Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan, at mga pananampalataya at mga karanasang may kaugnayan ng iba't-bang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagka-poot, pagkasuklam, sindak at pangamba.
Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.
Ang mga Alamat, Anekdota, Nobela, Pabula, Parabula, Maiking Kumento, Dula, Sanaysay, Talambuhay, Talumpati, Balita, at Kwentong Bayan ay halimbawa ng akdang tuluyan.
Ang pagpapahayag ay iniaayos sa iba't iba niyang karanasan at lagay ng kalocban at kaluluwa, na nababalot ng pag-ibig o pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-asa o pangamba.
Ang Panitikan ay tumutukoy sa lahat ng uring pahayag, nakasulat man a binibigkas. Ang mga layunin nito ay para maipakita ang realidad at katotohanan, at makallikha ng isa pang daigdig na taliwas sa katotohanan.
Ang mga Tulang Pasalaysay, Awit/Korido at Kantahin, at Epiko ay mga akdang patula.
Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang pampapitikan sa pamamagitan ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha:
Nagbibigay ang panitikan ng isang magandang pagtakas sa realidad at ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan para sa mga tao.
Ang panitikan ay malaking tulong sa paghulma ng lipunan dahil tinutulungan nito ang mga mamamayang bumuo ng opinyon sa mundo at kwestiyonin ang kasalukuyang sistema.
Ang panitikan ay nagsasalamin sa pinagmulang kultura naging isang magandang kasangkapan ang panitikan upang masalamin ang pamumuhay ng pangkasalukuyang Lipunan
Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na pamamaraan o istilo.
Ang manunuri ay kinakailangan ding may opinyong bunga ng obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging matapat.
Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.
Sa pagsusuri ng anumang akda ay tagasuri ay kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok. Ito ang tinatawag na disiplina ng pagsusuri.
Sa teoryang ito makikita ang takbo ng isip ng may katha, antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan, pinahahalaganahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda.
Sikolohikal
Ang teoryang ito ay nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang bayan at iba pa mga sanaysay na nagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamaraang di tuwiran, maaring di kapani-paniwala o sa paraang nakakatawa ngunit kung ito'y titignan ng mabuti ay makikita nating may iba itong kahulugan at kaisipan.
Romantisismo
Sa teoryang ito ay mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan.
Sosyolohikal
Ipinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa tulad ng malakas at mahina, mayaman at mahirap, makapangyarihan at naaapi.
Marxismo
Sa teoryang ito ay ang tao ang sentro ng daigdig.
Humanismo
Ang teoryang ito ang nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
Imahismo
Akdang pampanitikan na likha ng guni-guni at bungang-isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.
Maikling kwento
Elemento ng maikling kwento kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Kasukdulan
Elemento ng maikling kwento kung saan mababasa ang resulta o kahihinatnan ng istorya na maarng masaya o malungkot.
Wakas
Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
Banghay
Elemento ng maikling kwento kung saan nagaganap ang pinakamataas na pangyayari kaya't ito ang pinakamaaksyon.
Kasukdulan
Ito ay elemento ng nobela na nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela.
Tauhan
Ito ay elemento ng nobela na ang paksang-diwa ang binibigyang din sa nobela.
Tema
Ito ay elemento ng nobela na matatagpuan ang lugar at panahon ng mga pinangyarihan ng kwento.
Tagpuan
Ito ay elemento ng nobela na kakikitaan ng istilo ng manunulat.
Pamamaraan
Tulang mula Hapon na binubuo ng 31 na pantig.
Tanka
Ginagamit sa mga kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan.
Pabula
Siya ang nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip ng dula.
Direktor
Alin sa mga elemento ng dula ang sumasaksi sa pagtatanghal nito?