Module 3

Cards (46)

  • Sa bawat sabog ng bomba, putok ng baril ay animo'y susunod ang kamatayan
  • Ang pagkamit mo sa mga layuning nabanggit sa itaas ay magiging tulay upang tiyak na matutuhan mo ang sumusunod na pamantayan at kasanayan
  • Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 siglo hanggang ika-20 siglo)
  • Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 siglo hanggang ika-20 siglo)
  • Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng digmaang pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano
  • Bumaba ang tingin ng mga nasakop na bansa sa kanilang sarili
  • Dahilan kung bakit nabuwag ang "war-time alliance" sa pagitan ng Soviet Union at United States na dahilan upang magkaroon ng "Cold War"

    • Dahil sa pagpapalaganap ng Soviet Union ng Komunismo sa Europa
    • Dahil ayaw ng United States na maungusan sa kapangyarihan ng Soviet Union
    • Dahil hindi patas ang pagtingin ng Soviet Union sa mga naging kolonya nito
    • Dahil hindi tinulungan ng Soviet Union ang dating kakampi sa pagsakop sa mga bansa sa Asya
  • United Nations Relief and Rehabilitation Administration (UNRRA)

    Binuo ito upang makapagbigay serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit, at serbisyong medikal sa mga displaced persons
  • Reparations
    Pagbabayad ng napakalaking halaga sa mga pinsalang idinulot nito pagkatapos ng digmaan
  • Pagbubuwis ng buhay ng mamamayan sa pakikipaglaban ay nagpapakita ng manipestasyon ng nasyonalismo
  • Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay sumiklab noong Agosto 1914
  • Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay tinawag na "Great War" dahil sa masalimuot na digmaang nakita nang buong mundo
  • Ang Allies ay binubuo ng Great Britain at France, samantalang ang Central Powers ay binubuo ng Austria at Germany
  • Sa ilalim ng "Kasunduang Pangkapayapaan" sa Unang Digmaang Pandaigdig, ang Germany ay pinuwersang pagbayarin ng napakalaking halaga para sa idinulot nitong pinsala
  • Ang Unang Digmaan ay nagsanhi nang hindi matatawarang pagkasira hindi lamang ng ari-arian, kalikasan, kabuhayan kundi pati maraming buhay ng mga biktima ng digmaan
  • Humigit kumulang 337 billion US dollar ang gastos ng magkakalabang bansa sa Unang Digmaang Pandaigdig
  • Ang Allies ay sinubukang paliitin ang kanilang utang sa pamamagitan ng paghingi ng reparations (bayad sa mga napinsala) sa Central Powers lalong lalo na sa Germany
  • Ang mga natalong bansa sa Unang Digmaang Pandaigdig ay hirap sa pagbabayad ng reparations
  • Ang bansang Germany ay nasakop ang Poland taong 1939, bansang France naman taong 1940 at 1941 naman ang Russia
  • Nang pasabugin ang Pearl Harbor taong 1941 ay nagdeklara ang Amerika ng digmaan laban sa Japan at tuluyan nang sumali at kumampi bilang kaisa ng Allied Forces na kinabibilangan ng Great Britain at Russia laban sa Axis Forces na binubuo ng Germany, Italy, at Japan
  • Sa panahong ito, tuluyang namayagpag ang bansang Japan dahil sa mga pamamaraan sa pakikidigma
  • Pagkatapos ng Unang digmaan ay ang pagkasangkot sa maraming problemang pang-ekonomiya
  • Ang mga natalong bansa ay hirap sa pagbabayad ng reparations
  • Ang mga bansang Italy at Japan ay nagdusa dahil sa maraming mamamayan na nangangailangan ngunit mayroong kakulangan sa likas na yaman
  • Sinubukan ng mga nasabing bansa na solusyonan ang kanilang problema sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kanilang teritoryo
  • Noong taong 1940 tuluyan nang nasangkot sa digmaan ang Europa
  • Sa panahong ito, tuluyang namayagpag ang bansang Japan dahil sa mga pamamaraan sa pakikidigma at dahil sa dami ng bansang nasakop nito
  • Nakuha ng Japan ang Shantung o Shandong ngayon na dati ay nasa kamay ng Germany dahil na rin sa kaniyang partisipasyon sa digmaan
  • Naibigay rin sa Japan ang kapangyarihang mamuno sa Isla sa Pacific Ocean na nasa Hilaga ng Ecuador na dating nasa kamay rin ng Germany
  • Isa lamang ang hindi pinansin o pinagbigyan ng Germany sa mga kahilingan ng Japan, ito ay ang racial equality o pantay na pagtingin sa kanilang lahi
  • Sa China ay sumiklab ang isang kilos-protesta laban sa mga dayuhan
  • Ang kilusang ito ay naganap noong May 4, 1919 kung kaya't ito ay tinawag na May Fourth Movement alinsunod sa petsa kung kailan naganap ang protesta
  • Nagbunsod ang nasabing protesta dahil sa walang nakuhang teritoryo ang China at nawala pa sa kaniya ang pamumuno sa Shantung
  • Dahil dito ay hindi nilagdaan ng bansang China ang Kasunduan ng Versailles (Treaty of Versailles) na nagdulot ng nasabing kilos-protesta
  • Naitatag rin ang League of Nations upang maiwasan ang pagkakaroon ng digmaan sa daigdig
  • Noong 1933, ang bansang Japan ay tumiwalag sa League of Nations
  • Pagkalipas ng tatlong taon ay nakipag-alyansa ito sa Germany at Italy kung kaya't nabuo ang tinatawag na "Axis Powers" na binubuo ng kanilang mga lungsod: "Rome-Berlin-Tokyo"
  • Naging madali sa Japan ang pananakop sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya at sa Pilipinas lang ito bumagal dahil nahirapan ito nang husto
  • Sa pagbagsak ng Bataan at Corregidor ay naging ganap na ang pagsakop ng Japan sa Timog-Silangang Asya
  • Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
    • Pagkamatay at Pagkasira
    • Displaced Persons/Refugees
    • Kompetisyon sa mga bagong kapangyarihan
    • Paglaganap ng Komunismo
    • Nuclear Age
    • Pagtatag ng United Nations