U4L3 AP

Cards (37)

  • Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay isa sa mga pangyayaring nagdulot ng dagliang pagbabago sa pamumuhay ng mga tao sa Europa at mga bansang kolonya ng mga bansang tuwirang nasangkot dito.
  • Isa sa pangunahing dahilan ng paglala ng tension sa mga imperyalistang bansa sa Europa ay ang pagbuo ng mga alyansa.
  • Noong 1882 ay nakipag-alyansa si Otto von Bismarck sa Austria-Hungary at Italya
  • Nasyonalismo. Ang labis na pagmamahal sa bayan ang magtutulak sa mga mamamayan ng isang bansa na lumahok sa hukbo at digmaan alang-alang sa kanilang bansa.
  • "Black Hand" o samahang naglalayon na magtayo ng "pan-Slavic
    Kingdom".
  • Ang hidwaan bunga ng kompetisyon sa pananakop ay isa din sa mga ugat ng mga hidwaan ng mga imperyalistang bansa.
  • Ang kaharian ng Austria-Hungary ay humingi ng suporta mula sa kanilang kaalyansa na Germany. Bilang pagsuporta ay nagbigay ng blank check si William II sa Austria-Hungary na nagsasaad ng pagsuporta ng vermany sa Austria-Hungary sa lahat ng maaaring maganap sa digmaan.
    Kaugnay nito ay lumikha sila ng liham sa pamunuan ng Serbia na sumunod sa mga pagnanais ng Austria-Hungary sa loob ng 48 na oras. Ika-23 ng Hulyo, 1914
  • Bunga ng mobilisasyon ng hukbong Ruso sa Austria-Hungary ay binigyan ng ultimatum ng Germany ang Rusya sa kanilang sulat sa pinuno ng bansa na si Czár Nicholas II na tanggalin nito ang kanilang hukbo sa loob ng 24 na oras. Hindi sumunod dito ang mga Ruso. Ika-29 ng Hulyo, 1914
  • Bunga ng pagtanggi ng Rusya na tanggalin ang kanilang hukbo sa Austria-Hungary ay nagdeklara ng digmaan ang Germany laban sa Rusya.
    Dahil naghahanap ng kakampi ang bansa dahil sa kahinaan ng militar nito, tumungo sa Pransya ang mga kinatawan ng czar. Ika-1 ng Agosto, 1914
  • Dahil ang Rusya ay kaalyansa ng Pransya ay nagdeklara din ng digmaan ang Germany laban sa Pransya. Upang salakayin ang Pransya ay kinakailangang silang dumaan sa Belgium subalit tumanggi ito at nagdeklara ng pagiging neutral. Hindi nirespeto ng Germany ang pagiging neutral ng Belgium at sinakop ito. Ika-3 ng Agosto, 1914
  • Bunga ng pagsakop ng Germany sa Belgium at sa banta sa kanila ng Germany kapag nagapi nito ang Pransya ay nagdeklara na rin ng digmaan ang Gran Britanya laban sa Germany. Ito ang nagbunsod ng matinding kaguluhan sa Europa na umabot sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Ika-4 ng Agosto, 1914
  • Sa unang bahagi pa lamang ng digmaan mula 1914 hanggang 1915 ay tinatayang isa at kalahating milyong katao na ang namatay dahil dito.
  • Ang opensiba ng mga German ay nagdulot din ng kamatayan ng hukbo at mamamayan ng kabilang alyansa.
  • Subalit sa pagsapit ng 1916 ay natalo ng puwersa ng Germany sa pangunguna ni Heneral Paul Von Hindenburg ang mga Ruso. Tinatayang 2 milyon ang namatay sa digmaan.
  • Noong Abril, 1917 ay nagdeklara si Pangulong Woodrow Wilson ng digmaan laban sa Germany.
  • Noong Oktubre, 1918 ay sumuko ang Austria
  • Ang bansang Rusya ay sapilitang hindi na naging bahaging Digmaan sapagkat naglunsad ng rebolusyon ang mga tao laban sa Czar at kailangan muna nilang ayusin ang kanilang suliraning panloob.
  • Noong Nobyembre, 1918 ay sumuko na rin ang Imperyong Ottoman.
  • Ang armistice ay ang pagtigil sa labanan bunga ng isang kasunduan. Ang mga mamamayan ng Germany ay naglunsad ng rebolusyon upang patalsikin si Haring William II at sa pagkakaroon ng Republika sa pamumuno ni Marshal Ferdinand Foch ay lumagda na sila sa armistice noong
    Ika-11 ng Nobyembre, 1918.
  • Ang paglagda ng armistice ay naging hudyat na rin ng pagtatapos ng digmaan.
  • Pagkasawing buhay na tinatayang 10 milyong katao at malubhang pinsala na tinatayang 21 milyon na mga sibilyan at sundalo ng magkabilang panig.
  • Sa pagbagsak ng Imperyong Ottoman ay naging bansang Turkey ito
  • Ang mga pangkat pangkultural naman sa Baltic ay nakabuo rin ng kani-kanilang mga bansa, ang mga Czech at Slovak ay nagsanib at nabuo ng bansang Czechoslovakia.
  • Ang mga Croat, Slovene, at Serb na dating nasa ilalim ng kapangyarihan ng Austria-Hungary ay nakipagsanib sa Serbia kung kaya't nabuo ang bansang Yugoslavia
  • Noong 1918 ay binigyan karapatan ng parliyamento ng mga Briton na makaboto ang mga kababaihan na may edad 30 pataas at noong 1928
    ay ibinaba ng parliamento ang edad ng pagboto ng mga babae sa edad 21 pataas
  • Ang Triple Alliance ay ang alyansa ng Germany, Italya, at Austria-Hungary.
  • Ang Triple Entente ay ang alyansa ng Pransya, Britanya, at Rusya.
  • Ang pinuno ng Germany noong panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig ay si William II.
  • Ang hahalili sa kaharian ng Austria-Hungary ay si Archduke Franz Ferdinand na pinatay sa kanyang pagpunta sa Sarajevo.
  • Ang pinuno ng Rusya sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig ay si
    Czar Nicolas II.
  • Ang Serbian na pumatay kay Archduke Ferdinand ay si Gavrilo Princip na nag-umpisa sa Unang Digmaang Pandaigdig.
  • Ang Pangulo ng Estados Unidos noong panahon ng Unang Digmaang
    Pandaigdig ay si Woodrow Wilson.
  • Ang German na humikayat umano sa mga Mehikano na magdeklara ng digmaan laban sa Amerika ay si Kalihim Arthur Zimmermann.
  • Ang pagpapasabog umano ng Germany sa barkong Amerikano na Lusitania ay nagtulak sa Amerika na sumali sa Unang Digmaang Pandaigdig.
  • Ang kasunduang tumapos sa Unang Digmaang Pandaigdig ay ang
    Kasunduan sa Versailles.
  • Ang Liga ng mga Bansa ay samahan na binubuo ng 60 na mga bansa na nagkasundo na tanggapin ang nilalaman ng Kasunduan sa Versailles at irespeto ang hangganan ng mga bansa.
  • Ang militarismo ay ang pagpapalakas sa hukbong sandatahan ng isang bansa dahil sa paniniwalang ang kapangyarihan ng bansa ay nakabatay
    dito.