Konseptong Papel

Cards (36)

  • Konseptong papel
    Nagsisilbing gabay upang mabuo ang isang pananaliksik. Produkto ang konseptong papel ng mga isinagawang pagbasa o pananaliksik. Ito ang magsisilbing panuntunan kung paano iaayos ang mga konsepto patungo sa mas malalim pang pagtalakay.
  • Pinakamahahalagang bahagi ng konseptong papel

    • Rasyonal
    • Layunin
    • Metodolohiya
    • Inaasahang awtput
  • Layunin
    Tumutukoy ito sa nais matamo sa ginagawang pananaliksik
  • Uri ng layunin
    • Pangkalahatang layunin
    • Mga tiyak na layunin
  • Kadalasan, binubuo ng tatlo hanggang limang layunin
  • Metodolohiya
    Naglalaman ng disenyo at paraan ng pangangalap ng datos sa gagamiting pananaliksik. Nagpapaliwanag kung ano ang gagawin upang lalong mabigyang linaw ang isinasagawang pag-aaral.
  • Metodolohiya
    • Pananaliksik na kuwalitatibo
    • Pananaliksik na Kantitatibo
  • Halimbawa ng pananaliksik na Kantitatibo
    • Sarbey
    • Feasibility study
    • Case study
    • Eksperimento
  • Inaasahang awtput
    Tinatalakay ang kinalabasan ng pananaliksik mula sa inilahad na suliranin ng paksa. Maaaring magkaroon pa rin ng pagbabago ang inaasahang resulta sa pinal na papel dipende sa kalalabasan ng pagkalap ng datos.
  • Ang paglalahad ng mga suliranin sa konseptong papel ay naglalaman ng mga isyu o tanong na nais sagutin ng pananaliksik.
  • PAGBUO NG TENTATIBONG BIBLIOGRAPI
    Ang paggawa ng isang paunang listahan ng mga sangguniang gagamitin sa pananaliksik
  • Gates: 'Ang bibliograpi ay tala ng mga aklat, artikulo,opisyal na dokumento ng gobyerno, manuskrito, at iba pang publikasyon tungkol sa isang paksa na binigyang detalye at isinaayos nang sistematikong pagkakasunod-sunod'
  • Ang Paggawa ng Tentatibong Bibliograpi sa Pasimula pa lamang ng Pananaliksik
    • Nagpapahintulot nito na maserbey muna ng estudyante kung may sapat na materyal na naisulat tungkol sa balak niyang pag-aaral at makagawa ng paraan na makahanap pa ng mga sanggunian kung kulang man
    • Tinutulungan din siya nitong masilip kung ano-ano na ang nasabi o hindi pa nasasabi tungkol sa balak niyang paksa upang mapag-isipan ano ang mainam na gawing pag-aaral
    • Lumilikha rin ito ng matibay na tala ng mga publikasyon na pana-panahong masasangguni sa proseso sa pagsulat ng papel at madadagdagan sa tuwing may bagong materyal na mahaharap
  • AMERICAN PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION (APA)

    Karaniwang ginagamit sa mga pag-aaral tungkol sa agham-panlipunan gaya ng sikolohiya, sosyolohiya, at iba pa
  • MODERN LANGUAGE ASSOCIATION (MLA)

    Ginagamit sa mga pag-aaral na nauukol sa mga wika at humanidades gaya ng mga pananaliksik tungkol sa Filipino at Ingles, mga pananaliksik tungkol sa sining at iba pa
  • Pagtukoy sa Bibliograpi ng mga Sanggunian sa APA
    1. Pangalan ng may-akda o editor
    2. Taon ng pagkakalimbag
    3. Pamagat ng aklat
    4. Pook na pinaglimbagan
    5. Pangalan ng kompanyang naglimbag
  • Pagtukoy sa Bibliograpi ng mga Sanggunian sa APA (Artikulo sa mga Pahayagan at Magasin)

    1. Pangalan ng may-akda
    2. Taon ng pagkakalimbag
    3. Pamagat ng artikulo
    4. Pahayagan o magasing naglimbag
    5. Bilang ng tomo (volume)
    6. Bilang ng isyu
    7. Pahina kung saan mababasa
  • Pagtukoy sa Bibliograpi ng mga Sanggunian sa APA (Social Media)

    1. Totoong pangalan ng may-akda
    2. Paraan ng pag lalathala
    3. Ang petsa ng update
    4. URL/LINK
    5. Ang buong teksto nito
  • Pagtukoy sa Bibliograpi ng mga Sanggunian sa MLA
    1. Pangalan ng may-akda
    2. Pamagat ng aklat
    3. Lungsod na pinaglimbagan
    4. Pangalan ng kompanyang naglimbag
    5. Taon ng pagkakalimbag
    6. Paraan ng pagkakalimbag
  • Pagtukoy sa Bibliograpi ng mga Sanggunian sa MLA (Artikulo sa mga Pahayagan at Magasin)

    1. Pangalan ng may-akda
    2. Pamagat ng artikulo na nasa mga panipi
    3. Pangalan ng pahayagan o magasing pinaglimbagan
    4. Petsa ng pagkakalimbag
    5. Bilang ng pahina
    6. Paraan ng pagkakalimbag
  • Pagtukoy sa Bibliograpi ng mga Sanggunian sa MLA (Social Media)

    1. Pangalan ng may-akda
    2. Username niya
    3. Buong teksto ng update
    4. Ang petsa at oras ng update
    5. Ang paraan ng paglalathala
  • Bahagi ng RP
    -Panimula
    -Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
    -Metodo
    -Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon
  • Pananaliksik
    Isang pagkakataon upang matuto ng bagong kaalaman at lumawak ang pag-unawa sa mundong ginagalawan
  • Pananaliksik
    akademikong papel
  • Konseptong papel
    Isang maikling akademikong papel na nagbibigay ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa isang panukalang saliksik
  • Mga bahagi ng konseptong papel
    • Panimula
    • Rasyonal o pangangailangan na maaari ring tawaging kaligiran o background ng pag-aaral
    • Paglalarawan ng proyektong nag-iisa-isa sa mga pangkalahatan at tiyak na layunin, metodo at panahong gugugulin
    • Pagpopondo o badyet
    • Mga detalye kung paano makokontak ang mananaliksik
  • Pagpili ng paksa
    • Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo
    • Mahalagang maging bago o naiiba at hindi pareho sa mga paksang pipiliin ng mga kaibigan mo
    • May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon
    • Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan
  • Balangkas
    Ang tinatawag na "outline" ay kalansay ng mga ideya na pinagbabatayan ng aktuwal na proyektong gagawin. Ipinakikita nito ang pangkalahatang paksang tuon ng pag-aaral, ang mga tiyak na paksa na magtatakda ng daloy ng pagtalakay, at ang mga espesipikong detalye tungkol sa bawat isa
  • Ang pananaliksik ay sumusubok sa isang manunulat na mag-ambag ng panibagong kaalaman. Ito ay isang pagkakataon upang matuto at hamunin ang sarili na sundan pa ito ng ibang pananaliksik
  • Mga layunin ng balangkas
    • Upang maging salalayan ng gagawing panukalang saliksik
    • Upang makabuo ng mga potensiyal na solusyon o paraan ng pagsisiyasat sa isang binabalak na saliksik
    • Upang masubok kung ang iyong saliksik ay maaaring pondohan
    • Upang makaakit ng mga institusyon o organisasyong magpopondo sa isang pananaliksik
  • Mga bahagi ng konseptong papel
    • Panimula
    • Rasyonal
    • Paglalarawan ng proyekto
    • Badyet
    • Contact Information
  • Mga bahagi ng konseptong papel ayon kay Hanover Grants
    • Panimula
    • Rasyunal
    • Paglalarawan ng proyekto
    • Pangkalahatang layunin
    • Tiyak na layunin
    • Metodolohiya
    • Inaasahang bunga
    • Badyet
    • Contact Information
  • Sarbey - pagkalap ng datos gamit ang questions
  • Feasibility studies - makerting, business, products
  • Case Study : observation
  • Eksperimento : materials