emosyong nalilikha sa isip ng mambabasa habang at pagkatapos niyang basahin ang akda
PANANAW NG TEKSTO
nais sabihin o ipahayag ng may-akda tungkol sa isinulat na paksa
LAYUNIN
tunguhin o nais mangyari o makamit ng may-akda sa pagbabasa.
HULWARAN (PATTERN) NG ORGANISASYON
paraan ng pagkakaayos ng kaniyang mga ideya
KRONOLOHIKAL
akdang nagkukuwento at naglalahad ng proseso
gumagamit ng salitang naglalahad ng pagkakasunod-sunod: noong una, sunod, pagkatapos, at sa huli.
PAGLALAHAD NG SANHI AT BUNGA
naglalahad ng dahilan at epekto ng isang pangyayari,
gumagamit ng salitang dahil, sa, kasi, sapagkat, epekto ng, kaya, kaya naman, dahil dito, bunga nito
PAGHAHAMBING
paksang kailangang pagtularin at pag-ibahin.
kung paano nagkakaiba at nagkakapareho ang tao, bagay, pangyayari, o ideya na pinag-uusapan.
gumagamit ng salitang tulad ng, pareho sa, kapares ng, kaiba sa, laban sa, at iba pa.
PAGBIBIGAY NG DEPINISYON O KAHULUGAN, PAGBIBIGAY NG KLASIPIKASYON AT PAGHAHALIMBAWA
teksto na kailangang magbigay linaw ng konsepto
sa tuwing ipinagsasama-sama ayon sa mga piling kategorya at paghahalimbawa, kapag ang may-akda ay nagbibigay ng halimbawa bilang suporta sa paksang kaniyang inilalahad.
LAGOM
o buod, ang pinakasimpleng paraan ng paglalahad ng mga pangunahing ideya ng isang akda.
KONGKLUSYON
pinag-samang pag lalagom at pagbibigay diin sa mga pangunahing ideya ng teksto.
TSART
nagpapakita ng estruktura ng isang sistema
GRAP
nagpapakita ng dalawa o higit pang datos na numerikal o estatistikal sa paraang ilustrasyon
TALAHANAYAN
nagpapakita ng mga numero sa loob ng isang table o tabular na anyo
PAMAGAT
nagsasabi kung tungkol saan ang grapikong pantulong
LEGEND
nagsasabi kung ano ang ibig sabihin ng mga simbolong matatagpuan sa grapikong pantulong
SCALE
magpakita ng agwat sa pagitan ng datos, at nagpapamalas ng bilang ng bawat datos
TEKSTONG PANGHUMANIDADES
mga akdang naglalaman ng repleksyon at interpretasyon ng buhay ng tao gamit ang ibat ibang sining at pagpapahayag
Maaaring subhetibo ang wika nito o hindi pormal
Maaaring gumamit ng matatalinhagang pananalita sa larangan ng humanidades
bukas sa interpretasyon
IMPORMASYUNAL
tumatalakay ng katunayan o facts
IMAHINATIBO
malikhaing akda at maging kritisismo nito
PANGUNGUMBINSE
nagpapaniwalang suportahan o hindi ang isang akdang pansining o kaisipang pampilosopiya
TEKSTONG PANSIYENTIPIKO
akdang naglalaman ng pag-aaral o pananaliksik na nakatuon sa disiplinang nasa larangan ng siyensiya at teknolohiya
SIYENSIYA
Pagpatibay ng datos at pagbuo ng mga teorya
LAYUNIN mangalap at magpatibay ng datos upang makabuo ng teorya tungkol sa materyal na mundo
TEKNOLOHIYA
Paggamit ng teorya mula sa siyensiya at paglikha ng imbensyon
LAYUNIN paggamit ng datos at teoryang nanggaling sa siyensiya upang makalikha ng imbensiyon
PANLIPUNAN
Ang agham panlipunan ay larangan na nakatuon sa pag-aasal ng mga pangkat ng tao o sibilisasyon
TEKSTONG PANG-AGHAMPANLIPUNAN
akdang ginamitan ng approach ng siyensiya na obhetibo habang pumapaksa tungkol sa kalikasan at ugnayan ng tao na larangan naman ng humanidades
Teritoryo naman ng heograpiya ang pagmapa ng mga isla sa Pilipinas na gustong-gusto nating puntahan.
IMPORMASYUNAL
ang akdang naglilinaw tungkol sa tiyak na paksa.
EDITORYAL
isang halimbawa ng argumentatibong papel na inimbestigahan ang bawat panig ng isang isyu.
TEKSTONG NANGHIHIKAYAT
sa anyong sanaysay, testimonyal, at talumpati na ipinapaniwala ang pagiging tama ng isang panig ng pinagtatalunang paksa.
PAGPAPAHAYAG
nagbabahagi ng sariling kaalaman batay sa sariling karanasan , napiling teorya, o paniniwala sa isang napiling paksa
KRITIKAL
Kailangang nagagamit ang iskema o kaalaman para maiugnay ang isusulat/ipapahayag na teksto
ANALITIKAL
Napaghihiwalay o napagsasama ang ideya sa pagpapahayag para mas mabilis maunuwaan at mahinuha ang mensahe
MALINAW NA LAYUNIN
Nasasagot ba ang tanong na: “Bakit ako nagpapahayag?” at “Para saan ang ginagawa ko?”
AKADEMIKONG TONO
Propesyunal at pormal na Filipino ba ang gamit sa pagpapahayag?
KONGKRETONGBATAYAN NG IMPORMASYON
Mapagkakatiwalaan ba ang mga batis at sanggunian?
NAKAPAGBIBIGAY
Mayroon bang rekomendasyon kung paano malulutas ang pinunang suliranin?
PAGSUSURI NG SANAYSAY
suriin kung mabisa
PAGSASALING-WIKA/PAGSASALIN
proseso ng paglilipat ng ideya o kaalaman mula sa isang wika tungo sa iba pang wika