mod 2

Cards (31)

  • tekstong impormatibo - uri ng babasahing di-piksiyon. Isinulat ito sa layuning makapaghatid ng impormasyon sa mga mambabasa. Maari itong mabasa sa mga magasin, mga batayang aklat, mga aklat sanggunian, at iba pa. Iba-iba ang paraan ng pagkakasulat nito depende sa uri ng impormasyong nilalaman nito.
  • Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo:
    Kahulugan
    Pag-iisa-isa
    Pagsusuri
    Paghahambing
    Sanhi at bunga
    Suliranin at solusyon
  • Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Impormatibo:
    1. Layunin ng may-akda
    2. pangunahin at suportang ideya
    3. Hulwarang organisasyon
    4. Talasalitaan
    5. Kredibilidad
  • Layunin ng may-akda -
     Ano ang hangarin ng may-akda sa kaniyang pagsulat?
     Malinaw bang naipakita sa teksto ang layunin ng may-akda na makapagpaliwanag o magbigay impormasyon?
     Anong impormasyon ang nais ipaalam ng may-akda sa mambabasa?
  • pangunahin at suportang ideya -
     Tungkol saan ang teksto?
     Ano-ano ang pangunahing ideya nito tungkol sa paksa?
     Ano-ano ang detalyeng sumusuporta sa pangunahing ideya?
  • Hulwarang organisasyon -
     Paano inilahad ang mga suportang ideya?
     Ano ang hulwaran ng organisasyon na ginamit sa paglalahaad ng mga detalye sa teksto?
     Maayos bang naihanay at naorganisa ang mga ideya gamit ang mga hulwarang organisasyonsa pagbasa?
  • Talasalitaan -
     Gumamit ba ng mga salita o terminolohiya na di-karaniwang ginagamit sa normal napakikipagusap at ginagamit lamang sa mga teknikal na usapin? Ano-ano ito?
     Matapos mabasa ang teksto, naibigay ba nito ang kahulugan ng mga ginagamit na di-kilalangsalita o terminolohiya?
     Ano-anong impormasyon kaugnay ng mmga terminolohiyang ito ang tinalakay sa teksto?
  • Kredibilidad -
     Bagong kaalaaman o impormasyon ba ang ibinahagi ng teksto?
     Kung oo, sapat ba ang mga suportang detalye na tumatalakay sa bagong kaalamang ito?
     Nabanggit ba sa teksto ang mga pinagkuhanan ng ideya o impormasyon?
     Mula ba sa kilala aat mapagkakatiwalaang materyal ang mga naksaad na impormasyon?
     Kaya bang mapatunayan kung gaano katotoo ang impormasyong nakasaad sa teksto?
  • tekstong deskriptibo - may layuning ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, o ideya, paniniwala, at iba pa.
  • tekstong deskriptibo - Ginagamit bilang pandagdag o suporta sa mga impormasyong inilalahad ng tekstong impormatibo at sa mga pangyayari o kaganapang isinasalaysay sa tekstong naratibo.
  • Karaniwang Paglalarawan - tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian nito gamit ang mga pang-uri at pang-abay.
  • masining na paglalarawan - malikhain ang paggamit ng wika upang makabuo ng kongkretong imahe tungkol sa inilalarawan. Tinatangka nitong ipakita, iparinig, ipaamoy, ipalasa, at ipadama ang isang bagay, karanasan o pangyayari.
  • dalawang elemento ng tekstong deskriptibo:
    1. karaniwang paglalarawan
    2. masining na paglalarawan
  • Simili o Pagtutulad - tumutukoy sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, o pangyayari sa pamamagitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kasing, kawangis, kapara, at katulad.
  • simili o pagtutulad -
    1. Kasingningning ng mga bituin ang iyong mga mata.
    2. Ang bawat hakbang ng iyong mga paa ay parang isang higante.
  • Metapora o Pagwawangis - tumutukoy sa tuwirang paghahambing kaya’t hindi na kailangang gamitan ng mga salitang naghahayag ng pagkakatulad.
  • Metapora o Pagwawangis -
    1. Ang tawa ng bunsong anak niya ay musika sa tahanan.
    2. Ang lungkot na iyong nadarama ay bato sa aking dibdib.
  • Personipikasyon o Pagsasatao - ay tumutukoy sa paglalapat ng mga katangiang pantao sa mga bagay na abstrakto o walang buhay.
  • Personipikasyon o Pagsasatao -
    1. Naghahabulan ang malalakas na bugso ng hangin.
    2. Matalinong mag-isip ang bagyo kaya lilihis ito sa ating bansa.
  • Hayperboli o Pagmamalabis - tumutukoy sa eksaherado o sobrang paglalarawan kung kaya hindi literal ang pagpapakahulugan.
  • Hayperboli o Pagmamalabis -
    1. Pasan ko ang daigdig sa dami ng problemang aking kinakaharap.
    2. Nagdurugo ang aking utak sa hirap ng pagsusulit na ito.
  • Onomatopeya o Paghihimig - tumutukoy sa paggamit ng salitang may pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilalarawan nito.
  • Onomatopeya o Paghihimig -
    1. Malakas ang dagundong ng kulog.
    2. Dinig na dinig ko ang tik-tak ng orasan
    3. Umaalingawngaw ang tinig ng asong ulol sa loob ng kweba.
  • Paglilista o Enumerasyon – Tumutukoy ito sa talaan o listahan ng mga ideya tungkol sa pangunahing ideya.
  • Sekwensyal – serye ng pangyayari patungo sa kongklusyon (una, ikalawa, kasunod, panghuli, pagkatapos, ngayon, sa panahon, sa madaling panahon, noong mga panahon, samantala)
  • Kronolohikal – inililista niya ang hakbang ayon sa pangyayari ng kasaysayan, ng kwento, at iba pa.
  • Prosejural – pagkakasunud-sunod ng hakbang na gagamitin. (sa mga laboratoryo)
  • Paghahambing at Pagkokontrast – Gumagamit dito ng paglalarawan sa dalawang bagay na pianghahambing upang makita ang pagkakaiba at pagkakatulad.
  • Sanhi at Bunga – Ang sanhi ay nagsasaad ng kadahilanan ng mga pangyayaring naganap at ang epekto ng pangyayari ay tinatawag na bunga.
  • Problema at Solusyon – Ang manunulat ay nagpapahayag ng isang problema at nagtatala ng isa o mahigit na solusyon. Ang huwarang ito ay ang pormat na tanong at sagot, nagbibigay ng tanong ang manunulat at sinasagot ang mga tanong na ito.
  • Depenisyon o Pagbibigay Kahulugan – Ginagamit ito ng mga manunulat upang bigyang kahulugan ang isang paksa. Mahalaga ito sa tekstong ekspositori o anyong paglalahad. May mga salitang nakukuha ang kahulugan sa diksyunaryo at mayroon din naming pagbibigay-kahulugan kung paano ito ginamit sa isang sulatin.