LESSON 6

Cards (19)

  • Paglalahad
    Detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang bagay, pook, o ideya
  • Paglalahad ay hindi nagsasalaysay ng isang kuwento, hindi naglalarawan ng isang bagay, hindi nagpapahayag ng isang paninindigan bagkus, ito ay nagpapaliwanag
  • Madalas makikita ang paglalahad sa mga aklat, mga editoryal sa diyaryo, mga artikulo sa magasin, at iba pa
  • Paglalahad
    Pagpapaliwanag na obhetibo, walang pagkampi, at may sapat na detalyeng pawang pampalawak ng kaalaman sa paksang binibigyang-linaw nang lubos na maunawaan ng may interes
  • Mga malimit na paggamitan ng paglalahad
    • Pagbibigay kahulugan
    • Pagsunod sa panuto
    • Pangulong-tudling
    • Suring-basa
    • Ulat
    • Balita
    • Sanaysay
  • Mga sangkap o elemento ng paglalahad

    • Sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang tinatalakay
    • Ganap na pagpapaliwanag sa buong kahulugan
    • Malinaw at maayos na pagpapahayag
    • Paggamit ng larawan, balangkas, at iba pang pantulong upang mapadali ang pag-unawa sa ipinaliliwanag
    • Walang pagkiling na pagpapaliwanag ng anumang bagay na nasasaklaw ng tao
  • Sanaysay
    Nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalayasay. Isang akdang pampanitikan na nasa anyong paglalahad
  • Pangunahing katangian ng sanaysay
    Pagpapahayag ng may-akda sa kanyang sariling pananaw
  • Ipinapahayag ng may-akda ang sarili niyang kuro-kuro at damdamin
  • Mahalaga ang pagpili ng angkop na pananalita, sariling estilo o pamamaraan ng may-akda
  • Pormal na sanaysay
    Nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos at mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang na mga pangyayari at mga kaisipan
  • Impormal na sanaysay
    Tinatawag din itong pamilyar o personal, at nagbibiga diin sa isang estilong nagpamalas ng katauhan ng may-akda
  • Uri ng sanaysay
    • Nagsasalaysay
    • Naglalarawan
    • Mapag-isip o 'di praktikal
    • Kritikal o mapanuri
    • Didaktiko o nangangaral
    • Nagpapaalala
    • Editoryal
    • Makasiyentipiko
    • Sosyo-pilitikal
    • Sanaysay na pangkalikasan
    • Sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan
    • Mapagdili-dili o replektibo
  • Replektibong sanaysay
    Isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksiyon ng pagsasanay. Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito
  • Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng sumulat
  • Ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglagong isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari
  • Ang replektibong sanaysay ay ibinabahagi sa mga mambabasa ang kalakasan at kahinaan ng sumulat batay sa mga karanasang natutuhan o nakuha
  • Kadalasang nakabatay sa personal na karanasan, malayang makapipili ng paksa ang manunulat ng replektibong sanaysay
  • Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng replektibong sanaysay
    • Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng sanaysay
    • Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip. Gamitin ang mga panghalip na ako,ko, at akin
    • Mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo upang higit na maging mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito
    • Gumamit ng pormal na salita sa pagsulat nito. Ito ay kabilang sa akademikong sulatin
    • Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito. Gawing malinaw at madaling maunawaan ang gagawing pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan
    • Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pasulat ng sanaysay:introduksiyon, katawan, at kongklusyon
    • Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata