Pagbasa

Cards (25)

  • Pagsasaling-wika
    Isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika
  • Pagsasalin
    Pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal na mensaheng isinasaad ng wika, una'y batay sa kahulugan, at ikalawa'y batay sa istilo
  • Simulaang lengguwahe (source language o SL)

    Ang wika ng orihinal na material
  • Tunguhang lengguwahe (target language o TL)

    Ang wikang target ng pagsalinan
  • Halimbawa
    • Sa mga Koreanovela na gabi-gabing ipinapalabas dito sa Pilipinas, SL ang Hangul (ang wika ng Korea) at TL naman ang Filipino (ang wikang pambansa) sapagkat ipinapalabas sa buong Pilipinas ang mga palabas sa telebisyon
  • Mga depinisyon, teorya, at prinsipyong ibinigay tungkol sa pagsasalin

    • Ayon kay John Dryden (1680), ang pagsasalin ay isang sining na mapapangkat sa tatlo: (a) metaphrase o ang salita-sa-salita o linya-kada-linyang pagsasalin (b) paraphrase o ang diwa-sa-diwang tumbasan (c) imitation na maaaring palitan ng tagasalin ang salita o kahulugan sa orihinal
    • Ayon kay Alexander Tytler sa kanyang akdang "Essay on the Principles of Translation" (1790), ang mga sumusunod na batayang prinsipyo ng pagsasalin: (a) Ang salin ay dapat magbigay ng kompletong transkrip ng diwa ng orihinal na akda (b) ang estilo at pagkakasulat ng salin ay dapat maging katulad ng sa orihinal (c) kung gaano kadali ang orihinal na akda ay gayon din dapat kadali ang salin
    • Ayon kay Eugene A. Nida (1975), ang pagsasalin ay ang pagbuo sa tunguhang lengguwahe ng natural na pinakamalapit na katumbas ng simulaang lengguwahe, una sa diwa at ikalawa sa estilo
    • Para kay Lawrence Venuti (1995), ang pagsasalin ay ang proseso ng pagtutumbas ng mga panandang bumubuo sa pinagmulang wika ng mga pananda sa target na wika, sa bisa ng interpretasyon ng tagasalin
    • Para kay Susan Bassnett (2002), ang pagsasalin ay ang pagtutumbas ng isang tekstong hinango sa SL sa TL nang may pagtiyak na ang kahulugan ng dalawa ay halos magkatulad. Susubukin ding panatilihin ang pagkakaayos ng SL ngunit hindi naman katulad na katulad ng sa orihinal na masisira na ang pagkakaayos ng TL
  • Kahalagahan ng Pagsasalin
    • Pagpapalaganap ng kaalaman
    • Pagpapahalaga sa panitikan ng ibang lahi
    • Pagpapataas ng kaalamang pangkultura at pagpapahalaga sa dibersidad
  • Katangian na dapat taglay ng isang tagasalin
    • Kaalaman sa dalawang wikang sangkot sa pagsasalin, kaalaman sa estruktura ng dalawang wikang sangkot sa pagsasalin, kaalaman sa paksang isasalin, kaalaman sa kultura ng dalawang wikang sangkot sa pagsasalin, kaalaman sa mga tuntuning panggramatika ng SL at TL
  • Mga salik na dapat isaalang-alang sa pagsasalin
    • Wika
    • Kultura
    • Panahon
    • Sanggunian
  • Proseso ng pagsasalin
    1. Pagbasa sa teksto
    2. Pagsusuri at interpretasyon ng tekstong isasalin
    3. Pagsasaliksik tungkol sa awtor at tekstong isasalin
  • basahin muna ng tagasalin ang tekstong isasalin
  • Pagsusuri at interpretasyon ng tekstong isasalin
    Inuunawa ng tagasalin ang nilalaman ng teksto
  • Pagsasaliksik tungkol sa awtor at tekstong isasalin
    1. Makilala ng tagasalin ang tekstong isasalin sa pag-aaral sa buhay ng orihinal na sumulat at sa panahon kung kailan ito isinulat
    2. Ano ba ang intensiyon ng may-akda sa pagsulat ng teksto?
    3. Ano ang estilo o paraan sa pagsulat na tatak niya?
    4. Ano-ano ang mga pangyayari sa kasaysayan na naganap kasabay ng pagkakasulat ng teksto, na maaaring ikinukubli ng may-akda sa isang simbolismo o pinagbatayan niya ng kaniyang metapora?
    5. Ano ang uri ng wika sa panahong iyon?
  • Pagtukoy sa layon at pinag-uukulan ng salin
    • Dapat unawain ng tagasalin ang intensiyon ng may-akda sa pagsulat ng teksto
    • Isinulat ba niya ito upang magbigay-impormasyon?
    • Upang umantig ng damdamin?
    • Upang magpakilos?
    • Dapat tiyakin ng tagasalin na maipararating ang intensiyong iyon sa mga mambabasa
  • Pagtukoy sa teorya sa pagsasalin
    • Magsaliksik ng teorya na maaaring gamitin bilang batayan sa pagsasalin
    • Ito ang magsisilbing paliwanag ng tagasalin sa prosesong sinunod niya
  • Mga metodong maaaring gamitin sa gagawing aktuwal na pagsasalin
    1. Salita-sa-salita
    2. Literal
    3. Matapat
    4. Malaya
    5. Adaptasyon
  • bagay
    ang siguradong-sigurado ako na totoo
  • Una, si Edward ay isang bampira
  • Pangalawa, may isang bahagi niya - at hindi ko alam kung gaano makapananaig ang bahaging iyon - na nananabik sa aking dugo
  • Pangatlo, umiibig ako sa kaniya na walang pasubali at kailanman ay hindi magbabago
  • Malaya
    Ito ang metodo sa pagsasalin na bukas sa mga pagbabago sa salin. Peiyoridad nito ang pagpapanatili ng kahulugan ng orihinal ngunit maari itong maging bukas sa pagbabago sa estruktura. Maaring ang salitang iisa lamang sa orihinal ay tumbasan ng higit sa isa. Maaring baguhin ang ayos o pagkasunod-sunod ng mga salita o pangungusap. Maaring tumaliwas sa estilo ng orihinal na may-akda.
  • Adaptasyon
    Ito ang pinakamalayang anyo ng salin na sa kaibahan sa orihinal ay masasabing tila hindi na salin. Ito ang pagsasaling ginagawa kapag inilalapat ang isang teksto sa naiibang konteksto o inililipat ang isang panitikan sa ibang genre.
  • Idyomatiko
    Ito ang pagsasalin na tinutumbasan hindi lamang ang kahulugan ng orihinal kundi maging ang masining o matayutay na paraan ng pagkakabuo nito.
  • Juan gave me an apple
  • Si Juan ay nagbigay sa akin ng mansanas