PILING LARANG

Cards (30)

  • POSISYONG PAPEL
    Ito ay nagpapahayag ng argumento o punto-de-bista na may layuning pasubalian ang naunang posisyon. Ito ay gumagamit ng pangangatwiran kung saan ang isang diskursong naglalayong mapatunayan ang katotohan ng ipinapahayag ay pinaniniwalaan at ipatanggap sa nakikinig o bumabasa ang katotohanang iyon.
  • POSISYONG PAPEL
    Ito'y naglalayong maipakita ang katotohan at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami, depende sa persepsyon ng mga tao.
  • Mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel
    1. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso
    2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa (may sapat na ebidensyang makakalap)
    3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis
    4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon
    5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya
    6. Buuin ang balangkas ng posisyong papel
  • Dalawang uri ng ebidensya sa pangangatwiran
    • May katunayan (Facts)
    • Mga opinyon
  • Pormal o Balangkas ng Proposisyong Papel

    • Panimula
    • Paglalahad ng counterargument o mga argumentong tumututol o kumokontra sa iyong tesis
    • Paglalahad ng iyong posisyon o pangangatwiran tungkol sa isyu
    • Konklusyon
  • REPLEKTIBONG SANAYSAY
    Isang tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksiyon. Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw at damdamin, hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito.
  • Mga paksang maaaring gawaan ng replektibong sanaysay
    • Librong katatapos lamang basahin
    • Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
    • Pagsali sa isang pansibikong gawain
    • Praktikum tungkol sa isang kurso
    • Paglalakbay sa isang tiyak na lugar
    • Isyu tungkol sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot
    • Isyu tungkol sa mga pinag-aawayang teritoryo sa west Philippine sea
    • Paglutas sa isang mabigat na suliranin
    • Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral
  • Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng replektibong sanaysay
    • Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng sanaysay
    • Isulat ito gamit ang unang panauhan ng Panghalip
    • Tandaan na bagamat nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang higit na maging mabisa at epektibo ang pagkasulat
    • Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito
    • Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito
    • Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay: introduksyon, katawan, at konklusyon
    • Gawaing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata
  • Pormat o Balangkas ng Replektibong sanaysay

    • Introduksyon o simula
    • Katawan
    • Wakas o konklusyon
  • LARAWANG SANAYSAY (Pictorial o Photo essay)

    Isang serye ng mga larawan na ginawa upang lumikha ng serye ng emosyon sa mga mambabasa. Ito ay pagpapakita ng mga larawan sa malalim at emosyonal na yugto. Ito rin ay upang makapang-hikayat at maaliw ang mga mambabasa tungkol sa espisipikong paksa.
  • Ibat-ibang paraan ng pagpapahayag
    • Pagsasalaysay
    • Paglalahad
    • Paglalarawan
    • Pangungumbinsi
  • Mga dapat tandaan sa paggawa ng larawang sana'ysay
    • Siguraduhing pamilyar sa paksa
    • Kilalanin kung sino ang mambabasa
    • Kailangang may kaisahan ang mga larawan
    • Malinaw ang patutunguhan ng sanaysay
    • Inaayos ayon sa kronolohikal na pagkakasunud-sunod o ayon sa damdaming gustong ipahayag o ayon sa pagkakaugnay ng mga larawan
    • Ang mga larawan ang pangunahing nagkukwento samantalang ang teksto ay suporta lamang
  • LAKBAY SANAYSAY
    Ito ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Isang uri ng lathalain na ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay.
  • Pagbabahagi ng sariling karanasan
    • Lugar o mga lugar kung saan nakapaglakbay
    • Mahahalagang impormasyon o kaalamang nakuha mula sa paglalakbay
    • Petsa o panahon ng paglalakbay
  • Mga dahilan ng pagsulat ng lakbay Sanaysay
    • Upang maitaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat
    • Upang makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay
    • Upang makapagtala ng pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espirituwalidad, paggpapahilom o kaya'y pagtuklas sa sarili
    • Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa malikhaing paraan
  • Mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay sanaysay

    • Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na turista
    • Sumulat sa unang panauhang punto de bista
    • Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay sanaysay
    • Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay
    • Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay
    • Gamitin ang kasaysayan sa pagsulat ng sanaysay
  • Mga Elemento ng isang mahusay na Programang Pampaglalakbay (Travel Vlog)

    • Kalinawan at Katiyakan
    • Tunog (sound)
    • Ilaw (lightning)
    • Haba (length)
    • Editing
    • Aliw (entertainment)
  • Mga opinyon
    tumutukoy sa pananaw ng nag tao, mga ideyang makasalig hindi sa katunayan kundi sa ipinapalagay lamang na totoo
  • May katunayan (Facts)

    tumutukoy sa mga ideyang natanggap na totoo dahil ang mga katibayang ito ay nakabatay sa nakita, narinig, naamoy, nalasahan ay nadama. 
  • Introduksyon o simula
    • Maaaring magsimula sa pagsagot sa sumusunod na mga tanong:
    • Ito ay dapat makapukaw sa atensyon ng nga mambabasa
    • Maaari ding gumamit ng kilalang pahayag mula sa isang tao o quotation, tanong, anekdota, karanasan at iba pa. 
  • Katawan
    • nakalahad dito ang mga pantulong o kaugnayan na kaisipan tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa simula. 
    • makikita rito o maisusulat ang mga pagninilay-nilay o mga natutuhan. 
  • Wakas o konklusyon 
    ito ay malalagom sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap. 
    • Ayon kay Noon Carandang, ito ay tinatawag nyang Sanaylakbay kung saan ang terminolohiyang ito ay binubuo ng tatlong konsepto: Sanaysay, sanay at lakbay
  • Kalinawan at Katiyakan
    may malinaw na paglalahad ng mga pangyayari. Nararapat na magtaglay ito ng malinaw na layunin upang makuha ng mga manonood ang mga importanteng babay na dapat nilang matamo pagkalipas nilang manood.
  • Tunog (sound)

    isa sa pinakamahalagang elemento. Mas nakakapukaw ng atensiyon ng mga manonood ang ibat-ibang background music na magandang pakinggan at maging ang sound effects na akma sa pinanonood
  • Ilaw (lightning)

    mas mabuti kung ito ay natural upang maging maganda sa mata ng mga manonood. 
  • Haba (length)
    higit na mainam kung ang haba ay sapat lamang. Mas marami ang manonood kung maikli lamang at tiyak na masusubaybayan.
  • Editing
    mas nakakahalina kung ito ay may maayos na pagkaka-edit. Nagiging maganda ang daloy ng video kapag ito ay dumaan sa maayos at angkop na editing at magalit na editor.
  • Aliw (entertainment)

    isa sa pinakalayunin ng programang pampaglalakbay ay ang mapukaw ang mga manonood. Kinakailangang sa simula pa lamang ng video ay makuha na kaagad ang atensiyon ng mga manonood upang subaybayan nila ito hanggang sa matapos at abangan pa ang mga susunod na video.
  • Ayon kay Ina Greenwood, ito ay serye ng mga larawan na naglalayong magsalaysay ng kwento at magbigay o maglabas ng emosyon sa mga mambabasa