Q4L1 KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

Cards (42)

  • Si Francisco Balagtas/Francisco Baltazar ay tubong Bulacan at tinaguriang Prinsipe ng Makatang Tagalog/Prinsipe ng mga Manunulang Pilipino
  • Pinanganak siya noong Abril 2, 1788
  • Juan Balagtas: ama niya na isang panday
  • Juana dela Cruz: ina niya na isang karaniwang maybahay
  • Felipe, Concha, at Nicolasa: ang kaniyang mga kapatid
  • Labing-isang taon si Kiko nang lumuwas sa Tondo, Maynila
  • Namasukan siya bilang utusan kay Doña Trinidad, isang mayaman at malayong kamag-anak
  • Pinag-aral siya sa Colegio de San Jose at dito nagtapos ng Gramatica Castellana, Gramatica Latina, Geografia, Fisica, at Doctrina Christiana
  • 1812: taon nang makatapos siya sa pag-aaral ng Batas sa Canones
  • Colegio de San Juan de Letran- dito siya nagtapos ng Humanidades, Teolohiya, at Pilosopiya
  • Padre Mariano Pilapil: isang bantog na guro na sumulat ng Pasyon at naging guro niya sa San Juan de Letran
  • Magdalena Ana Ramos: unang bumihag sa kaniyang puso
  • Jose dela Cruz (Huseng Sisiw)- kinikilalang pinakabantog na makata sa Tondo. Siya rin ang nagsilbing hamon kay Kiko para highit na pagbutihan ang pagsulat ng tula
  • 1835: taon kung kailan lumipat ng Balagtas sa Pandacan mula sa Tondo at dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera (MAR) o Celia/Sleya
  • Maria Asuncion Rivera: siya ang tinutukoy na MAR at nagsilbing inspirasyon sa kaniyang tulang Florante at Laura
  • Lumipat siya sa Udyong, Bataan noong 1840
  • Nanilbihan siya bilang Tenyente Mayor at Huwes Mayor de Sementera
  • Juana Tiambeng: ang babaeng pinakasalan niya
  • 1842: taon kung kailan sila ikinasal
  • Labing-isa ang naging anak nila, 5 lalaki at 6 babae ngunit 7 lamang ang nabuhay
  • Nabilanggo muli si Kiko sa sumbong ng katulong na babae ni Alferez Lucas sa diumano'y pagputol ng buhok ng katulong. Nakalaya siya noong 1860
  • Pebrero 20, 1862: kung kailan namatay si Balagtas sa edad na 74
  • Florante at Laura: isang awit na obra-maestra ni Francisco Balagtas
  • Awit at korido: lumaganap noong panahon ng Espanyol
  • 399: bilang ng saknong na bumubuo sa FaL na may labindalawang pantig
  • Isang tulang salaysay na uring tulasinta (metrical romance)
  • 1838: inilimbag ang unang edisyon ng FaL ayon kay Epifanio Delos Santos
  • 50 taong gulang: edad ni Balagtas noong isinulat niya ang FaL
  • WWII: natupok ang ibang edisyon nito na isinulat sa wikang Tagalog at Ingles
  • 1870-1875: naitago ang mga kopyang nailimbag ng aklatang Newsberry ng Chicago, US
  • Ang mga kopya nito ay kabilang sa Koleksyong Ayer at nabanggit din sa Biblioteca Filipina ni T.H. Pandao de Tavera
  • Himagsik laban sa malupit na pamahalaan
  • Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya
  • Himagsik laban sa maling kaugalian
  • Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
  • KATANGIANG PAMPANITIKAN
    • Salig sa Kayarian sa Pananaludturan (may sukat at tugma)
    • Salig sa Anyo (may aral, payo, pilosopiya ng buhay)
    • Salig sa Pamamaraan (makatotohanan, masigasig, patalinghaga)
    • Salig sa Bisa (madamdamin)
    • Salig sa Katinginan (tayutay o figure of speech)
  • DALAWANG KATOTOHANANG NAKAPALOOB SA KASAYSAYAN:
    • Ang kalunos-lunos na kalagayan ng Pilipinas
    • Kalunos-lunos na kalagayan ni Balagtas sa piitan ng Pandacan
  • MGA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON/DAMDAMIN
    Pangungusap na padamdam: matinding damdamin o emosyon (!)
  • MGA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON/DAMDAMIN
    Maikling sambitla: sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin
    Hal: Hala! Nandiyan ka na pala.
  • MGA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON/DAMDAMIN
    Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o emosyon ng isang tao: pangungusap na pasalaysay kaya't hindi nagsasaad ng matinding damdamin, ngunit ito ay nagpapakita ng tiyak na damdamin o emosyon