Cards (36)

  • demokrasya
    Uri ng politikal na pamumuno kung saan may partisipasyon ng taumbayan
  • polis
    Salitang Griyego para sa lungsod-estado
  • digmaang sibil
    Digmaan sa pagitan ng mga pangkat na napabibilang sa iisang estado o bansa
  • Ang mga lungsod-estado ng Gresya ay nagbigay-halaga sa relihiyon. Malaking bahagi ng buhay ng mga Griyego ang kulto ng pag-aalay at pagbuo ng alyansa sa kanilang mga diyos.
  • Bagama't mahalaga ang mga diyos sa kanilang pamumuhay, ang buhay-politika at pamamahala ng lungsod-estado ay nasa kamay ng mga mamamayan.
  • Nagbigay rin ng halaga ang mga Griyego sa tunay na kalayaan ng mga mamamayan, kung kaya naman ang pamamahala sa mga lungsod-estado ng Gresya ay dumaan sa ilang yugto ng pagbabago.
  • Apat na yugto ng pagbabago ng pamahalaan sa mga lungsod-estado ng Gresya
    • Yugto ng monarkiya o pamumuno ng hari
    • Yugto ng oligarkiya o pamumuno ng mga aristokrata
    • Yugto ng tyranny o pamumuno ng isang tao na kumuha sa kapangyarihan ng pamamahala gamit ang puwersa
    • Yugto ng demokrasya o pamumuno ng mga tao
  • Ang unang demokrasya sa daigdig ay ang lungsod-estado ng Athens.
  • Ang Athens ay matatagpuan sa Attica sa timog-silangang bahagi ng Gresya. Ito ang pinakamalaki at pinakamakapangyarihan sa mga lungsod-estado.
  • Nagmula ang Athens sa labindalawang lungsod-estado na nagbuklod-buklod upang mabuo ang iisang polis.
  • Ang lungsod-estado ng Athens ay dumaan sa apat na yugto ng pagbabago ng pamahalaan.
    1. Noong simula, ito ay pinamumunuan ng monarkiya
    2. Noong 800-750 BCE, kinuha ng mga aristokrata ang kapangyarihan mula sa mga hari at nabuo ang oligarkiya
    3. Noong katapusan ng ika-7 na siglo, ang Athens ay nasa bingit ng isang digmaang sibil
    4. Noong 594 BCE, si Solon ay sumubok na lutasin ang mga problema sa lipunan ng Athens
    5. Noong 546 BCE, pinagsamantalahan ng aristokratang si Pisistratus ang kaguluhan sa lipunan ng Athens
    6. Matapos ang pagkamatay ni Pisistratus, si Cleisthenes ay umupo bilang pinuno
  • deme
    Subdibisyon ng lungsod-estado
  • assembly o ekklesia
    Nagaganap sa burol ng Acropolis kung saan ang lahat ng malayang Atheniang lalaki na nasa tamang edad ay nagpapasiya kung ipatutupad ang mga ginawang batas ng lehislatura
  • boule o Konseho ng Limang Daan
    Binubuo ng 500 kinatawan mula sa sampung deme ng Athens; sila ay may responsibilidad sa pangaraw-araw na pamamahala at paggawa ng batas
  • ostracism
    Pagpapaalis ng mamamayan na maaaring magdulot ng panganib sa lungsod-estado
  • Matapos ang Digmaang Persia (Persian Wars)

    Naging pinuno ang Athens ng Delian League, isang alyansa ng mga lungsod-estado na binuo upang maprotektahan sila mula sa muling pagsalakay ng mga taga-Persia
  • Bagama't sa Athens nagsimula ang demokrasya, mayroon pa ring mga grupo na hindi hinahayaang sumali sa mga gawaing politikal, katulad ng mga alipin at kababaihan.
  • Kaunti lamang ang mga karapatan ng kababaihan sa Athens.
  • Mga bagay na hindi maaaring gawin ng kababaihan sa Athens

    • Ang kanilang mapapangasawa ay pinipili ng isang lalaking kamag-anak
    • Hindi sila maaaring kumain kasama ng kanilang mga asawa
    • Hindi sila maaaring mag-aral, maging artista sa mga dulaan, umupo kasama ang lalaki sa publiko, at pumunta sa korte nang hindi ikinakatawan ng isang lalaki
  • Ang mga ordinaryong mamamayan ang nagpapatakbo ng pamahalaan ng Athens.
  • Naniniwala ang mga Athenian na ang kanilang mga mamamayan ay maaaring mamahala gamit ang kanilang pagmamahal sa Athens at intelektuwal na kakayahan.
  • Bagama't wala silang mga batikang sundalo, kilala ang Athens sa kanilang mahusay na hukbong pandagat na nagsilbing depensa sa teritoryo at kanilang komersiyo.
  • Ang Athens din ang may pinakamaunlad na ekonomiya sa mga lungsod-estado ng Gresya.
  • Mga grupo na hindi hinahayaang sumali sa mga gawaing politikal sa Athens
    • Mga alipin
    • Kababaihan
  • Ang mga magsasakang napilitang ibenta ang kanilang mga pag-aari at pati mga sarili dahil sa kanilang mga utang ang nagbunsod ng digmaang sibil sa Athens.
  • Upang magkaroon ng kompromiso sa pagitan ng mga mahihirap at mga maharlika, ibinigay ni Solon ang kalayaan ng mga naging alipin dahil sa pagbenta ng kanilang sarili, ngunit hinayaan niya ang mga maharlika na panatilihin ang pag-aari sa mga lupang naibenta sa kanila.
  • Ang isa pang pagbabago na ipinatupad ni Solon ay ang pagpapahintulot sa lahat ng malalayang kalalakihan, kasama ang mga mahihirap, sa pag-upo sa Assembly na tumatanggap sa mga batas at naghahalal ng mga mahistrado.
  • Upang makalagap ng suporta, si Pisistratus ay nagsagawa ng maraming gawaing pampubliko, katulad ng reporma sa lupa (land reform), malalaking estruktura, at mga pista.
  • Ang kaniyang kapangyarihan ay ibinigay ni Cleisthenes sa ilang sangay na nagbibigay ng papel sa ibang mga mamamayan sa pamamahala ng lungsod-estado.
  • Noong ika-5 siglo, sinimulan na ng mga Athenian na tawagin ang kanilang pamahalaan bilang "demokrasya" na hango sa mga salitang demos na nangangahulugang "tao" at kratia na nangangahulugang "kapangyarihan."
  • Upang maprotektahan ang kanilang gobyerno, ipinatupad nila ang ostracism o ang pagpapaalis ng mamamayan na maaaring magdulot ng panganib sa lungsod-estado.
  • Bagama't malaki na ang pagbabago at pag-unlad ng pamamahala sa Athens, maaabot lamang ng lungsod-estado ang gintong panahon nito matapos ang Digmaang Persia (Persian Wars).
  • Pisistratus
    Nagbigay ng pautang at nagbukas ng maluwakang trabaho sa malalaking proyektong pampubliko.
    Pinatalsik ang sinumang hindi sumunod sa kaniya
    Nagsagawa ng land reform, malalaking estraktura, at mga pista
  • Cliesthenes
    Umupo pagkatapos ng pagkamatay ni Pisistratus.
    Siya ay aristokratang pabor sa demokrasya
    Binigay ang kaniyang papel ng kapangyarihan sa mga ilang sangay
  • Demokrasya
    demos "tao" at kratia "kapangyarihan"
    isinumula ng mga Athenian noong ika-5 na siglo
  • Delian League
    Binuo upang mapigilan ang Digmaang Persia