M7: Ang Pagsulat ng Komposisyon

Cards (54)

  • Ang paksa ay ang isang ideya na matalinong pinauunlad sa pamamagitan ng mabibisang pamamaraan ng pagtalakay ng manunulat.
  • Paano dapat pumili ng paksa ang isang manunulat?
    Dapat pumili ng paksa ayon sa:
    • interes
    • karanasan ng magsusulat
    • kaalaman
  • Karagdagan pa, dapat isaalang-alang din ng magsusulat kung sino ang target na magbabasa.
    Sa paanong paraan?
    Dapat ay:
    • kaakit-akit sa mambabasa sa paraang kapaki-pakinabang
    • may kaugnayan sa pang-araw-araw na buhay
    • tungkol sa mahahalagang bagay na kawili-wili
    • napapanahon, kakaiba, kontrobersyal, o di kaya ay
    • tungkol sa mga kilalang tao
  • Kapag nakapili na ng paksa, ang sunod na dapat pag-isipan sa pagsulat ng isang komposisyon ay kung paano ito tatalakayin. Paano mo isusulatang introduksyon? Ang katawan ng teksto? O paano mo wawakasan ang iyong sinusulat? Ano ang pinakalayunin mo sa pagsulat?
  • Kapag napagpasyahan mo na ang iyong paksa at layunin sa pagsulat, maaari ka nang magsimula sa pagsulat
  • 3 Bahagi ng Komposisyon
    • Simula o introduksyon
    • Gitna o katawan
    • Wakas o kongklusyon
  • ang simula/panimula/introduksyon
    • ang pinakamukha ng komposisyon
  • ang simula/panimula/introduksyon
    • Babasahin kaya ng marami ang teksto?
  • ang simula/panimula/introduksyon
    • Maingat dapat ang pagtalakay
  • ang simula/panimula/introduksyon
    • parang “display window” ng tindahan.
  • ang simula/panimula/introduksyon
    • pinakamahalagang pangungusap o talata sa isang sulatin
  • ang simula/panimula/introduksyon
    • Kailangan itong maging malinaw at mabisa
  • pasaklaw na pahayag
    • sa paraang ito, ang resulta muna o kinalabasan ng pangyayari ang unang sinasabi.
    • Kapag nasabi na ang resulta o kinalabasan ay saka iniisa-isa at pinagsusunod-sunod ang mga pangyayari mula sa di-gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalaga
  • pasaklaw na pahayag
    Isang binatang guro na dumalo sa kaarawan ng kanyang kaibigan ang brutal na pinatay makaraang saksakin nang apatnapu’t pitong beses ng apat na estudyante na nainis sa ginawang pagbati ng una kamakailan sa Sto. Tomas, Batangas. (Abante, Nob. 23, 1991)
  • pasaklaw na pahayag
    Isang vegetable nursery bawat Barangay ang pinagkakaabalahan sa Rizal, Laguna ngayon. (Masang Kadiwa, Agosto, 1988)
  • patanong
    • Madalas din itong gamitin ng maraming awtor. Nagtatanong upang mapaisip ang mga mambabasa. Ngunit mahalaga na hindi lang basta makapagtanong ka, kundi mas mabisa kung gagamit ng mga retorikal na tanong
    • ‘Yun bang hindi kagyat na masasagot ‘pagkat kailangan ng malalim na pagsusuri para magpatuloy sa pagbasa ang mambabasa.
  • patanong
    Langis at tubig nga ba ang interes ng kaguruan at ng ibang kawani ng Pamantasan? (Philippine Collegian, Pebrero 5, 1991)
  • patanong
    Mahina ba ang disiplina o talagang walang disiplina ang mga Pilipino?
  • tuwirang sabi
    • Ang panimulang ito naman ay karaniwang nakikitang nakapaloob sa mga panipi (quotation marks).
    • Ito kasi ay matapat na pagsipi sa tiyak na pahayag ng isang taong bantog, dalubhasa, o awtoridad. Pwede rin namang karaniwang tao lamang ngunit ang sinabi’y dapat na nagpapahayag ng mahahalagang bagay na magagamit bilang panimula sa pinapaksa
  • tuwirang sabi
    Isang sundalo ng Timog Vietnam ang nagpahayag kamakailan na, “Kung mamamatay ako’y tiyak na mapupunta ako sa langit, sapagkat tulad lang sa impyerno ang buhay ko dito sa lupa.” (Gemiliano Pineda, “Impyerno saLupa”, Laging May Bituin 1971)
  • tuwirang sabi
    “They’re liars!” ito ang maaaring sinabi kahapon ni Senador Wigberto Tanada sa mga US officials. (Abante, Nob. 23, 1991)
  • panlahat na pahayag
    • isang uri ito ng panimula na nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga salawikain, kawikaan, at maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na makatotohanang kaalaman na nagtataglay ng diwa o aral
  • panlahat na pahayag
    Minsan pang napatunayan ang matandang pamahiin na, “Huwag tumuloy sa pupuntahan kapag may bumagtas na pusang itim sa dinaraanan.”(Tonite, Setyembre 23, 1982)
  • panlahat na pahayag
    Sabi nga nila, “Ang anak na nalulunod sa laot ng kamalian, sasagipin ng magulang sa laki ng pagmamahal."
  • paglalarawan
    • ang panimulang ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao ang sulatin.
    • Kung kaya’t mga paglalarawan at maaksyong salita ang ginagamit.
  • paglalarawan
    Baliw daw si Mercy, ang babaeng may bigote’t balbas... marusing pero hindi marumi. Nakatali ang manipis na buhok na lampas-balikat ang haba. Hanggang tuhod ang pantalon kaya kapansin-pansin ang malago at kulot na mga balahibo sa binti. (Philippine Collegian, Enero 31, 1991)
  • paglalarawan
    Si Rosella na yata ang pinakamabait sa klase. Malawak ang kanyang pang-unawa. Mapagbigay at maalalahanin siya lagi. Tapat siyang kasama, lamang, hindi siya masalita. Parang laging napakalalim ng iniisip. Ang pagiging walang kibo niya’y hiwagang pinagkakatinginan ng lahat
  • pagkakaligiran
    • ito naman ang ginagamit na panimula kung ang binibigyan ng paglalarawan ay pook o lugar
  • pagkakaligiran
    Namamayani pa ang dilim, halos wala nang patlang ang tilaukan ng mga tandang sa silong ng mga dampang nangakatirik sa tabing-dagat
  • pagkakaligiran
    Unti-unting huminga ang kalye ng mga sasakyan – kalesa, dyip, kotse, bus, bisikleta, traysikel, pedikab, atbp. Ilang sandali pa, buhay na ang aspaltong kalye at ang mga sementong gusali. Buhay na ang Abenida, ang daan na tirahan ng ilan, ang daang pinangingilagan ng marami
  • pagsalungat
    • sa panimulang ito naman ay binibigyang-diin ang pagkakaiba
    • Kapag nailahad sa panimula ang kalakihan ng pagkakaiba ng sitwasyon, mas matindi at mas mabisa
  • pagsalungat
    Noong basketbolista pa si Sonny Jaworski, pikon, marumi, nananagi ngkalaban kapag naglalaro. Ngayon, kapag ganito ang laro ng kanyangbasketbolista, dahil coach na siya, sinisibak niya
  • pagsalungat
    Nang nakaraang pitong buwan, humahalakhak nang abot-langit sa kaginhawaan ang Lungsod Angeles. Ngayon, nananahoy ito nang ubod-lalim sa pagkakalibing nang buhay sa lahar.
  • ang gitna o katawan
    Dito makikita ang kalamnan
  • ang gitna o katawan
    binubuo ng mga talatang kinapapalooban ng mga pangunahing kaisipan at mga pantulong na mga detalye
  • ang gitna o katawan
    Kailangan ay masusi at maayos ang pagkakahanay-hanay at pagkakasunod-sunod para maging maliwanag ang paksa
  • ang gitna o katawan
    Ito ang pinakakaluluwa ng isang sulatin. Narito kasi ang lahat ng dapatna malaman ng mambabasa
  • ang gitna o katawan
    Mabisa kung ang gitna o katawan ng anomang sulatin ay hindi lang basta siniyasat o pinag-aralan nang mabuti ang bawat kaisipan kundi nabalangkas din nang mabuti ang kaayusan ng mga paliwanag at kaisipan sa bawat talata
  • Ang Mabisang Panimula
    • pasaklaw na pahayag
    • patanong
    • tuwirang sabi
    • panlahat na pahayag
    • paglalarawan
    • pagkakaligiran
    • pagsalungat
  • Mga Pangkalahatang Pamamaraan sa Pagsasaayos ng Katawan ng Komposisyon
    • kronolohikal
    • anggular
    • espasyal o paagwat