1. Noong ika-19 na siglo, dumami ang dayuhang mangangalakal sa Canton
2. Bilang tugon, naging mahigpit sa kanila ang Pamahalaang Manchu
3. Ang mga dayuhan ay puwede lamang manirahan sa isang maliit na bahagi ng daungan. Hindi rin sila maaaring makisalamuha sa mga Tsino
4. Mataas ang sinisingil na buwis ng pamahalaan sa mga produkto ng mga Kanluranin, subalit kakaunti lamang ang binibili ng mga Tsino mula sa kanila
5. Plinano ng Britanya na dapat mas maraming kalakal ang dadalhin sa Tsina kaysa sa kukunin mula rito. Ang problema, wala silang panapat sa magagara at mamahaling seda at porselana ng Tsina
6. Kaya naman, naisipan nilang magdala ng opyo (opium) mula sa India (isa sa mga kolonya ng Britanya). Hindi inaasahan, naging mabenta ang opyo sa mga Tsino