Citizenship - tumutukoy sa kalagayan ng isang mamamayan sa isang estado kung saan siya bahagi
Citizenship - Tumutukoy ito sa mga gampanin ng isang tao sa lipunan at mga tungkulin alinsunod sa umiiral na batas sa teritoryong nasasakupan ng isang estado.
Polis (Plural: Poleis)
Polis - isang istrukturang panlipunan na karaniwang nakatayo malapit sa baybaying-dagat (acropolis) at mayroong sentro na naliligiran ng mga pader.
kaukulang karapatan(Polis) ang mga kalalakihan ayon sa laki, dami o halaga ng kanilang ari-arian
Ang mga Polis ay binubuo ng Citizens o mga mamamayan
Ayon kay Pericles, hindi lamang ang sarili ang iniisip ng mga citizens kundi maging ang kalagayan ng estado o polis.
Citizenship – Ito ay ang kalagayan at katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang estado na pinoprotektahan ng umiiral na batas.
Murray Clark Havens (1981) – “Ang Citizenship ay ang ugnayan ng indibidwal at estado. Tumutukoy ito sa pagiging miyembro ng indibidwal sa estado kung saan bilang isang citizen ay siya ay ginawaran ng karapatan at tungkulin.”
Acropolis – Ito ay karaniwang nasa gitna ng bawat polis na nasa mas mataas na lugar kumpara sa palibot na teritoryo.
Pericles – Siya ay ang impluwensyal na heneral, orador at pulitiko sa lungsod ng Athens, Greece. Siya ang namuno sa hukbong Griyego noong Digmaang Peloponnesian.
Ayon kay Thucydides, isang historyador, si Pericles ay maituturing na kauna-unahang “citizen” ng Athens.
Ayon sa Social Contract Theory, ang pagkamamamayan o citizenship ay parehong karapatan at tungkulin.
Sinasabi na ang citizenship ay isang “bundle of rights” o bungkos ng mga karapatan. Ito ay ang mga sumusunod:
Political participation
Suffrage
Right to receive protection from the community and government
Social roles
Batayang Legal ng Pagkamamamayan (Article 4, 1987 Constitution of the Philippines)
siya ay mamamayang Pilipino sa panahon ng pagkabuo ng saligang batas
siya ay anak ng Pilipinong ama o ina
siya ay ipinanganak bago ang January 17, 1973 na piniling maging Pilipino pagtuntong sa wastong edad, at
siya ay “naturalized” alinsunod sa batas
Jus Sanguinis - Salik ng pagkamamamayan kung saan ang pagkamamamayan ay hindi nasusukat sa lugar ng kapanganakan ngunit sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isa o parehong mga magulang na mamamayan ng estado. (Right of Blood)
Jus Soli - Ang pagkamamamayan ay tinutukoy ng lugar kung saan ipinanganak ang isang tao. (Right of Soil)
Jus Matrimonii - Ang pagkamamamayan ng isang tao ay tinutukoy ng pagkamamamayan ng kaniyang pakakasalan. (Right of Marriage)