Pagbasata at pananaliksik

Cards (11)

  • Kahulugan at Kahalagahan ng Pananaliksik Kerlinger (1973) - Binigyang-kahulugan ang pananaliksik bilang isang sistematiko, kontrolado, emperikal, at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal. Sistematiko ang pananaliksik - kapag sumusunod ito sa mga hakbang o yugto. Ang siyentipikong pananaliksik - ay kontrolado at ang bawat hakbang ng pagsasaliksik ay nakaplano.
  • Katangian at Pananagutan ng Isang Mananaliksik
    Masipag at matiyaga - Kailangan ang walang katapusang paghahanap ng mga datos na gagamitin sa pananaliksik.
    Maingat - Kinakailangang maingat na maisa-isa ang mga nakalap na datos na may kaugnayan sa ginagawang sulating pananaliksik.

    Masistema - Maayos at may sistema ang kanyang mga hakbangin upang walang makalimutang mga datos o detalye na kailangan sa kanyang isinusulat na sulating pananaliksik.
    Mapanuri - Kallangang magkaroon siya ng batayan, Kalagayan na magkakaibang bigat ng mga datos na nakalap niya.
  • Etika ng Pananaliksik Paggalang sa karapatan ng iba - kailangan ang kaukulang paggalang o respeto sa kanilang karapatan.
    Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential - tratuhin ang lahat ng datos at detalyeng nakuha mula sa surbey, interbyu, o anumang paraan na confidential. Pagiging matapat sa bawat pahayag - Ang anumang pahayag sa kabuoan ng sulating pananaliksik ay nararapat na matapat at naaayon sa pamantayan ng pagsulat. Pagiging obhetibo at walang kinikilingan - Ang isang mananaliksik ay dapat walang kinikilingan.
  • Pagpili ng tamang paksa
    Dito ay isinasaalang-alang ang interes ng mananaliksik
  • Paghahanda ng balangkas
    Dito ay inihahanda ang estruktura ng buong organisasyon ng gagawing pananaliksik
  • Paghahanda ng bibliyograpiya
    Dito ay masusing isinasagawa ng mananaliksik ang pagpili at pangangalap ng aklat, magasin, journal, at iba pang mga mapagkukunan ng datos para sa gagawing pananaliksik
  • Pangangalap ng mga kinakailangang datos at materyal
    Dito ay binabasa ang nilalaman ng mga aklat, magasin, at journal na binanggit sa itaas. Pinagpapasiyahan ng mananaliksik kung aling mga datos dito ang mahalagang makuha at maisama sa gagawin niyang ulat
  • Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas
    Aayusin ng mananaliksik ang mga nakalap na datos ayon sa uri ng paglalahad o batayang gagamitin sa ulat
  • Pagsulat ng pananaliksik
    Maayos na isinasagawa ang pasulat na ulat batay sa mga naunang ginawang preparasyon ng mananaliksik
  • Pagrereserba ng papel
    Dumaraan ang unang draft ng isinulat sa masusing editing upang matiyak na may kawastuhan sa paggamit ng wika at estilo
  • Pagsulat ng pinal na papel
    Sa kabuoan, narito ang karaniwang balangkas ng isang ulat pananaliksik/ tesis/disertasyon