Bow-wow: panggagaya sa mga likas na tunog
Pooh-pooh: galing sa instiktibong pagbulalas sakit, galak, at pithaya, biglang sulak ng damdamin
Ding-dong: teoryang natibistiko; primitibong tao ay may pekular na instinktibong kakayahang tumugon sa impresyon galing sa labas sa pamamagitan ng tunog
Yo-he-ho: teorya ni Noire (iskolar noong ika-16 dantaon); ingay na nalilikha ng mga taong magkakatuwang sa kanilang pagtatrabaho
Muwestra: pagsasalita ay nauuna sa pagmumuwerstra; sentro sa utak na kumokontrol sa paggalaw at pagsasalita ay magkalapit at magkaugnay, magkapanabay na bumuway ang pagsasalita at pagmumuwestra
Musika: teorya ni Otto Jespersen (linguist na Danish); pinakamatandang wika ay napakalalawig at napakahahaba, karaniwang may melodia at tono, hindi nakakakomunika subalit madamdamin at mapagpahayag, kulang sa detalye at impormasyon subalit matulain, emosyonal, at laging pag-ibig ang makapangyarihang emosyon
Pakikisalamuha: teorya ni R. Revesz (propesor sa Sikolohiya sa Amsterdam); mula sa likas na pangangailangan ng tao para makisalamuha sa kanyang kapwa, 1. tunog na kontak: di nakikipag-usap, nagpapahayag ng hangarin ng taong makisalamuha sa kapwa, 2. panawagan: nakikiusap nang tahasan sa kapaligiran, hindi sa kapwa, 3. pakiusap: itinutuo sa kanyang pag-unawa at umaasam ng kasiyahan sa kanyang mithiin