pananaliksik

Cards (23)

  • PANANALIKSIK 
    ↳ Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba't ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon o resolusyon niyo.
  • ↳ Si Aquino (1974) naman ay may detalyadong depinisyon. Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
  • MGA KATANGIAN NG MABUTING PANANALIKSIK
    a. Sistematik
    b. Kontrolado
    c. empirikal
    d. Mapanuri
    e. Obhetibo, lohikal, at walang pagkiling
    f. Gumagamit ng mga kwantiteytib o istatistikal na metodo
    g. Isang orihinal na akda
    h. Isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon, at deskripsyon
    i. Matiyaga at hindi minamadali
    j. Pinagsisikapan
    k. Nangangailangan ng tapang
    l. Maingat na pagtatala at pag-uulat
  • MGA KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG MANANALIKSIK (MMMSKm)
    Masipag
    Matiyaga
    Maingat
    Sistematik
    Kritikal o mapanuri
  • D. Hindi siya nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kanyang argumento o para ikiling ang kanyang pag-aaral sa isang partikular na pananaw     (Atienza, et al., 1996)
  • Ang PLAGYARISMO ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod, at balangkas ng isang akda, programa, himig at iba pa, hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan. Ito ay isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi iyo (Atienza, et al., 1996)
  • maari ring ihabla ang sinumang nangongopya batay sa Intellectual Property Rights Law (R.A 8293) at maaring sentensyahan ng multa o pagkabilanggo.
  • PAGPILI NG PAKSA 
    Sarili, kaibigan, guro
    Dyaryo, magazine, radyo at telebisyon
    Aklatan, internet
  •  Kasapatan ng Datos - kailangang may sapat nang literatura hinggil sa paksang pipiliin. Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan-ngilan pa lamang ang mga abeylabol na datos hinggil doon. 
  • Limitasyon ng Panahon - magiging konsiderasyon sa pagpili ng paksa ang limitasyong ito. May mga paksa na nangangailangan ng mahabang panahon, higit pa sa isang semestre, upang maisakatuparan.
  • Kabuluhan ng Paksa - pumili ng paksang hindi lamang napapanahon, kundi maari ring pakinabangan ng mananaliksik at ng iba pang tao.
  •  Interes ng Mananaliksik - magiging madali para sa isang mananaliksik ang pangangalap ng mga datos kung ang paksa niya ay naaayon sa kanyang kawilihan o interes.
  • MGA BATAYAN SA PAGLILIMITA NG PAKSA
    Panahon - Lugar
    Edad - Propesyon
    Kasarian - Anyo o Uri
    • Perspektib
  • ➤ Sa pananaliksik, ang pamagat ay kailangang maging malinaw, tuwiran, at tiyak.
  • TEKSTONG ARGUMENTATIBO
    ➤ Ang tekstong argumentatibo ay nagbibigay ng paninindigan ng manunulat tungkol sa isang isyu.
  • Sinusuportahan ang paninindigang ito ng mga argumento at matitibay na ebidensya na lalong kukumbinsi sa mga mambabasa na sumang-ayon sa inilalahad na pananaw.
  • Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng ebidensya. Mula rito ay paninindigan ang isang posisyon na isusulat sa maiklu ngunit malaman na paraan.
  • Para sa maraming manunulat, ang pagpipiga ay isang uri ng teksto na gumagamit ng mga argumento upang iparating ang kanilang paniniwalang totoo.
  • HALIMBAWA NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO
    1. Tesis 4. Editoryal
    2. Posisyong papel 5. Petisyon
    3. Papel na pananaliksik 6. Debate
    1. Proposisyon - ayon kay Melania I. Abad (2004) sa “Linangan ng Wika at Panitikan”. Ang proposisyon ay ang pahayag na inilahad upang pagtalunan o pag usapan.
  •  Proposisyon - ito ay isang bagay na pinagkasunduan bago ilahad ang katwiran ng dalawang panig.
  • 2. Argumento - Ito ay paglatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatwiran ang isang panig.
  • KATANGIAN AT NILALAMAN NG MAHUSAY NA TEKSTONG ARGUMENTATIBO
    Mahalaga at napapanahong paksa
    ➤Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
    ➤ Maayos na pagkasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensya ng argumento
    Matibay na ebidensya para sa argumento