Pandaigdigang digmaang naganap mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: Triple Alliance at Triple Entente
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
Militarisasyon
Alyansa
Imperyalismo
Nasyonalismo
Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand
Militarisasyon
Pagpapalakas o pagpapaigting ng sandatahang lakas ng isang bansa sa pamamagitan ng pagpaparami ng armas at sundalo
Nagsimulang magtatag ng malalaking hukbong pandagat ang Germany. Ipinalagay na ito'y tahasang paghamon sa kapangyarihan ng Inglatera bilang Reyna ng Karagatan
Alyansa
Isa o higit pang kalipunan o kasunduan ng mga bansa o partido na sumusuporta sa isang programa, paniniwala o pananaw
Mga Alyansa
Triple Alliance (Italy, Germany, Austria-Hungary)
Triple Entente (Russia, Great Britain, France)
Imperyalismo
Isa ng patakaran o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga bansa
Sinalungat ng Britanya ang pag-angkin ng Germany sa Tanganyika (East Africa). Tinangka namang hadlangan ng Germany ang pagtatatag ng French Protectorate sa Morocco sapagkat naiinggit ito sa mga tagumpay ng France sa Hilagang Aprika
Naging kalaban din ng Germany ang Britanya at Hapon sa pagsakop sa Tsina
Hindi nasiyahan ang Germany at Italya sa pagkakahati-hati ng Aprika sapagkat kaunti lamang ang kanilang nasakop samantalang malaki ang nabahaging nakuha ng Inglatera at France
Nasyonalismo
Tumutukoy sa masidhing pagmamahal sa sariling bayan o bansa. Ito rin ang ideyolohiyang pampolitika bumubugkos sa isang tao sa iba pang mga taong may pagkakapareho sa kanyang wika, kultura at iba pa
Ang mga Junker, ang aristokrasyang militar ng Germany, ay naniwalang sila ang nangungunang lahi sa Europe
Ang pagnanais ng Serbia na angkinin ang Bosnia at Herzegovina na nasa ilalim ng Austria, at ang pagkamuhi ng mga Serbian dahil sa mahigpit na pamamahala ng Austria
Mga Mahahalagang Kaganapan ng Unang Digmaang Pandaigdig
Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand
Pagsali ng mga magkakaalyansang bansa sa digmaan noong 1914
Digmaan sa Silangan (Russia vs Germany)
Digmaan sa Balkan (Austria-Hungary vs Serbia, Ottoman Empire vs Russia)
Digmaan sa Karagatan (Great Britain vs Germany)
Mga Pangyayari noong 1914, 1915, 1916, 1917, 1918
1914 - Namatay si Archduke Feranz Ferdinand
1915 - Lumubog ang barko RMS lusitania
1916 - Natalo ang Germany sa Digmaan sa verdus
1917 - Napaalis sa puwesto si Tsar Nicholas II
1918 - Nilagdaan ang armistice at nagtapos ang unang digmaang pandaigdig
Natalo ang Central Powers. Sumilang ang mga bagong bansa. Pinirmahan ang Kasunduan sa Versailles - pinakamahalagang kasunduang pangkapayapaan na nagdulot ng katapusan sa WW1
Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig
Maraming buhay at ari-arian ang napinsala
Nabago ang mapa ng Europe
Nagwakas ang apat na imperyo sa Europe
Nabuo ang League of Nations
Hindi nagtagumpay ang League of Nations dahil sa pagkakabahin ng mga kolonya ng dating Central Powers, pagpapahina sa hukbong sandatahan ng Germany, at pagpapabayad ng malaking halaga sa mga bansang napinsala bilang reparasyon