4th quarter

Cards (138)

  • Nagsimula noong 1500 ang panahon ng kolonyalismo sa Timog-Silangang Asya (Southeast Asia) sa pagtuklas ng rutang daraanan sa karagatan ng timog na bahagi ng Africa at America
  • Mga pangunahing mananakop na Europeo sa East at Southeast Asia
    • Portugal
    • Spain
    • the Netherlands
    • France
    • Great Britain
  • Motibo ng mga Kanluranin
    Paglalakbay at paggagalugad (exploration) ng mga lupain sa pag-asang makahanap at makuha ng mahahalagang kalakal tulad ng paminta, cinnamon, cloves, at nutmeg
  • Gusto rin ng mga Europeo na makuha ang kontrol sa Spice Trade mula sa kamay ng mga mangangalakal na na Arab at Indian
  • Ang pananakop ng mga Europeo sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay nagdulot din ng mga pagbabago sa larangan ng politika, ekonomiya, kultura, at paniniwala ng mga Asyano
  • Naging maimpluwensiya ang mga Europeo sapagkat ipinatupad nila ang mga sistemang Europeo sa mga Asyano para na rin sa kanilang kapakinabangan
  • Dinastiyang Qing

    Pinamunuan ng mga Machu ang China mula 1644 - 1912 at sila ang kahuli-hulihang dinastiya ang namahala sa bansa
  • Sa kalagitnaan ang ng ika-18 siglo, nasa 300 milyon ang populasyon ng China at may lupaing mahigit sa sampung (10) milyong kilometro kuwadrado
  • Kangxi at Qianlong

    • Pinakatanyag o sikat na emperador ng Dinastiyang Qing dahil napanatili nila ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa China noon panahon nila
  • Sa kabila ng matatag at maunlad ng imperyong Tsino, sa ilalim ng Dinastiyang Qing, napalitan ito ng mga panloob at panlabas ng suliraning naging sanhi ng paghina ng China
  • Isa sa mga matinding hamon na kinaharap ng mga Manchu ay ang pagdating at pakikialam ng mga dayuhang Kanluranin
  • Matteo Ricci

    Isang Paring Italyano na naging tagapayo ni Emperador Wanli ng Dinastiyang Ming noong 1601 at kauna-unahang Europeong inanyayahang makapasok sa Forbidden City
  • Iba pang Europeo na nagtungo sa China
    • Diego de Pantoja
    • Nicolo Longobardo
    • Nicolas Trigault
    • Ferdinand Verbiest
    • Johann Adam Bell
  • Ang mga kontribusyon ng mga Europeo sa larangan ng agham (science) at teknolohiya ay lubos na nakatulong sa pamahalaang Qing sa pagpapalawak ng teritoryo ng China sa panahong iyon
  • Canton System

    Isang sistema kung saan pinahihintulutan ang isang dayuhang mangangalakal na makipagkalakalan sa isang daungan lamang at ang nasabing dayuhan ay susunod sa mga regulasyon na ipinatutupad ng dinastiya
  • Kulturang Kowtow

    Nararapat na isagawa ng mga dayuhan sa harap ng emperador ng Kowtow. Ito ay dating kaugalian sa kulturang Tsino ng pagpapakita ng paggalang sa pamamagitan ng pagluhod at pagdikit ng ulo sa lupa
  • Sa pagpasok ng ika-19 na siglo nagsimulang humina ang kapangyarihan ng Dinastiyang Qing dhil sa kawalan ng mahusay na emperador na mabilis na paglaki ng populasyon nagbunga ng kahirapan at mga pag-aalsa at panghihimasok ng mga dayuhan sa China
  • Dahil sa mababang pagtingin ng mga Tsino sa mga bagay at kaalaman mula sa mga dayuhan

    Nawalan sila ng interes na tangkilikin ang mga produkto mula sa labas ng China
  • Ang sitwasyon ito ang nagbunsod sa mga Kanluranin maghangad ng pantay ng karapatan pakikipagkalakalan at patakarang-pangkalakalan
  • Ang problema ng Great Britain ay nasyolusyonan nang magdala ito ng opyo sa China
  • Kinukuha mula sa India na kolonya ng Great Britain, ang opyo ay nagkaroon ng malaking demand sa maraming Tsino
  • Naging regular ang kalakalan sa opyo nang ito ay ihalo sa tabako upang gawing sigarilyo
  • Ang paggamit ng opyo ay bilang anesthetic din at pagbibigay ng aliw (pleasure) kaya nagkaroon ng mga opium den
  • Bago pa man sumikat ang opyo ay kilala na ang China sa paggamit at pagluluwas ng tsaa o tea
  • Sinubukan ng Dinastiyang Qing na pigilan ng ilegal na pagpapasok ng opyo sa China sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mahigpit na batas na sinomang nahuling gumagamit at nagpasok ng opyo sa China ay parurusahan ng kamatayan
  • Unang Digmaang Opyo

    1. Kinumpiska at sinunog ng mga Tsinong opisyal ang mahigit 20,000 na baul ng opyo ng mga British sa Guangzhou
    2. Nagalit ang mga British at nagdeklara ng digmaan
    3. Natalo ang China sa mga makabagong barkong pandigma ng mga British
    4. Madaling nasakop ng mga British ang Guangzhou at Zhoushan
    5. Nang matagumpay na makarating ang mga sundalong British sa Yangtze River at Nanhing, nagpatuloy ang labanan hanggang sumuko ang mga pinuno ng China
  • Kasunduang Nanjing

    Nilagdaan ng kinatawan ng pamahalaan ng Tsina noong Agosoto 29, 1842 kung saan pumayag ang China na ibigay ang Hong Kong sa mga British bilang kabayaran o indemnity at magpataw lamang ang China ng patas na buwis na nagdulot sa pagkatanggal ng Canton System
  • Ikalawang Digmaang Opyo

    1. Ang patuloy ng pagpasok ng opyo ang naging sanhi ng muling pagharap sa panibagong digmaan ng China laban sa Great Britain kasama ang France
    2. Natalo ang China laban at sumang-ayon sa Kasunduang Tianjin noong 1858
  • Kasunduang Tianjin

    Nilagdaan ng kinatawan ng China noong Oktubre 1884. Ito ay isang kasunduan sa pagitan ng China at France. Dito, binibigyan ng China ng matitirahan sa Beijing ang mga dahuyan, bubuksan ang iba pang daungan at papayagan ang pagpasok ng mga misyonaryo upang magpalaganap ng Kristiyanismo
  • Sphere of Influence

    Ito ay tumutukoy sa kapangyarihan o karapatan ng isang dayuhan sa isang bansa sa pangkomersiyo tulad ng pag-angkat at pag-export ng mga produkto
  • Ang pagkatalo ng China sa mga Digmaan Opyo ay naging hudyat ng higit na agresibong pagkilos ng mga Kanluraning bansa
  • Nagkaroon ng muling pagharap sa panibagong digmaan ng China laban sa Great Britain kasama ang France at tinawag itong Ikalawang Digmaan Opyo na sumiklab noon 1856
  • Tulad sa Unang Digmaan Opyo, natalo ang China laban at sumang-ayon sa Kasunduang Tianjin noong 1858
  • Sphere of Influence

    Tumutukoy sa kapangyarihan o karapatan ng isang dayuhan sa isang bansa sa pangkomersiyo tulad ng pagtatayo ng mga daungan, daang-bakal at pabrika
  • Noong 1897, humiling ang Germany ng 99 na taong karapatang umupa sa Jiaozhou Bay, at karapatan sa pagmimina at paglalagay ng daang-bakal sa lalawigan ng Shandong
  • Treaty of Aigun

    Nagkaroon rin ng kaparatan ang Russia ng 25 na taong umupa sa Dalian at Port Arthur at karapatang magkaroon ng daang-bakal sa Manchuria
  • Treaty of Whampoa

    Nilagdaan ng kinatawang ng China noon Oktubre 1884 kung saan ito ay kasunduan sa pagitan ng China at France na nagsasabing kung ano ang karapatang ibinibigay ng China sa Great Britain ay ibibigay din sa France. Kasama rito ang karapatan na manirahan at maghanap buhay sa treaty ports
  • Sa huling bahagi ng ika-19 siglo, ang Great Britain, France, Germany, Russia, at maging ang Japan ay may kani-kaniyang Sphere of Influnce sa China
  • Open Door Policy

    Iminungkahi ni US Secretary of State noong 1899 na si Jon Hay na sumang-ayon sa Open Door Policy. Ayon dito, ang bawat bansa, kabilang ang US ay magkakaroon ng pantay sa karapatan na makipagkalakalan sa China
  • Treaty of Wanghia

    Nilagdaan ng kinatawan ng China noong May 18, 1884. Ito ay isang kasunduan sa pagitan ng China at United States of America kung saan binibigyan ng karapatan ng mga Amerikano na manirahan at maghanapbuhay sa mga treaty ports sa Tsina