sa Vietnam ay nagsimula sa pagsisikap ng mga misyonerong Kristyano na Pranses na ipalaganap ang Kristyanismo sa lugar, subalit sila ay umaning pagbatikos at karahasan mula sa mga mamamayan na tapat sa Confucianismo na mula sa mga naunang mananakop na Tsino.
  • Naging dahilan din sa pananakop ng mga Pranses sa rehiyong ito ay ang kanilang pag-aakalang ang Ilog Mekong ay dumadaloy hanggang sa ibaba pang bahaging Timog-Silangang Asya at magagamit nila ito sa pagkontrol ng pamahalaan at kalakalan sa rehiyon, subalit sila ay nagkamali.