PAGPAG/M1.CONVERTED/4TH QUARTER

Cards (19)

  • Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
  • Balikan
    Maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon
  • Tuklasin
    Ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon
  • Suriin
    Bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin upang matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan
  • Kasanayang Pampagkatuto: Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik (Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirikal, atbp.)
  • Layunin: A. Natutukoy ang kahulugan ng balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirikal, atbp. B. Nakikilala ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik batay sa kahulugan nito. C. Nagagamit ang konseptong kaugnay ng pananaliksik ayon sa kahulugan nito.
  • Balangkas Konseptwal
    Mga konsepto o ideya na tutugon sa baryabol ng pananaliksik na maaaring binuo ng mga mananaliksik
  • Balangkas Teoretikal
    Mga umiiral na teorya sa iba't ibang larang o disiplina na subok na at may balidasyon ng mga pantas
  • Datos Empirikal
    Ang mga datos mula sa resulta ng metodong ginamit sa pangangalap ng datos
  • Ang balangkas ay nagsisilbing 'blueprint' o gabay sa pananaliksik
  • Ang balangkas ay mahalaging bahagi ng pananaliksik upang matiyak ang landas na tinutungo habang ginagawa ang papel at maiwasan ang paglihis sa paksang napili
  • Ang balangkas ay makatutulong sa mga mananaliksik bilang pundasyon ng tila binubuong gusali
  • Balangkas Teoretikal
    • Nakabatay sa mga umiiral na teorya sa iba't ibang larang na may kaugnayan o repleksyon sa layunin o haypotesis ng pananaliksik
    • Mahalaga upang matulungan ang mananaliksik sa paghahanap sa angkop na dulog, analitikal na kaparaanan, at mga hakbangin ukol sa katanungan o layunin ng saliksik na ginagawa
    • Binibigyang lalim at paglalapat ang ginagawang saliksik
  • Mga punto na maaaring gamitin sa paghahanap ng teoretikal na balangkas
    • Pagtukoy sa pangunahing layunin ng paksa
    • Alamin ang mga pangunahing baryabol ng ginagawang saliksik
    • Pagbabasa at pagbabalik-aral sa mga kaugnay na literatura ng iyong paksa
    • Pagtatala ng kabuoan at baryabol na maaaring makaapekto sa paksa
    • Pagsipat sa iba pang mga baryabol na kaugnay ng paksa
    • Pagrerebisa ng saliksik habang idinadagdag ang salitang teorya
    • Pag-iisa-isa sa mga teoryang nasaliksik at kaugnay sa paksa
  • Ang mga umiiral na teorya sa iba't ibang larang ay may kaugnayan o repleksyon sa layunin o hipotesis ng pananaliksik
  • Ang teoretikal na balangkas ay mahalaga upang matulungan ang mananaliksik sa paghahanap ng angkop na dulog, analitikal na kaparaanan, at mga hakbangin ukol sa katanungan o layunin ng saliksik na ginagawa
  • Mga punto na maaaring gamitin sa paghahanap ng teoretikal na balangkas
    • Pagtukoy sa pangunahing layunin ng paksa
    • Alamin ang mga pangunahing baryabol ng ginagawang saliksik
    • Pagbabasa at pagbabalik-aral sa mga kaugnay na literatura ng iyong paksa
    • Pagtatala ng kabuoan at baryabol na maaaring makaapekto sa paksa
    • Pagsipat sa iba pang mga baryabol na kaugnay ng paksa
    • Pagrerebisa ng saliksik habang idinadagdag ang salitang teorya
    • Pag-iisa-isa sa mga teoryang nasaliksik at kaugnayan nito sa iyong papel
    • Pagtingin sa iba pang teorya na humahamon sa perspektibo ng napiling teorya
    • Pagsasaisip ng mga limitasyon ng napiling teorya
  • Ang Attachment Theory ay isang subok na teorya na kinikilala ng iba pang mga pantas
  • Konseptwal na balangkas
    Naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng pagsisiyasat.