Ap 1

Cards (30)

  • Pag-unlad
    Ang pagbabago mula sa hamak na kalagayan tungo sa mas mataas na antas ng pamumuhay
  • Pagsulong
    Ang bunga ng proseso ng pag-unlad
  • Pag-unlad
    Isang progresibo at aktibong proseso
  • Pagsulong
    • Pagtaas ng antas ng produksyon dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya
  • Pagsulong
    • Madaling makita at masukat
  • Pagsulong
    • Mga pagbabagong pisikal gaya ng pagkakaroon ng maayos na mga daan, kalsada, mga tulay, pagpapatayo ng mga pagamutan na may maayos na pasilidad, paaralan, bangko
  • Pag-unlad
    Maghahatid ng progresibong pagbabago sa pamumuhay ng mga mamamayan
  • Pag-unlad
    • Kalayaan ng mamamayan mula sa kamangmangan, kahirapan, karahasan, pananamantala at diskriminasyon
  • Dalawang magkaibang konsepto ng pag-unlad
    • Tradisyunal na pananaw
    • Makabagong pananaw
  • Tradisyunal na pananaw
    Kinakailangang mas mapabilis at maparami ng bansa ang output kaysa sa bilis ng paglaki ng populasyon nito, upang magkaroon ng pagtaas ng income per capita o antas ng kita ng bawat tao na magdudulot ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan
  • Makabagong pananaw
    Dapat kakikitaan ng malawakang pagbabago ang buong sistema ng lipunan, at bigyang pansin ang pakikilahok ng bawat tao at grupo sa iba't-ibang prosesong magpapataas sa antas ng kanilang pamumuhay mula sa di kaaya-aya tungo sa kondisyon na mas kasiya-siya
  • Teorya ng kakayahan
    Ang kaunlaran ay matatamo kung may kalayaan ang bawat isa na isangkot ang sarili sa lipunan at magkaroon ng kakayahang makilahok sa aspetong politikal, magkaroon ng akses sa ekonomikong pasilidad, matamasa ang iba't ibang oportunidad sa lipunan at magkamit ng protektibong seguridad

  • Likas na yaman
    •Mga yamang natural na batayan ng kaunlarang
    pangkabuhayan ng isang bansa. Ito ay ang mga yaman na
    binubuo ng yamang-lupa, tubig, gubat at mineral.
  • Yamang-tao
    •Ang tao ay may kakayahang gumawa ng mga pagbabago sa
    kapaligiran sa pamamagitan ng kanyang taglay na talino at
    kahusayan sa paggawa
  • Teknolohiya
    at inobasyon
    •Ang paggamit ng mga bagong ideya, kagamitan o pamamaraan
    ay isa sa mga pinakamabisang paraan ng pagbabago mula sa
    nakasanayan tungo sa mas produktibo at episyenteng
    paglinang sa iba't ibang yaman ng bansa.
  • Kapital
    •Tumutukoy sa mga kalakal na nakalilikha ng iba pang
    produkto gaya ng makinarya, o iba pang kasangkapan upang
    mas mapabilis ang paggawa.
  • Human Development Index
    Isa sa mga panukat na ginagamit maliban sa GDP at GNP, upang malaman ang antas ng pag-unlad ng isang bansa
  • Kalusugan
    Ginagamit na pananda: haba ng buhay at kapanganakan
  • Edukasyon
    Ginagamit na pananda: mean years of schooling - tinataya ng United Nation Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) batay sa datos mula sa mga sarbey at sensus ukol sa antas ng pinag-aralan ng mga mamamayan na may edad 25 limang gulang
  • Antas ng pamumuhay
    Ginagamit na pananda: gross national income per capita
    • Kalimitan, ang pagkakaroon ng maliit na populasyon at malaking
    income per capita ay nangangahulugan ng malaking kakayahan ng
    ekonomiya na matustusan ang pangangailangan ng mga mamamayan
    ng bansa.
  • HDI (Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao)

    Pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi lamang ang pag-unlad ng ekonomiya nito
  • Ang pinakaunang Human Development Report ay inilabas ng UNDP noong 1990 at inilahad na ang "Ang tao ang tunay na kayamanan ng isang bansa"
  • Layunin ng pag-unlad
    Makalikha ng kapaligirang nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na magtamasa ng pangmatagalang kaayusan, malusog na pamayanan at payapang pamumuhay
  • Mga karagdagang palatandaan na ginagamit ng HRDO ng UNDP
    • Hindi pagkakapantaypantay (Inequality-adjusted HDI)
    • Kahirapan (Multidimensional Poverty Index)
    • Gender disparity (Gender Inequality Index)
  • Napakahalagang mabigyang pansin ang kaunlarang pantao tungo sa pagkamit ng malawakang pagbabago sa pamumuhay ng tao sa lipunan
  • Patuloy na nagbabago ang lipunan, patuloy din ang pagnanais ng mga bansa na makamit ang pag-unlad ng kanilang ekonomiya gamit ang kakayahan ng tao na itinuturing bilang isa sa pangunahing yaman ng bansa
  • Hindi pagkakapantaypantay (Inequality-adjusted HDI).
    Ginagamit upang matukoy ang kung
    paano ipinamamahagi ang kita,
    kalusugan, at edukasyon sa
    mamamayan ng isang bansa
  • Kahirapan (Multidimensional
    Poverty Index). Ginagamit upang
    matukoy ang paulit-ulit na pagkakait
    sa mga sambahayan at indibidwal ng
    kalusugan, edukasyon at antas ng
    pamumuhay.
  • Gender disparity (Gender Inequality Index). Susukat sa puwang o gap sa pagitan ng mga lalaki at babae
  • Human development index
    Kalusugan
    Edukasyon
    Antas Ng pamumuhay