Ang suriing-basa ay pagsusuri o review ng binasang akda o teksto. Ito ay maaaring iba't ibang genre ng panitikan gaya ng tula, sanaysay nobela, pelikula, dula, maikling kwento, at iba pa.
May-akda - sa bahaging ito ay ipinakikilala ang sumulat ng akdang susuriin
Buod - Sa bahaging ito ay binabanggit ang mahalagang detalye o pangyayari sa akda. Hindi ito kailangang mahaba
UringPanitikan - Sa bahaging ito ay tinutukoy ang anyo ng panitikan ng akdang susuriin
Tagpuan - Sa bahaging ito ay binibigyang-tuon ang kasaysayan, lipunan, at panahong saklaw ng akdang sinusuri na may kaugnayan sa nangyayari sa lipunan.
Tauhan - Sa bahaging ito ay sinusuri ang mahahalagang _ sa akda, ang kabisaan ng kanilang pagganap sa papel na kanilang ginagampanan, at ang aral na mapupulot mula sa kanilang karakter.
BalangkasngmgaPangyayari - ang kaisahan mula sa umpisa hanggang sa wakas ng akda, ang natatangi sa bawat pangyayari na pumukaw sa interes ng mga mambabasa, at iyong natutuhan sa kabuuhan ng akda.
Tema - akdang sinuri ay napapanahon, makatotohanan, at kapupulutan ng aral.
EpektosaMambabasa - Sa bahaging ito ay inilalahad ang naging epekto ng mga pangyayari sa akda sa mga mambabasa, ang damdaming namayani sa mambabasa, at ang mga pananaw o paninidigang napukaw sa mga mambabasa.
Aral - Sa bahaging ito ay tutukuyin ang mga aral na natutuhan sa kabuuan ng akda.
Puna - Sa bahaging ito ay ibibigay ang mga puna kung paano pa higin na mapauunlad ang akda, ang kabisaan ng mga salik na nabanggit sa itaas, at ang kabuuang masasabi sa akdang sinuri.
Pamagat - Sa bahaging ito ay inalalahad ang _ ng akdang susuriin