ap, 4q

Cards (61)

  • Pambansang Kaunlaran
    tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na masuportahan ang lahat ng pangangailangan ng tao para sa matiwasay na pamumuhay at takbo ng ekonomiya ng isang bansa
  • Pagsulong (growth)

    tumutukoy sa mga pisikal na pagbabago na nakikita at nararamdaman ng mga mamamayan
  • Pag-unlad (development)

    tumutukoy sa pagkakaroon ng pagbabago sa antas ng pamumuhay na mayroon ang mga mamamayan ng isang bansa
  • Mga Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
    1. Pagkakaroon ng pagsulong ng isang lipunan
    2. Mga pagbabago sa lipunan gaya ng pagtatayo ng mga bagong istraktura
    3. Pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao o ang pagbawas sa mga iskwater
    4. Hindi makikita ang pagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay na antas ng pamumuhay ng tao
    5. Mayroong kaayusang panlipunan ang isang bansa
    6. Mayroong kalayaan ang mga tao na makaahon sa kahirapan
    7. Mababa ang krimen na nagaganap
  • Mga Salik ng Pag-unlad at Pagsulong
    1. Likas na Yaman
    2. Yamang tao
    3. Kapital
    4. Teknolohiya o Inobasyon
  • Mga Pagkilos Para sa Pambansang Kaunlaran
    • Maabilidad
    • Makabansa
    • Maalam
  • Maabilidad
    1. Bumuo o sumali sa kooperatiba ( maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa )
    2. Pagnenegosyo ( hindi dapat manatiling isang manggagawa lamang ang mga Pilipino )
  • Makabansa
    1. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa ( aktibong pakikilahok sa pamahalaan, barangay, at gobyernong lokal )
    2. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino ( ang yaman ng bansa nawawala tuwing tinatangkilik natin ang mga dayuhang produkto )
  • Maalam
    1. Tamang pagboto ( pagpili ng kandidato, bago pumili ng iboboto )
  • Pagsulong
    • produkto ng pag-unlad
    • nakikita at nasusukat
    • pag-diretso o paglakad patungo sa isang lugar o kung saan man
    • hindi patitibag sa kahit anong suliranin
    • patungo sa isang mithiin o nais na gawin
    • pagkakaroon ng isang layunin at pag-aangat
  • Pagunlad
    • isang progresibo at aktibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng kahirapan, kawalan ng trabaho, kamangmangan, 'di pagkapantay-pantay, at pananamantala
    • maaaring magamit sa ekonomiya, tulad sa panibagong programa o teknolohiya sa ating komunidad
    • pagtanggap sa makabagong kagamitan o paraan na paggawa
    • pagbigay kontribusyon sa ating ekonomiya
  • David Ricardo
    • lumikha ng produkto kung saan matatamo ng isang bansa ang higit na kapakinabangan at katipiran
    • pag-aangkat ng produktong kailangan ng bansa sa murang halaga kaysa lumikha
  • Karl Marx
    • ang mga manggagawa ang tunay na prodyuser ng mga produkto, ngunit ang pakinabang ay napupunta lamang sa mga kapitalista at hindi sa manggagawa mismo
  • Gunnar Myrdal
    • naniniwalang upang sumulong at umunlad ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ay kailangang magkaroon ng kontrol sa populasyon
  • Physiocrats
    • hindi dapat makialam ang pamahalaan sa mga gawain sa lupa o agrikultura
    • kinikilala nila ang 'Laissez Faire' kung saan idinidiin nito na ang pamahalaan ay hindi dapa magkontrol ng anumang negosyo at hayaan ang mamimili at negosyante sa kanilang desisyon
  • Joseph Schumpeter
    • naniniwala na ang pagbabago sa estruktura ng pamilihan ng isang bansa na gawa ng mga inobasyon ang makapagpapaunlad sa ekonomiya ng isang bansa
  • Adam Smith
    • naniniwala sa kahalagahan ng 'Laissez Faire' sa pag-unlad ng ekonomiya
    • kabilang sa physiocrats
  • Roy Harrod and Evsey Domar
    • binigyan diin ang modelong harrod-domar model at kahalagahan ng pag-iimpok at masaganang produksiyon sa pagsulong ng ekonomiya
  • Agrikultura
    • ang sining atagham ng pagsasaka ng lupang mapagtataniman ng mga gulay, prutas, at iba pang pananim, paghahayop, at pangingisda
  • Mga bumubuo ng Sektor ng Agrikultura
    • Paghahalaman
    • Pangingisda
    • Paggugubat
    • Paghahayupan
  • Paghahalaman
    • ang malawakang pagtatanim sa Pilipinas ang pangunahing produktong pang-agrikultura tulad ng mais, tubo, tabako, abaka, at mga gulay
  • Pangingisda
    • dito nabibilang ang paghuli o pagkuha ng mga isda at iba pang likas na yaman na matatagpuan sa karagatan
  • Paghahayupan
    • ang pag-aalaga ng manok, baboy, baka, kalabaw, kambing, at pato na ilan sa kadalasang inaalagaan at pinagkakakitaan ng mga tao
  • Paggugubat
    • ang mga kahoy at papel ay iilan lamang sa halimbawa ng bumubuo sa sektor ng paggugubat
  • Kahalagahan ng Sektor ng Agrikultura
    • pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan
    • pinagmulan ng mga hanapbuhay
    • nagsisilbing pamilihan ng mga produkto ng sektor ng industriya
    • pinagmulan ng mga hilaw na materyales
    • pinagkukunan ng kitang panlabas o salapi ng dolyar
  • Suliraning Kinakaharap ng Sektor ng Agrikultura
    • pagkasira ng likas na yaman dahil sa polusyon
    • mababang halaga o presyo ng mga produktong agrikultural
    • kawalan ng sapat na imprastraktura
    • kakulangan sa kapital
    • Kawalan ng kongkretong programa sa pag-mamay-ari ng lupa
    • kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya
    • kompetisyon sa mga dayuhang produkto
  • REPUBLIC ACT 1400 o LAND REFORM ACT OF 1955
    • pangulong Ramon Magsaysay
    • inatasan ng batas ang land tenure administration na bumili ng mga pribadong lupang sakahan
  • REPUBLIC ACT 3884 o AGRICULTURAL LAND REFORM CODE
    • pangulong Diosdado Macapagal
    • pinalawig nito ang batas sa reporma sa lupa na naglalayong tuluyang matanggal ng sistema ng pananakahan
  • CODE AGRARIAN REFORM o PRESIDENTIAL DECREE 2
    • pangulong Ferdinand Marcos
    • inatasan ng batas na dapat magkaroon ang bawat magsasaka ng limang ektaryang parte sa lupang kanilang sinasaka
  • REPUBLIC ACT 6657 o COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM LAW
    • pangulong Corazon Aquino
    • batas na nag-uutos na ipamahagi ang lahat ng pampubliko at malalaking pribadong sakahan sa magsasakang walang sariling sakahan
  • PHILIPPINE DEVELOPMENT PLAN 2011-2016
    • pangulong Noynoy Aquino
    • ang development plan na ito ay naglalaman ng balangkas ng estratehiya ng pamahalaan para sa paglago ng iba't ibang bahagi ng ekonomiya
    1. Pinagbuting seguridad sa pagkain at pinataas na kita ng manggagawang nasa sektor
    2. Pinaigting na kakayahang malalabanan ang masasamang epekto ng mga sakuna
    3. Pinahusay na pamamalakad sa mga programa at pamumuno sa mga tanggapan ng pamahalaan
  • Sektor ng Industriya
    ito ang kalagayan ng isang ekonomiya na nagpapakita ng kapasidad at kakayahan ng isang bansa na makalikha ng maraming produkto mula sa mga hilaw na materyales na tutugon sa pangangailangan ng lokal at pandaigdigang pamilihan
  • Mga Sekondarya sa Sektor ng Industriya
    1. pagmimina
    2. pagmamanupaktura
    3. konstruksyon
    4. utilities
  • pagmimina
    ay ang pagkuha at pagproseso ng mga yamang mineral(metal, di metal, o enerhiya) upang gawing tapos na produkto o kabahagi ng isang kalakal
  • pagmamanupaktura
    ay tumutukoy sa paggwa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o ng mga makina at pagkakaron ng PISIKAL at KEMIKAL na transpormasyong mga materyl na bahagi ng pagbuo
  • konstruksyon
    kabilang dito ang mga gawain tulad ng pagtatayo ng mga gusali, estruktura, at iba pang land improvements
  • utilities
    ay binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan
  • Sangay ng Pamahalaan na tumutulong sa Sektor ng Industriya
    1. Department of Trade and Industry (DTI)
    2. Board of Investments (BOI)
    3. Philippine Economic Zone Authority (PEZA)
    4. Securities and Exchange Commission (SEC)
  • DTI
    gumagabay sa mga mangangalakal sa pagtatag ng negosyo
  • BOI
    tinutulungan ng mga nagsisimulang industriya at humihikayat sa mga dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa bansa