Ma’am Advincula

Cards (42)

  • Ang pagtitipon-tipon ng mga taong karaniwan ay kasapi sa isang grupo o samahang may itinataguyod na layunin. karaniwang ginagawa sa mga paaralan, opisina, at iba pang establisyemento.
    Pulong o Miting
  • Isang kasulatan (note), dokumento, o iba pang uri ng pakikipag-ugnayan na tumutulong para ipaalala ang ilang bagay, tao, mga pangyayari, paksa, hinggil sa negosyo o trabaho opisina at marami pang iba.
    Memorandum
  • Kahalagahan ng Pulong
    Nakapagpapahayag ng saloobin
    Naisasaayos ang mga plano
    Nakagagawa ng desisyon
  • Professor ng English for the Workplace 3 (2014)
    Prof. Ma Rovilla Sudaprasert
  • Aklat ni Prof. Sudaprasert
    English for the Workplace 3 (2014)
  • Sino ang nagsabi na ang memorandum ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos?
    Prof. Ma Rovilla Sudaprasert
  • isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos.
    Memorandum
  • Mga taong may Mahahalagang Papel sa Isang Pulong
    1. Pinuno o Chairperson (Tinatawag ding Facilitator, Tagapatbubay, at Meeting Leader)
    2. Kalihim o Secretary (Rekorder, Minutes Taker, o Tagatala)
    3. Mga Kasapi ng Pulong (Members of the Meeting)
  • Pinaikling Memorandum
    Memo
  • Latin na pinanggalingan ng Memorandum
    Memorandum est
  • Meaning ng memorandum sa orihinal na Latin
    It must be remembered that
  • Tinatawag ding rekorder, minutes taker, o tagatala. Reponsibilidad niya ang sistematikong pagtatala ng mga nagpaguusapan at desisyon sa pulong. Tungkulin niyang ipaalala kung ano ang dapat pag-usapan upang hindi mawala sa direksyon ang grupo at upang maging tuloy-tuloy ang pag-uusap.

    Kalihim (Secretary)
  • Sa memo nakasaad ang layunin o pakay na gagawing miting. 
  • Mga Kasapi ng Pulong (Members of the Meeting) 

    Sila ang mga aktibong miyembro o kalahok sa pulong. Responsibilidad nilang ipaalala sa pinuno at kalihim ang kanilang mga gawain. Maaaring ding silang magbigay ng mga mungkahi o panukala sa pamamaraan ng pulong. Sila ang nagbabahagi, nagpapaliwanag, nagtatanong, makatuwirang pumumuna, at gumagawa ng desisyon.
  • Sa layunin, naging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila.
  • Pagsulat ng Adyenda ayon kay Sudaprasert (2014), ang adyenda ay nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. 

    Agenda o Adyenda
  • Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay na pulong.
    Agenda
  • Sino ang nagsulat ng Writing in the Discipline (2014)?
    Dr. Darwin Bargo
  • Ano ang sinulat ni Dr. Darwin Bargo?
    Writing in the Discipline (2014)
  • Ayon kay Dr. Bargo, ito ang kalimitang ginagamit ng mga kilala at malalaking kompanya at institusyon sa pagsulat ng memo.
    Colored Stationery
  • Pangkalahatang impormasyon, kautusan o direktiba.
    Puti
  • Request o order na naggagaling sa purchasing department.
    Rosas
  • Kapag ang memo ang nanggagaling sa marketing at accounting department.
    Luntian o Dilaw
  • Ang apat na bahagi ng isang memo ay:
    1. Letterhead
    2. Para sa
    3. Mula kay
    4. Petsa
  • Makikita ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o organisasyon, gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsang maging ang bilang numero ng telepono.
    Letterhead
  • Para kanino ang memo.
    Para sa
  • Kung sino nagpadala o gumawa ng memo.
    Mula kay
  • Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitala ang mga napag-usapan o napagkasunduan. Ang opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag na...
    Katitikan ng Pulong
  • Ito ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya, o, organisasyong maaaring magamit bilang prima facie evidence (pangunahing ebidensya) sa mga legal na usapin o sanggunian para sa susunod na pagpaplano at pagkilos.

    Katitikan ng Pulong
  • Sa bahaging Petsa, isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito.
    1. Titulo o Heading
    2. Mga Kalahok o Dumalo
    3. Usaping Napagkasunduan
    4. Iskedyul ng Susunod na Pulong
    5. Pagtatapos
    6. Lagda
    Bahagi ng Katitikan ng Pulong
  • Sino ang nagsulat ng Pagsulat ng Adyenda (2014)?
    Sudaprasert
  • Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon o kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang okasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.

    Titulo o Heading
  • Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng mga dumalo, kasama ang panauhin. Maging ang pangalan ng liban ay nakatala rito.
    Mga Kalahok o Dumalo
  • Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay.
    Usaping Napagkasunduan
  • Itinala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang pulong.
    Iskedyul ng Susunod na Pulong
  • Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagtapos ang pulong.
    Pagtatapos
  • Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.
    Lagda
  • Tinatawag ding “facilitator,” tagpatnubay, o “meeting leader.” Sinisiguro niyang maayos ang takbo ng pag-uusap at pagdedesisyon.

    Pinuno o Chairperson
  • Kahalagahan ng isang Adyenda:
    Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi ng pulong na maging handa sa mga paksang tatalakayin o pagdedesisyunan.
    Nagkaroon ng malinaw na direksiyon ang pulong.
    Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
    Napadadali ang daloy ng pulong.