Tekstong Nanghihikayat

Cards (12)

  • Ang panghihikayat sa payak na kahulugan ay tumutukoy sa paglalarawan ng tunay o karaniwang pagtanggap sa isang pananaw na narinig at nabasa.
  • Ang panghihikayat ay pang-iimpluwensiya sa kaisipan, saloobin, damdamin, paniniwala, motibasyon, naisin, at pag-uugali ng isang tao.
  • Ang tekstong nanghihikayat (persuasive) ay ginagamit ng isang may-akda upang kumbinsihin ang mga mambabasa na tama o tiyak ang kaniyang isinulat. Ito ay literal na pagtutulay at pagpapasa ng paniniwala ng may-akda sa kaniyang mga mambabasa.
  • Naglalahad ang tekstong ito ng mga pahayag na nakaaakit at nakahihikayat sa damdamin at isipan ng mga mambabasa sapagkat may sapat na ebidensiya o katibayan sa paglalahad ng paksa. Layunin ditto ng may-akda  na maglahad ng isang paksa na kayang mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga mambabasa.
  • Ang tekstong ito ay may pagkasubhetibo dahil ang tuon ng paksa ay sariling paniniwala ng may-akda na lohikal na ipinaliwanag.
  • Ang tono ng isang tekstong nanghihikayat ay maaaring
           Nangangaral,naghahamon, nagagalit , nambabatikos, natatakot, nalulungkot, nagpaparinig
  • Ethos. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat. Ang kaniyang sariling paniniwala, saloobin, damdamin, pag-uugali at ideolohiya sa kaniyang paksang isinusulat ay impluwensiya ng kanyang karakter.
  • Logos. Pagiging rasyonal ng isang manunulat ang paraan na ito. Nangangailangan ito ng tiyak at rasyonal na katibayan upang makahikayat. Ayon kay Aristotle, nauugnay ang logos sa mismong ginagamit na salita ng manunulat na tila may nais patunayan.
  • Pathos. Ang emosyon o damdamin tungkol sa isang paksa ay ang paraan ng may-akda upang mahikayat ang mga mambabasa. Nagagawa ng may-akda na mahikayat ang kaniyang mambabasa sa pamamagitan ng paglalapat ng kaniyang saloobin, maging ito man ay galit, masaya, nangungutya, at iba pa sa teksto o paksang isinulat.
  • Mga Elemento sa Pagbuo ng isang Mahusay na Tekstong Nanghihikayat
     Pagbuo ng mga makatotohanang kaisipan
    Pagtukoy ng damdamin, saloobin na may kaugnayan sa interes ng mga mambabasa
    Pagkakasunod-sunod ng mga kaisipang may katotohanan at damdamin
    Pagbuo at pagpahayag ng kongklusyon
    Mapaniwala ang mambabasa na ang kongklusyon ay mula sa napagkasunduang katotohanan
    Magkaroon ng tiwala sa sarili
  • Mga Hakbang sa Pagsulat  ng Tekstong Nanghihikayat
    1.    Piliin ang iyong posisiyon. Aling bahagi ng isyu ang nais mong sulatin at anong posibleng solusyon ang nais mong gawin.
    2.    Pag-aralan ang iyong mga mambabasa. Alamin kung ang iyong mambabasa ay sasang-ayon sa iyo, walang kinkilingan o di-sang-ayon?
    3.    Saliksikin ang iyong paksa. Tiyaking ito ay naglalahad ng tiyak at kongkretong ebidensiya.
    4.    Buuin mo ang iyong teksto. Alamin kung ano ang dapat mong isamang ebidensiya at pagkakasunod-sunod ng mga ito.
  • Mga Estratehiya sa Tekstong Nanghihikayat
    1.      MAY PERSONAL NA KARANASAN
    2.      MAY HUMOR O KATATAWANAN
    3.      MAY KATOTOHANAN AT ESTADISTIKA
    4.      SUMASAGOT SA ARGUMENTO
    5.      MAY HAMON
    6.      MAY PANIMULA, KATAWAN AT KONGKLUSYON