pagpag

Cards (82)

  • Tekstong Impormatibo
    Uri ng babasahing di-piksyon na isinusulat sa layuning makapaghatid ng impormasyon sa mga mambabasa
  • Elemento ng Tekstong Impormatibo
    • Layunin ng may-akda
    • Pangunahing ideya
    • Pantulong kaisipan
    • Kredibilidad ng mga impormasyon
  • Uri ng Tekstong Impormatibo
    • Paglalahad ng totoong pangyayari
    • Pag-uulat pang-impormasyon
    • Pagpapaliwanag
  • Tekstong Impormatibo ay isinusulat sa layuning makapaghatid ng impormasyon sa mga mambabasa
  • Tekstong Impormatibo ay maaaring nasa wikang madaling maunawaan ng karaniwang mambabasa o wikang teknikal para sa mga dalubhasa
  • Pangunahing ideya sa tekstong impormatibo ay dagliang inilalahad upang mas kaagad maunawaan ng mambabasa ang mga impormasyong binabasa
  • Pantulong kaisipan o mga detalye ay mahalaga upang makabuo sa isipan ng mambabasa
  • Kredibilidad ng mga impormasyon ay makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo
  • Tekstong deskriptibo
    Maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan. Subalit, sa halip na pintura o pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan.
  • Dalawang uri ng tekstong deskriptibo
    • Subhetibo
    • Obhetibo
  • Subhetibo
    Paglalarawan na kung saan ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang kaniyang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay.
  • Obhetibo
    Paglalarawan na may pinagbatayan na katotohanan. Halimbawa, isang lugar na inilalarawan ng isang manunulat ay isa sa magagandang lugar sa bansa na kilala rin ng mga mambabasa, gagamit pa rin ng sariling salitang maglalarawan sa lugar subalit hindi siya maaaring maglagay ng mga detalyeng hindi taglay ng kanyang paksa.
  • Limang pangunahing kohesyong gramatikal
    • Reperensya
    • Substitusyon
    • Elipsis
    • Pang-ugnay
    • Kohesyong leksikal
  • Reperensya
    Paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. May dalawa itong uri: Anapora at Katapora.
  • Anapora
    Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan.
  • Katapora
    Panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan.
  • Substitusyon
    Paggamit sa isang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
  • Elipsis
    May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
  • Pang-ugnay
    Nagagamit ang pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Ang pang-ugnay ay ang salita na nagpapakita ng relasyon o kaugnayan ng dalawang yunit sa pangungusap.
  • Dalawang uri ng kohesyong leksikal
    • Reiterasyon
    • Kolokasyon
  • Reiterasyon
    Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauri sa tatlo: Pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay-kahulugan.
  • Pag-uulit o Repetisyon
    • Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa muang gulang palang.
  • Pag-iisa-isa
    • Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.
  • Pagbibigay-kahulugan
    • Maaari sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naisasantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
  • Kolokasyon
    Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa't isa kaya't kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareho o maaari ding magkasalungat.
  • Tekstong deskriptibong bahagi ng iba pang teksto
    • Paglalarawan sa tauhan
    • Paglalarawan sa damdamin
    • Paglalarawan sa tagpuan
    • Paglalarawan sa isang mahalagang bagay
  • Paglalarawan sa tauhan
    Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat na mailarawan ang itura at mga detalye patungkol sa tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din ang pagkakalarawan dito.
  • Paglalarawan sa damdamin
    Ito'y bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na sa kanyang panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang binibigyang diib dito'y ang kaniyang damdamin o emosyong taglay.
  • Paraan ng paglalarawan sa damdamin o emosyon

    • Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan
    • Paggamit ng dayalogo o iniisip
    • Pagsasaad sa ginawa ng tauhan
    • Paggamit ng tayutay o matatalinghagang salita
  • Tekstong Naratibo
    Pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkasuno-sunod mula simula hanggang sa katapusan. Ang layunin ng ganitong uri ng teksto ang magsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapag-bibigay ng aliw o saya sa mga mambabasa.
  • Mga Katangian ng Tekstong Naratibo
    • Pananaw o Punto de Vista
    • Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin
  • Pananaw o Punto de Vista
    Ginagamit ng manunulat na paningin o pananaw sa pagsasalaysay
  • Uri ng Pananaw o Punto de Vista
    • Unang Panauhan
    • Ikalawang Panauhan
    • Ikatlong Panauhan
    • Kombinasyong Pananaw o Paningin
  • Unang Panauhan
    Isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, naririnig kaya gumagamit na panghalip na ako
  • Ikalawang Panauhan
    Mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya't gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw
  • Ikatlong Panauhan
    Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya
  • Kombinasyong Pananaw o Paningin
    Hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya't iba't ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay
  • Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin
    • Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
    • Di-direkta o Di-tuwirang Pagpapahayag
  • Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
    Ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kaniyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi.
  • Di-direkta o Di-tuwirang Pagpapahayag
    Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.