tekstong naghihikayat - Layunin nitong umapela o mapukaw ang damdamin ng mambabasa upang makuha ang simpatya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilalahad.
tatlong elemento ng pamghihikayat:
ethos
logos
pathos
Ethos - Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/Tagapagsalita
Logos - Ang Opinyon o Lohikal na Pagmamatuwid ng Manunulat/Tagapagsalita
Pathos - Emosyon ng Mambabasa/Tagapakinig
ethos - ang magpapasya kung kapani-paniwala o dapat pagkatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita, o ng mambabasa
ang manunulat.
logos - tumutukoy sa pangangatwiran. Nangangahulugan din
itong panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman. Tutmutukoy rin ito sa pagiging lohikal ng nilalaman o kung may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig na ito ay totoo.
Pathos - ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa o tagapakinig.
Emosyon - ang pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang
tao.
tekstong naratibo - Layunin nito na magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na pangyayari.
pagsasalaysay - ang pangunahing ginagawa ng tekstong naratibo,
elemento ng tekstong naratibo:
banghay
tagpuan
tauhan
suliranin o tunggalian
diyalogo
banghay - Binubuo ng mga kawil-kawil na pangyayari. Tumutukoy ito sa paraan ng pagkakalahad ng mga pangyayari.
Karaniwang sinusunod na banghay ang pagkakaayos ng mga pangyayari ayon sa Freytag’s Pyramid
tagpuan - lugar na pinangyarihan ng kwento at panahon kung kailan ito naganap.
Tauhan - ang nagdadala at nagpapakilos ng mga pangyayari sa isang salaysay. Sila ang kumikilos sa mga pangyayari at karaniwang nagpapausad nito. Maaaring manggaling sa kanila ang
dahilan ng pagbabago-bago ng mga pangyayari.
suliranin o tunggalian - Nakasalalay rito ang pagbabago ng daloy ng isang naratibo.
diyalogo - Ginagamit upang gawing makakatotohanan ang mga pangyayari sa pamamagitan ng pag-uusap ng mga tauhan.