PAGBASA (2nd sem) Pre-Final Exams

Cards (80)

  • Teksto - tinatawag sa wikang Ingles na ‘text’.
  • Teksto - anumang babasahin na naglalaman
    ng mga kaisipan.
  • Tekstong Naratibo - babasahin na nagkukuwento.
  • Tekstong naratibo - pasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa Isang tao o mga tauhan, nangyari sa Isang Lugar at panahon
  • Alamat - Kuwento tungkol sa pinagmulan ng
    bagay-bagay sa daigdig.
  • Epiko - Kuwentong tungkol sa kabayanihan na may kababalaghan.
  • Anekdota - Kuwento tungkol sa nakakatuwang
    pangyayari sa isang tao.
  • Kuwentong bayan - Kuwentong kumakatawan sa pag-uugali
    ng isang lipunan.
  • Maikling kuwento - Maikling salaysay ng mahalagang pangyayari
    na may isang mensahe.
  • MItolohiya - Kuwentong karaniwang tungkol sa diyos
    at diyosa.
  • Nobela - Kuwento na binubuo ng mga kabanata.
  • Pabula - Kuwentong kadalasang hayop ang tauhan.
  • Parabula - Kuwentong kadalasang mula sa Bibliya.
  • Talambuhay - Kuwentong nagsasaad ng buhay ng tao.
  • Piksyon - kuwento na nagmula sa
    imahinasyon ng may-akda.
  • Di-piksyon - kuwento na nagsasaad sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao.
  • Pananaw - kuwento na nagsasaad sa tunay na
    pangyayari sa buhay ng tao.
  • Uri ng pananaw
    • Unang pananaw - pananaw na ang nagkukuwento ay isa sa mga tauhan.
    • Ikalawang pananaw - pananaw na ang nagkukuwento ay nakikipag-usap sa mga tauhan.
    • Ikatlong pananaw - pananaw na ang nagkukuwento ay walang
    • relasyon sa tauhan at tagamasid lang.
    • Kombinasyong pananaw - pananaw na gumagamit ng iba’t ibang uri ng pananaw dahil maraming nagkukuwento tulad ng nobela.
  • Unang pananaw - gumagamit ng panghalip na ‘ko’ at ‘ako’
  • Ikalawang pananaw - gumagamit ng panghalip na ‘ka’ at ‘ikaw’
  • Ikatlong pananaw - Gumagamit ng panghalip na ‘siya’ at ‘sila’
  • Uri ng ikatlong panauhan
    • Maladiyos na panauhan - pananaw na nalalaman ang ginagawa, iniisip, at nararamdaman ng lahat ng tauhan.
    • tagapag obserbang panauhan - pananaw na hindi nalalaman ang ginagawa, iniisip, at nararamdaman ng lahat ng tauhan.
    • Limitadong panauhan - pananaw na nalalaman ang ginagawa, iniisip, at nararamdaman ng isang tauhan lang.
  • Maladiyos na panauhan - pananaw na nalalaman ang ginagawa, iniisip,
    at nararamdaman ng isang tauhan lang.
  • Limitadong panauhan - pananaw na nalalaman ang ginagawa, iniisip,
    at nararamdaman ng isang tauhan lang.
  • Tagapag-obserbang panauhan - pananaw na nalalaman ang ginagawa, iniisip,
    at nararamdaman ng isang tauhan lang.
  • Paraan ng pagpapahayag - istilo ng pagsasalaysay ng diyalogo, kaisipan, o damdamin
  • Tuwirang pagpapahayag -direktang nagsasabi ng diyalogo ang mga tauhan na nagpapalutang sa kanilang katangian
  • Tuwirang pagpapahayag - ginagamitan ito ng bantas na panipi
  • Di-tuwirang pagpapahayag - Hindi direktang nagsasabi ng diyalogo ang mga tauhan bagkus binabanggit ito ng tagapagsalaysay
  • Tauhan - ang nagbibigay buhay sa kuwento
  • Tauhan - naayon ang dami nito sa pangangailangan ng kuwento
  • expository - pagpapakilala o paglalarawan mismo ng tagapagsalaysay sa mga tauhan
  • dramatiko - pagpapakilala o paglalarawan sa pamamagitan ng kilos o pahayag ng mismong tauhan
  • protagonista - pangunahing tauhan o bida sa kuwento na kadalasang isa lang
  • antagonista - katunggaling tauhan o kontrabida na nagpapatingkad sa katangian ng biada
  • kasamang tauhan - mga katuwang na susuporta sa bida
  • may akda - ang lumikha ng teksto na sumusubaybay sa mga tauhan at kabuuan ng kuwento
  • tauhang bilog - tauhang nagbabago ang katangian habang dumadaloy ang kuwento
  • tauhang lapad - tauhang nananatili ang katangian hanggang matapos ang kuwento
  • tagpuan - tumutukoy sa Lugar at panauhan na pinangyarihan ng kuwento