AP: Quiz 1 - Unit 4 Lesson 2

Cards (64)

  • Ang Nasyonalismo ay isang mahalagang kasangkapan para sa pagpapahayag ng mga damdaming pangmakabayan.
  • Ang Amerika at Pransya, at ang dating kolonya ng Espanya sa Latin Amerika ang nangunang ipahayag kanilang kagustuhang maging malaya mula sa mga dayuhan dulot ng hindi pantay na pagtatrato sa kanila ng kanilang mga mananakop.
  • Ang free press o malayang palimbagan ay ginamit upang ipalagap ang konsepto ng nasyonalismo sa mga pamayanan sa iba't ibang bahagi ng daigdig.
  • Ang Kapayapaan sa Westphalia ay kasunduang inilagda ng mga bansang kasangkot sa tatlumpung taong digmaan na nagsasaad na irerespeto ng bawat isa ang terirotyo at nagpakilala sa konsepto ng soberanya ng isang bansa
  • Ang mga bansang kasangkot sa tatlumpung digmaan ay ang Banal na Imperyong Romano, Espanya, Pransya, Sweden, at Republika ng Netherlands.
  • 1648 ang taong nilagdaan ang Kapayapaan ng Westphalia.
  • Ang soberanya ay ang sariling kapangyarihan ng isang bansa sa nasasakupan nito.
  • Si Napoleon Bonaparte ang diktador na nais mamuno sa buong Europa.
  • Ang Kongreso ng Vienna ay binuo upang iayos muli ang mga hangganan ng mga bansa sa Europa upang humina ang puwersa ng diktador na si Napoleon.
  • Nakatuon ang nasyonalismo sa Europa sa pagrereporma ng sistemang monarkiya at pagtataguyog ng isang panibagong sistema ng pamamahala ng mga sibilyan batay sa konstitusyong kanilang gagawin.
  • Ang nasyonalismo sa Asya ay nakatuon sa paglaya ng mga bansa sa mga Kanluranin at sa pagkakaroon ng ganap na kasarinan ng mga mamamayan.
  • Nagtagal ang Kongreso ng Vienna mula 1814-1815.
  • Ang Prussia ang unang bahagi ng hilagang Germany, Poland, at silangang Rusya.
  • Ang Bavaria ay isang rehiyon sa Timog Germany
  • Sa Labanan sa Waterloo noong 1815 natalo si Napoleon Bonaparte.
  • Ang taon ng pagkakamatay ni Napoleon Bonaparte ay 1821.
  • Ang mga German mula sa iba't ibang bahagi ng Prussia, Bavaria, at Austria ay nag-alsa dahil sa mga pagkakaiba sa uri ng buhay na natatamo ng mga mamamayan.
  • Naganap ang isang malawakang rebolusyon sa Germany noong 1848 na humantong sa pagkakaisa ng mga bahagi upang mabuo ang isang kompederasyon ng mga kaharian ng Germany.
  • Noong 1871 naman ay muling nag-alsa ang mga tao para sa iisang kaharian ng Germany.
  • Ito ay unang pinamunuan ng isang emperador na pinuno ng pamahalaan na si Wilhem I at isang Punong Ministro na pinuno ng pamahalaan na si Otto von Bismarck.
  • Si Otto von Bismarck ay isang mahalagang tauhan para sa pagpapalaganap ng kapangyarihan ng Germany sa Europa.
  • Ang prinsipyong realpolitik o pakikipagsundo sa ibang bansa batay sa pangangailangan ng bansa kaysa mga paniniwala ay galing kay von Bismarck.
  • Carbonari - tagasunog ng uling; isang maimpluwensiyang pangkat na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa mga monarkiya.
  • Nag-alsa ang mga Carbonari noong 1820 laban sa monarkiya ng Naples na pinamunuan ni Haring Ferdinand I ng Kaharian ng Naples.
  • Natatag ang Kaharian ng Italya noong 1861 at nailuklok si Haring Victor Emmanuel II bilang hari ng Italya.
  • Nagbabago ang sistema ng pamamahala ng Pransya mula sa pagiging monarkikal hanggang sa pagiging konstitusyonal na republika, at bise bersa sa loob ng 115 na taon.
  • Si Haring Louis XVIII ang pumalit kay Napoleon noong 1815.
  • Si Haring Charles X ay pumalit naman kay Haring Louis XVIII at pinatanggal siya ng mga mamamayan dahil sa paglabag sa karapatan sa pamamahayag noong 1830.
  • Ang hinirang na kapalit ni Haring Charles X ay si Louis-Philippe I, naging mahalaga ang pamumuno niya sa bansa dahil naganap sa kanya ang sari-saring pagbabago sa pamahalaan ng Pransya na nagdulot ng masidhing pag-alab ng nasyonalismong Pranses.
  • Si Louis-Napoleon Bonaparte ay pumalit kay Louis-Philippe I at namuno bilang pangulo mula 1848-1852. Ngunit binuwag niya ang nakaraang sistema ng monarkiya at niluklok ang sarili bilang hari. Nagwakas ang pamumuno niya noong 1870.
  • Sa panahon ng Age of Enlightenment, ang monarkiya ng Espanya ay naimpluwensiyahan ng mga kaisipan mula sa mga bansang Pransya, Germany, at Gran Britanya.
  • Pagdating ng 1800 ay nagkagulo ang buong imperyo ng Espanya dahil ang mga sakop na teritoryo nito ay nag-alsa laban sa kanila dahil sa kawalan ng reporma.
  • Naganap mula 1808-1814 ang pakikipaglaban ng mga mamamayan para sa kalayaan ng kanilang bansa mula sa Espanya.
  • Si Haring Ferdinand VII ay naluklok bilang hari ng Espanya noong 1814. Ang marahas niyang pamumuno sa bansa ay nagdulot ng maraming pag-alsa laban sa kanya mula 1815-1833.
  • Si Isabella II ang pumalit kay Haring Ferdinand VII at namuno hanggang 1868.
  • Si Haring Alfonso XII ay ang anak ni Isabella II na pumalit sa kaniya.
  • Ang Suez Canal ay nag-uugnay sa Mediterranean Sea at ang Red Sea na nagpabilis sa kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya.
  • Nagsimula ang pag-aalsa noong 1745 sa Pilipinas.
  • Ang nasyonalismo sa Pilipinas ay nahiwalay sa dalawang uri.
  • Ang unang uri ay nakatuon sa mga pagbabago sa pamamahala ng bansa tungo sa kasarinlan na mula sa mga ilustrado.