konsepto ng pagkamamamayan - mamamayan o citizen. mula sa salitang "civitas". grupo ng taong nagkakaisa na naninirahan sa siyudad o komunidad
dalawang konsepto ng pagkamamamayan - pagkamamamayan bilang kasapi & pagkamamamayan bilang pakikilahok
pagkamamamayan bilang kasapi - tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang pamayanang politikal o ng isang bansa. may kanya-kanyang tungkulin ang mamamayan at bansa. pangalagaan at ingatan ang mga mamamayan. may karapatan at tungkulin ang mamamayan para sa bansa.
batayan ng pagkamamamayan, 1. likas o katutubong pagkamamamayan - mamamayan ng bansa mula kapanganakan. may dalawang prinsipyo.
a . jus sanguinis (right of blood) - batayan ang pagkamamamayan ng magulang. ito ang sinusunod sa pilipinas
b. jus soli (right of soli) - batayan ang lugar ng kapanganakan. halimbawa: U.S.A
batayan ng pagkamamamayan, 2. naturalisadong pagkamamamayan - mga dayuhan o banyaga (foreigner) na naging pilipino ayon sa prosesong itinakda ng batas
ang pagkamamamayang pilipino - nakasaad sa artikulo IV ng saligang batas ng pilipinas ng 1987
saligang batas - ito ay ang pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan
ang pagkamamamayan pilipino, 1. mamamayan ng pilipinas nang pinagtibay ang saligang batas ng 1987 noong pebrero 2, 1987.. 2.ang ama o ina ay mamamayang pilipino
ang pagkamamamayan pilipino, 3. mga mamamayang isinilang bago sumapit ang enero 17, 1973 sa mga inang pilipino na pinili ang pagkamamamayang pilipino pagsapit ng 21 taong gulang
ang pagkamamamayang pilipino, 4. mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayan pilipino ayon sa batas ng naturalisasyon
pagkawala ng pagkamamamayang pilipino - ang pagkamamamayang pilipino ay maaaring mawala, kusang-loob man ito o sapilitan. ayon sa ating batas, maaaring mawala ang pagkamamamayang sa pamamagitan ng mga ito.
pagkawala ng pagkamamamayang pilipino, 1. naging naturalisadong mamamayan siya ng ibang bansa. 2. naglingkod siya sa sandatahang lakas ng ibang bansa.
pagkawala ng pagkamamamayang pilipino, 3. sumumpa siya ng katapan sa saligang batas ng ibang bansa pagsapit niya ng 21 taong gulang. 4. nagpawalang-bisa siya ng naturalisadong pagkamamamayang pilipino
pagkawala ng pagkamamamayang pilipino, 5. napatunayan siyang tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa at kumampi sa kaaway sa panahon ng digmaan. 6. itinakwil niya ang kaniyang pagkamamamayan at nag angkin ng pagkamamamayan ng ibang bansa
ang pagkamamamayang pilipino - ayon din sa seksiyon 4 ng saligang batas ng 1987, ang isang mamamayan ng pilipinas na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng kaniyang napangasawa
ang pagkamamamayang pilipino, dalawang pagkamamamayan (dual citizenship) - itinadhana ng republic act 9225 o citizenship retention and re-acquisition act of 2003. Muling pagkamit ng pagkamamamayan. Pahintulutan ang dalawang pagkamamayan o dual citizenship
pagkamamamayang bilang pakikilahok - tumutukoy sa mga gawain na maaaring salihan o pasimulan ng mga mamamayan na ang layunin ay para sa ikabubuti ng lahat. sinang-ayunan ni Ruth Lister ang pahayag na ito.
pagkamamamayang bilang pakikilahok -layunin ng pagiging isang mamamayan ay maging aktibong kalahok sa mga gawain para sa pambansang kaunlaran. kailangan aktibo ang mamamayan sa pagisip ng mga paraan kung paano matutulungan ang kaniyang sarili at ang kapwa mamamayan.
pagkamamamayang bilang pakikilahok -hindi dapat inaasa palagi sa pamahalaan ang lahat ng solusyon sa mga sulirang nararanasan sa lipunan
ang mga karapatan ng mamamayang pilipino ay pinoprotektahan at ginarantiyahan ng saligang batas ng pilipinas. narito ang ilang karapatan ngg mamamayang pilipino:
karapatang mabuhay - walang sinuman ang dapat alisan ng buhay, kalayaan o ari-arian. nang hindi naaayon sa itinakda ng baras
karapatang mapaunlad ang sarila at makamit angg naisin sa buhay. karapatan na magmay-ari ng buhay, lupa, sasakyan, kasangkapan, at iba pang naaayon sa batas
karapatan sa libreng pampublikong edukasyon sa elementarya at sekundarya. noong 2017, ipinasa sa kongreso ng pilipinas ang universal access to libre na rin ang pag-aaral sa kolehiyo sa mga pampublikong pamantasan
karapatang dumulog sa hukuman maging siya man ang nasasakdal o nagsasakdal, mahirap man siya o mayaman. karapatang maipahayag ang kanyang nararamdaman o saloobin
karapatang maglakbay sa iba't ibang lugar
karapatang pumili ng relihiyon at kalayaang isagawa ang mga panrelihiyong paniniwala
ang mga batang pilipina na may edad 18 pababa ay mayroong karagdagang karapatan. ito ay naayom sa united nations convention on the rights of the child na nilagdaan noong 1992. bilang pagbabalik-tanaw sa nakaraang aralin, ang ilan sa mga karapatan ng mga naya ay ang sumusunod
karapatang maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad. karapatan na mapabilang sa isang pamilya. karapatan na manirahan sa isang mapayapa at tahimik na pamayanan
karapatan na makapag-aral at mabigyan ng maayos na edukasyon. karapatan na makapaglaro
karapatan na mabigyan ng tamang proteksiyon mula sa pang-aabuso at karahasan
karapatan na maipahayag nang malaya ng kanyang saloobin at pananaw