Mod 1

Cards (25)

  • Ang pagbasa ay isang karaniwang gawain sa paaralan na humuhubog ng pag-iisip ng mga mag-aaral.
  • Curry at Palmunen - nababago ang paraan ng pagbasa ng mga
    kolehiyong mag-aaral, nangangahulugang hindi lamang pag-alam o pagsasaulo sa mga pangunahing detalye na nakapaloob sa teksto kundi ang pagtiyak kung paano naging makatotohanan ang isang fact o ang isang impormasyon.
  • Mga hakbang Upang matamo ang layunin ng pagbasa sa kolehiyo:
    1. Maghandang Bumasa.
    2. Aktibong Bumasa.
    3. Mapanuring Bumasa.
    4. Bumasa nang Kritikal.
  • Maghandang Bumasa - Bago bumasa, alamin ang ideya o nilalaman ng iyong babasahin sa pamamagitan ng pagtingin sa mga pabalat nito. Ano ang sinasabi ng pamagat? Ano ang masasabi ng iba sa aklat? Ano ang sinasabi sa talaan ng nilalaman? Maaaring basahin ang panimula o introduksyon upang makilala ang awtor, ang kanyang pinagmulan, kanyang ekspertis at ang kanyang mga pamamaraan.
  • Aktibong Bumasa - Tandaan na ang layunin ng manunulat ay makipagtalastasan sa kanyang mambabasa at ihayag ang kanyang pananaw. Habang bumabasa, maaring isulat ang mga
    katanungan na pumapasok sa isipan o kaya'y isulat kung paano nauunawaan ang teksto.
  • Mapanuring Bumasa - Upang mapadali ang pagsusuri, hatin sa malilit na bahagi ang maraming konsepto nang sa gayon ay makita ang ugnayan ng mga bahaging ito sa bawat isa.
  • Bumasa nang Kritikal. - Ito ay tumututukoy sa pagbibigay-puna o ebalwasyon sa teksto o may- akda. Kabilang dito ang pagtukoy sa kalakasan o kahinaan (strength and weakness) ng nilalaman at kabuuan ng teksto.
  • pagbasa - sistematikong proseso ng pagkilala at pag-unawa sa mga nakalimbag na titik o simbolo. Sa gawaing ito, ang mensaheng nais iparating ng manunulat ay inuunawa at binibigyan ng interpretasyon ng mga mambabasa.
  • pagbasa - kumukuha tayo ng impormasyon at ng kahulugan mula sa mga sagisag na nakikita ng ating mga mata.
  • Frank Smith - ang pagbabasa ay ang pagtatanong sa nakasulat na teksto, at ang pag-unawa sa teksto ang magsisilbing sagot sa iyong mga tanong.
  • Kenneth Goodman - ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game, sapagkat ito ay nagdudulot ng interaksyon sa pagitan ng
    wika at pag-iiip: ang kakayahang manghula, bumuo ng hinuha o prediksyon kaugnay ng tekstong binabasa.
  • dalawang paraan ng pagbasa:
    1. Tahimik na pagbasa
    2. Malakas na pagbasa
  • Webster Dictionary - ang pagbasa ay gawain ng isang taong bumabasa ng aklat at iba pang mga sulatin. Ito ay kinakailangan ng pag-unawa sa binabasang aklat o mga sulatin, maging sa nakasulat sa mga bagay.
  • metakognisyon - nangangahulugang "pagkakaroon ng kaalaman" at maunawaan, makontrol at magamit nang wast ang mga kaalamang ito (Tei at Stewart, 1985).
  • apat na salik na isinasaalang-alang ang mga eksperto sa ilalim ng prosesong metakognisyon sa pagbasa:
    1. teksto
    2. gawain sa pagbasa
    3. istratehiya
    4. katangian ng mambabasa
  • teksto - nakapaloob ang pagtukoy sa istruktura, uri o anyo ng babasahin.
  • gawain sa pagbasa - papasok ang mga gawain bago bumasa, habang bumabasa at pagkatapos bumasa.
  • istratehiya - paggamit ng diksyunaryo, pagtingin sa iba pang sanggunian kaugnay ng paksang binabasa, pagtatanong,
    pagsasalungguhit, pagtatala ng importanteng detalye, pagbubuod, paggawa ng balangkas at iba pa.
  • katangian ng mambabasa - ito ay mahalaga sapagkat kaugnay dito ang kanyang interes, motibasyong matuto, kakayahan mental at pisikal at oryentasyon sa pagbasa at pagkatuto.
  • mga uri ng pagbasa:
    1. Skimming
    2. scanning
    3. ekstensibong pagbasa
    4. intensibong pagbasa
  • Skimming - Ito ay ang mabilis na pagtingin sa teksto upang makuha ang punong ideya o ang mga importanteng impormasyon. Mga halimbawa nito ay ang mabilisang pagbasa ng balita, madaliang pagbalik-aral sa leksyon o mga tala (notes) at pagsangguni sa mga anunsyo o billboard sa mga daanan.
  • Palaktaw na pagbasa (Scanning). Mabilisang pagtingin sa mga tala o teksto na may layuningkuhanin ang impormasyon o detalye o bagay na kailangan. Ang mga halimbawa nito ay pagkuha ng pangalan at telepono sa directory, pagsulyap sa mga pamagat ng mga nakahilerang aklat sa aklatan o shelf at pag-tiyak sa sangkap ng isang produkto o pagkain.
  • Ekstensibong pagbasa - Ito ay tumutukoy sa malawakang pagbabasa na karaniwang ginagawa ng mga mananaliksik at manunulat na inaasahan din sa mga mag-aaral lalo na kung sila ay sumusulat ng pananaliksik papel, lat at analitikal na sanaysay. Mga halimbawa ng sanaysay na nagsusuri: book review, panunuring pampanitikan at pampelikula.
  • Intensibong pagbasa - Ito ay masidhing pagbasa. Maingat at masus! ang pagbasa upang matiyak ang mga detalyeng kinukuha mula sa teksto. Ang ganitong uri ng gawain ay mararanasan sa paggawa ng citation at referencing.
  • William S. Gray - Ama ng Pagbasa