Ma'am Viana 2

Cards (59)

  • Ito ang bahaging nagtatalaga ng mga panimulang impormasyon tungkol sa paksa na magsasakonteksto sa mga mambabasa, ano ang pinanggalingan ng saliksik.
    Panimula
  • Ito ang bahaging tumutukoy sa mga pangunahing suliraning sasagutin ng pag-aaral.
    Paglalahad ng Suliranin
  • Sa paglalahad ng suliranin, ang mahahalagang tanong ang magsisilbing gabay ng nilalaman ng pananaliksik upang hindi mawala sa dapat talakayin.
  • Isinusulat sa bahaging ito ang mga bagay na nais isakatuparan ng pananaliksik.
    Layunin ng Pag-aaral
  • Sa bahaging ito tinatalakay ang kapakinabang idudulot ng pananaliksik.
    Kahalagahan ng Pag-aaral
  • Ang mga sektor na makikinabang sa pag-aaral ay tinatalakay sa kahalagahan ng pag-aaral.
  • Naglalatag ng mga pamantayang gagamiting batayan, alin ang maaaring isama sa pananaliksik at alin ang hindi.
    Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
  • Magiging bahagi o kasama sa pag-aaral.
    Saklaw
  • May layuning limitahan, paliitin at tukuyin ang hangganan ng pag-aaral, ano ang hindi kasama sa pag-aaral.
    Delimitasyon
  • Sa bahaging ito, iniisa-isa ang mahahalagang terminong ginamit sa pag-aaral.
    Kahulugan ng mga Katawagan
  • Ang mga teknikal na salitang ginamit ay iniisa-isa dito.

    Kahulugan ng mga Katawagan
  • May duplikasyon kung ang pananaliksik ay naisagawa na sa kaparehong lokal na may pagkakapareho sa mga respondante.
  • Kahalagahan Ng Kaugnay Na Literatura At Pag-aaral:
    • Tinutulungan ang mga mananaliksik na mas malalim na maunawaan ang kanyang paksa.
    • Makasisiguro na walang duplikasyon ng ibang nagawang pananaliksik.
    • Tinutulungan at ginagabayan ang mga mananaliksik na makahanap ng iba pang pagkukunan ng mahahalagang impormasyon.
    • Malaki ang naiaambag sa mga mananaliksik upang ikumpara ang resulta ng pag-aaral ng dalawang pananaliksik na siyang magiging daan upang higit na maunawaan ang mga suliranin na tinalakay sa paksa at ang mga rekomendasyon na maaaring maibigay dito.
  • Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagkuha ng Kaugnay Na Literatura At Pag-aaral:
    1. Ito ay nakabatay sa pinag-aaralan.
    2. Ang mga datos ay napapanahon.
    3. Ang mga pag-aaral ay obhektibo at walang kinikilingan.
    4. Tiyakin na ang mga pag-aaral ay mula sa makatotohanang datos; hindi gawa-gawa lamang..
  • Para maituring na napapanahon ang datos, maaari mong gamitin ang isang pananaliksik hanggang lima o sampung taon mula ng ito ay mailathala.
  • Mga Uri ng Tala:
    1. Buod ng tala
    2. Presi
    3. Direktang Sipi
    4. Hawig o Paraphrase
    5. Salin/Sariling Salin
  • Kaugnay na Literatura:
    Libro, ensayklopedia, almanak at iba pang kaparehong reperensya
    Artikulo sa mga propesyunal na dyornal, magasin, peryodiko, at iba pang publikasyon,
    Mga batas at konstitusyon sa kabuuan ng bansa, rekord ng paaralan,
    Edukasyong seminar at kumprensya,
    Lahat ng uri ng opisyal na report ng pamahalaan, pang-edukasyon, panlipunan, pang-ekonomiya, siyentipiko, teknolohikkal atbp.
    Mga mapagkakatiwalaang tala sa internet.
  • Ito ang salitang Griyego (Latin) na naging pinagmulan sa salitang Paraphrase, ang ibig sabihin nito ay dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag.
    Paraphrasis
  • Kaugnay na Pag-aaral:
    • Mga tisis (pananaliksik) at disertasyon
    • Kopya ng mga pananaliksik mula sa mga pang-edukasyon journal
  • Ito ay pinaikling bersiyon ng teksto. Ang teksto ay maaaring nakasulat, pinanood, o pinakinggan. Ito ay kadalasang nakasulat ng patalata (paragraph) at binubuo lamang ng tatlo hanggang limang pangungusap.

    Buod ng Tala
  • Ang tawag kung ang gagamitin ay buod ng isang tala. Sa paggamit ng presi pinapanatili nito ang orihinal na ayos ng ideya at ang punto de bista ng may-akda. Binubuo lamang ito ng dalawa hanggang tatlong pangungusap. Wala itong elaborasyon, direkta at hindi nagpapahayag ng opinyon ng bumasa.

    Presi
  • Sinasagot ang katanungang "saan ito maaaaring makuha (datos) ?"
    Kaugnay na Literatura
  • Eksaktong salita o pahayag ng isang awtor. Kinopya nang direkta, salita-sa-salita, mula sa sanggunian. Sa paggamit ng direktang sipi kinakailangan lagyan ng panipi(“ “) ang bawat nakuhang tala.
    Direktang Sipi
  • Ginagamit ang uri na Direktang Sipi ng mananaliksik kapag nais niyang:
    • Idagdag ang kapangyarihan ng salita ng awtor upang suportahan ang argumento
    • Nais pabulaanan o hindi sang-ayunan ang argument ng awtor.
    • Bigyang-diin ang partikular ang isang malinaw o makapangyarihang pahayag o sipi
    • Naghahambing ng mga ispesipikong punto de vista
  • Pagsasaayos ng Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
    1. Pagkakasunod-sunod ng taon (chronological)
    2. Pinagmulan ng pag-aaral (country of origin)
    3. Tema (thematic)
  • Mula sa bago hanggang sa luma.
    Pagkakasunod-sunod ng taon (Chronological)
  • Isinasaayos kung saang lugar ito isinagawa mula banyaga hanggang lokal
    Pinagmulan ng pag-aaral (country of origin)
  • Hindi kailangang kopyahin o kuhanin ang kumpletong laman ng binasang teksto kundi ang mahalagang ideya lamang na nabanggit sa binabasa at makakatulong sa pagsasagawa ng pananaliksik
  • Pagsasama-sama ng mga literatura at pag-aaral ayon sa tema nito o magkakalapit na ideya.
    Tema (thematic)
  • Huwag kalimutan itala kung saang sanggunian hinango ang nasabing impormasyon at kung sino ang may-akda nito.
  • Sa pagkakataong ang mga tala ay nasa wikang banyaga, ito ay ginagamitan ng pagsasalin. Ito ay paglilipat ng ideya mula sa isang wika tungo sa iba pang wika.
    Salin o Sariling Salin
  • “Ang kabataan ay pag-asa ng bayan” - Gat. Jose Rizal ay halimbawa ng...
    Direktang Sipi
  • Katangian ng Pagbubuod
    Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto ng paksa.
    Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda sa halip ay gumagamit ng sariling pananalita.
    Hindi kailangang maglagay ng sariling opinyon o palagay tungkol sa paksa.
    Maikli lamang ito.
  • Ang seksyon 6 sa artikulo XIV ng Saligang batas 1987 ay pagpapahayag na ang wikang pambansa ay Filipino. Kinakailangan itong itaguyod bilang opisyal at wikang panturo. Ito ay halimbawa ng...
    Presi
  • Halimbawa:
    (ORIHINAL): SEKSYON 6.  Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.  Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
    (?): SEKSYON 6.  The national language of the Philippines is Filipino. While cultivating, it must be developed and enriched based on the existing language in the Philippines and in other languages.
    Ito ay halimbawa ng...
    Salin o Sariling Salin
  • Sinulat ni Viana ang isang pananaliksik noong taong 2019. Ano ang parentikal na sanggunian nito?
    (Viana, 2019)
  • Sinulat ni Almonina, Reyes, Viana, at Neri ang isang pananaliksik noong 2015.  Ano ang parentikal na sanggunian nito?
    (Almonina et al., 2015)
  • Sinulat ang Palaka at ginamit mo ang pahina 69. Walang may-akda. Ano ang parentikal na sanggunian nito?
    (Palaka, p. 69)
  • Sinulat ang Sibila noong taong 2023 at ginamit mo ang pahina 4. Walang may-akda. Ano ang parentikal na sanggunian nito?
    (Sibila, 2023, p. 4)
  • Sinulat ni Decena at Esguerra ang isang pananaliksik noong taong 2022. Ano ang parentikal na sanggunian nito?
    (Decena at Esguerra, 2022)