glv AP 4.1-4.2

Cards (46)

  • Pagkamamamayan
    Konsepto at Katuturan, Kahalagahan ng Aktibong Pagkamamamayan
  • Pagkamamamayan
    • Naipapaliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan
  • Batay sa Artikulo II Seksiyon 1 ng 1987 Saligang Batas "ang Pilipinas ay isang estadong republikano at demokratiko"
  • Estado
    Isang konseptong politikal na kung saan ito ay binibigyang kahulugan bilang "isang pamayanan na binubuo ng maraming pangkat ng mga tao na palagiang naninirahan sa isang tiyak na teritoryo, may sariling pamahalaan na sinusunod ng nakararami at malaya at hindi nasasakop ng sino mang dayuhan"
  • Elemento ng Estado
    • Mamamayan
    • Teritoryo
    • Pamahalaan
    • Soberanya
  • Citizen
    Ang mga tao na nagtataglay ng mga Karapatan at pribilehiyo sa pagkamamamayan
  • Citizenship
    Ang pagiging kasapi o miyembro ng isang estado. Nagtatakda sa bawat miyembro ng obligasyon ng katapatan sa estado samantalang ang estado naman ay may obligasyon na protektahan ang mga miyembro nito
  • Jus Sanguinis
    Natatamo sa pamamagitan ng relasyon sa dugo o nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kanyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas
  • Jus Soli
    Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa lugar lung saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika
  • Naturalisasyon
    Ang proseso o paraang itinatadhana ng batas kung saan maaaring tanggapin ng estado ang isang dayuhan upang maging mamamayan nito
  • Republic Act 9225 Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2003 pinayagan ang mga katutubong Pilipino na naging mamamayan ng ibang estado sa pamamagitan ng naturalisasyon na muling maibalik o mabawi ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Dual Citizen
  • ARTIKULO IV PAGKAMAMAMAYAN
    Seksiyon 1. Ang mga sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas;
      pagpapatibay ng Saligang-batas na ito;
    (1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng
    (2) Yaong ang mga ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas
    (3) Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino sa pagsapit sa karampatang gulang; at
    (4) Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
  • LIKAS NA KATUTUBO (NATURAL BORN)– anak ng Pilipino, parehas mang magulang o isa lamang
  • NATURALISADO – dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon
  • Di Boluntaryo- •Sapilitan at hindi maaaring piliin ang pagkamamamayan.
    •Pamamagitan ng pagsilang dahil sa lugar ng kapanganakan o relasyon sa dugo.
  • Boluntaryo- Ang taong nagnanais mismo ang pumipili ng kanyang pagkamamamayan sa pamamagitan ng naturalisasyon. 
  • naturalisasyon ay ang proseso o paraang itinatadhana ng batas kung saan maaaring tanggapin ng estado ang isang dayuhan upang maging mamamayan nito.
  • PAGKAWALA NG PAGKAMAMAYAN

    KUSANG LOOB NA GAWA
    Pagkawala ng Pagkamamamayan: q
    1.Kung sasailalim sa Naturalisasyon sa ibang bansa q
    2.Hayagang pagtatakwil sa pagkamamamayanq
    3. Paglilingkod sa sandatahang lakas ng ibang bansa o estado maliban na lamang sa mga espesyal na sitwasyon na sadyang pinapayagan ng Republika ng Pilipinas.

    DI-KUSANG LOOB NA GAWA
    Pagkawala ng Pagkamamamayan: q
    1. Pagkansela ng hukuman ng kanyang sertipiko ng naturalisasyon;
    2. pagdedeklara ng isang competent authority na ang isang mamamayang Pilipino ay tumakas sa panahon ng pakikipagdigmaan.
  • Batay sa kalayaan
    -Mga kalayaang sibil at politikal.
    -Kabilang dito ang mga kalayaang panlipunan at pagkakapantay-pantay gaya ng Karapatan sa pantay na edukasyon at oportunidad na nakatutulong sa tao upang paunlarin ang buhay at pamumuhay, sinuman at anuman ang kanyang kasarian, lahing pinagmulan, relihiyon at iba pa.
  • Batay sa pangangailangan

    -Karapatang panlipunan at ekonomiko.
    -Nagbibigay ng pantay na Karapatan sa mga pangangailangang materyal na makakamit sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkakataon at yaman gaya ng kalusugan, pagpapabuti ng kondisyong panlipunan at pagkamit ng mapagpalayang Karapatan.
  • Universal Declaration of Human Rights- isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao.
  • Eleanor Roosevelt- Nabu ang UDHR nang maluklok siya bilang tagapangulo ng Human Rights Commission ng United Nations.
  • Universal Declaration of Human Rights- naging pangunahing batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas.
  • De Leon, et al- Ayon sa aklat niya, may tatlong uri ng mga karapatan ang bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa.
  • Karapatang Likas- Karapatang inaangkin ng mamayan kahit na hindi ito ipinagkaloob sa kanya ng estado.

    -Ang Diyos ang nagkaloob nito sa tao uang siya ay makapamuhay ng maligaya.
  • Karapatang Konstitusyonal- nagmula ito sa saligang batas, hindi ito maaaring ipagkait sa kanya ng sino man maging ang pamahalaan.
  • Karapatang Politikal- kapangyarihan ng mamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan.
  • Karapatang Sibil- mga karapatan na titiyak sa mga pribaong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.
  • Karapatang Sosyo-ekonomiko- mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pangekonomikong kalagayan ng mga indibidwal.
  • Karapatan ng akusado- mga karapatan na magbibigay-proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anomang krimen.
  • Karapatang batas- pinagtibay ng kongreso nagmula ang karapatang batas
    -Dahil ang kongreso ang nagkaloob ng mga karapatang batas, maaari rin mismo nitong bawiin o ipagpawalang-bisa ang nasabing Karapatan anumang oras.
    1. Ang karapatang pantao ay Universal at Inalienable- Ang lahat ng tao sa daigdig ay may karapatang pantao. Ayon mismo sa Artikulo 1 ng UDHR, “Ang lahat ng tao’y isinilang na Malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga Karapatan.
  • 2. Ang karapatang pantao ay Likas at Awtomatiko- Ito ay nakukuha bilang entitlement dahil sa kanyang pagiging tao mula sa kanyang kapanganakan hanggang kamatayan (inherent).
  • 3. Ang karapatang pantao ay Interdependent at Interrelated- Ang bawat Karapatan ay likas na magkakaugnay at nag-aasahan sa isat-isa. Ang bawat isang Karapatan ay nakapag-aambag sa pagkamit ng isang tao ng kanyang dignidad bilang isang tao sa pamamagitan ng pagtugon sa kanyang mga pangangailangang pisikal, pang-ekonomiko, panlipunan, sikolohikal at espiritwal.
  • 4. Ang karapatang pantao ay Indivisible- Ang mga karapatang pantao ay nakakamit ng bawat tao na isang kabuoan at hindi maaaring tratuhin ng magkakahiwalay.
  • 5. Ang karapatang pantao ay nakasalig sa prinsipyo ng Equality at Nondiscrimination- Ang lahat ng indibidwal ay magkakapantay bilang mga tao. Ang lahat ng tao ay may Karapatan sa kanilang mga karapatang pantao anuman ang kanilang lahi, kulay ng balat, kasarian, etnisadad, relihiyon, nasyonalidad, ideolohiya, uring panlipunan at iba pa.
  • Artikulo 2, Seksyon 1 ng Saligang Batas- Ang Pilipinas ay isang Estadong Republikano at demokratiko
  • Mamamayan- dito nagmumula ang kapangyarihan ng isang estado na wala sa pamahalaan
  • Dapat aktibong nakikisangkot sa diskurso sa pamamahala ang mga mamamayan upang bigyang katugunan ang mga hamong panlipunan
  • Pamahalaan at mamamayan- Dapat buuin ng dalawang ito ang solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan