Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan
1834
Mga pagbabago sa buhay ng mga Pilipino noong binuksan ng mga Espanyol ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan
Nakilala ang Pilipinas bilang top exporter ng ilang produkto tulad ng abaka, tabako, at tubo
Iniluwas ng PIlipinas ang asukal, niyog, tabako, abaka, at iba pang produkto sa pandaigdigang pamilihan
Mga daungan na nagbukas sa Pilipinas
1834 - Daungan sa Maynila
1855 - Daungan sa Saul sa Pangasinan
1860 - Daungan sa Cebu
1873 - Daungan sa Tacloban at Legazpi
Sa pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan noong 1834, ang mga magangalakal na Ingles, Amerikano, at Tsino ay nagpasok ng malaking kapital sa bansa
Dahil dito, naging masagana ang pamumuhay ng mga katutubo at sumulpot ang panggitnanglipunang (middle class) Pilipino
Kaliwanagan o Enlightenment Period
Pagkakaroon ng pagbabago sa larangan ng pampulitika, pangkabuhayan, relihiyon, at pang-edukasyon
Panahon ng paghahanap ng katotohanan, pag-angat ng antas ng pag-iisip at pamumuhay sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng pamahalaan, imprastraktura, at institusyon ng lipunan
Sa panahong ito ay naging mulat ang mga Pilipino sa pang aabuso ng mga Espanyol
Paring sekular
Mga paring Pilipino na hindi kabilang sa mga ordeng relihiyoso
Paring regular
Mga prayleng Espanyol na namumuhay bilang isang pangkat at may organisadong pamamaraan
Nagkaroon nq suliranin kung sino ang mangangasiwa sa mga parokya ng mga paring Heswita nang matanggal ang mga ito noong 1768
Pinagbintangan ng mga maykapangyarihan ang mga Heswita a sinabing namuno sa isang pag-aalsa sa Madrid, Spain laban sa isang ministro sa pamahalaan at pagtangkang patayin si Haring Carlos III
Nang dahil sa pangyayaring iyon, iniutos ng mga nakatataas na iluklok ang mga paring sekular sa mga bakanteng parokya
Nang bumalik ang mga Heswita noong 1859, itinaboy na parang wala lang ang mga paring Pilipino kaya nakadama sila ng diskriminasyon
Itinatag nila ang Kilusang Sekularisasyon na naglaban sa mga karapatan ng mga Paring Pilipino
Kilusang Sekularisason
Isang kilusan noong panahon ng pananakop ng mga Kastila ng mga paring Pilipino na naglalayong mabigyan ng sari-sariling parokya ang mga ito
Ang mga Pilipinong pari ang namuno sa mga simbahan sa Pilipinas, at dahil dito, nalaman ng mga Pilipino na kaya nilang magsarili at magpatakbo ng sariling simbahan
CarlosMaríadelaTorre y Navacerrada
Isang Kastilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas mula 1869 hanggang 1871 na itinuturing bilang isa sa mga liberal na gobernador-heneral ng Pilipinas
Ipinatupad ni Gobernador-Heneral CarlosMariaDelaTorre ang sekulirisasyon sa mga simbahan sa buong bansa
Pag-aalsa sa Cavite
1872
Polo y servicio
Isa sa polisiya ng pamahalaang Espanyol na ipinatupad noong 1580 kung saan ang mga Pilipinong edad labing-anim hanggang anim napung gulang ay nagtatrabaho ng sapilitan
Nag-ugat ang pag-aalsa sa pagpapataw ni Gobernador- Heneral Rafael de Izquierdo ng personal na buwis sa mga kawal at manggagawa
Kung saan isinasaad ng buwis ang pagbabayad ng salapi at pagbibigay ng poloyservicio, o sapilitang trabaho
Sa pamumuno ni FernandoLaMadrid, isang mestisong sarhento, nag-alsa sila noong 20 Enero 1872
Nakubkob nilá ang Fuerza San Felipe at pinaslang ang 11 Español na opisyal
Isang pulutong ng mga sundalo sa pamumunò ni Heneral Felipe Ginoves ang lumusob sa moog ng SanFelipe
Dahil sa paglusob ng heneral sumuko ang mga nag-aklas, kabilang si La Madrid, at pinaputukan sila sa utos ni Ginoves
Maraming mariwasa at ilustrado ang nadawit sa pag-aalsa
Ginamit itong dahilan ng pamahalaang kolonyal at mga fraileng Español upang idawit ang tatlong paring tinagurian ngayon bilang GOMBURZA
Pagkatapos ng maikli at kahina-hinalang paglilitis, binitay ang tatlong pari sa harap ng publiko sa pamamagitan ng garote
GOMBURZA
Daglat para sa tatlong martir na paring Pilipinong sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora na binitay sa pamamagitan ng garote
Sinuhulan ng mga Espanyol si Fransisco Saldua upang tumestigo laban sa tatlong paring nasasakdal na sina Gomez, Burgos, at Zamora
Pinaratangan ang tatlongpari sa salang sedisyon at pagtataksil sa Espanya
Noong ika-17 ng Pebrero, 1872 nahatulan ng kamatayan ang tatlong pari sa pamamagitan ng pagpalipit ng isang kasangkapang kahoy sa leeg o tinatawag na garote sa Bagumbayan
Binitay din si FranciscoSaldua upang hindi makapaglahad ng katotohanan bagamat walang kasalanan ang tatlong pari