Pananaliksik4

Cards (31)

  • Kasangkapan at kagamitan
    tape recorder
    kamera
    laptop
    kagamitang pang-video
    kuwaderno
  • Pangangalap ng datos
    - walang saysay ang isang pananaliksik kung wala itong sustansiyang nilalaman diwa, bigat, at katatagan
  • Datos: Batayan at Sanggunian sa Pananaliksik
    • Mahalagang bahagi ng pananaliksik ang datos. Kung walang datos, walang susuriin o sasaliksikin. Nahahati sa dalawa ang pinagkukunan ng datos: Primaryang sanggunian at Sekondaryang Sanggunian.
  • Primaryang Sanggunian
    Napakaloob sa primaryang sanggunian ang mga orihinal na dokumento na naglalaman ng mahahalagang impormasyon ukol sapaksa ng pag-aaralan.
  • Sekondaryong sanggunian Ang napakaloob naman sa Sekondaryang Sanggunian ay makikita ang sariling interpretasyon batay sa pangunahing impormasyon.
  • Primaryang Sanggunian
    Liham
    Talaarawan
    Pakikipanayam
    Saloobin mula sa sarbey
    Orihinal na pananalisik atibp.
  • Sekondaryang Sanggunian
    Aklat
    Artisibo na materyal mula sa
    Palabas
    Manuskrito
    Pahayag ng isang tao atibp.
  • Primaryang Sanggunian
    • Nagsimula sa sinabi ng nakasaksi
  • Sekondaryang Sanggunian
    • Pinagsama-sama ng mga nakalap na ebidensya
  • Makatutulong din ito upang magkaroon ng orihinal na impormasyon upang masabi na ang pananaliksik ay mapagkakatiwalaan. (Simbulan, 2008).
  • Metodolohiya sa Pananalisik
    • Ang metodolohiya ay bahagi ng pananaliksik na tutukoy sa mga baryabol, depinisyon o paliwanag, teorya na gagamitin, disenyo ng pananaliksik, datos, paraan ng pangangalap ng datos, at paraan ng pag- aanalisa.
    Bakit mahalaga ang pagsusulat ng metodolohiya? Dahil ito ay sistema ng mga patakaran at pamamaraan kung saan nakabatay ang pananaliksik. Ang mga patakaran at pamamaraan ay pinapahusay sa pamamagitan ng siyentipikong paghahanap ng mga bagong paraan at teknik ng obserbaasyon, paghinuha, paglalahat, at pag aanalisa
  • Pangangalap ng Datos batay sa Metodolohiya
    Ito ay maituturing na pinakamahalaga sa anumang uri ng pananaliksik. Ito ay dahil sa kung walang mga datos, wala ring proyekto na maisasakatuparan. Kaya't nararapan ang sistematikong pamamaraan sa pangangalap ng datos ayon sa isinasagawang pananaliksik. Katumbas ng pagpili ng metodolohiya sa pagsisiyasat ang pangangalap ng datos.
  • Hakbang sa Pangangalap ng DATOS
    1. Maghanda sa pangongolekta ng Datos.
    2. Tiyakin ang hangganan ng kinakailangang datos na angkop sa disenyo ng pananaliksik
    3. Tiyakin nasa tamang timing o tiyempo ang pangangalap ng datos.
    4. Magtakda sa sarili at sa pinagkukunan ng datos kung ano lamang ang makatutulong o kailangan sa pananaliksik.
  • Dapat Ihanda sa Pangangalap ng Datos
    1. Personal na Gamit - Hindi isang pagliliwaliw ang fieldwork kaya dapat isiping mabuti ang gagamiting damit na pwedeng pangharabas at hindi mabigat dalhin. Alalahanin lamang na hindi dapat isipin na may tagabuhat at aasahan dito.
  • Dapat Ihanda sa Pangangalap ng Datos
    1. Personal na Gamit
    Tuwalya, sabon, at iba pang hygiene kit
    muskitero at sleeping bag
    maliit na flashlight at natitiklop na kusilyo
    first aid kit
    pagkain at tubig
  • Dapat Ihanda sa Pangangalap ng Datos
    2. Kasangkapan at Kagamitan -Mahalagang suriing mabuti ang mga kagamitan dahil maapektuhan ang fieldwork kung may sira ang kagamitan.
  • Sarbey: Datos Kaugnay ng Saloobin at Opinyon
    Ang sarbey ay isang pamamaraan na magagamit sa pag-unawa ng katotohanan bilang katibayan tungkol sa tiyak na sitwasyon. Inilalarawan ng sarbey ang isang kondisyon ng paksang pinag-aaralan. Bunga ng Datos ng sarbey, nakakapagbigay ng makatuwirang kongklusyon ang mananaliksik.
  • Sarbey: Datos Kaugnay ng Saloobin at Opinyon
    Ito ay Ilan sa metodolohiyang sarbey:
    Pagtatakda ng layunin sa
    pagsasagawa ng sarbey
    pagsasagawa ng aktuwal na sarbey
    pagtatala
    pag-aanalisa
    pagbabalita o pagpapahayag ng datos mula sa sarbey
  • Sarbey: Datos Kaugnay ng Saloobin at Opinyon
    Ginagamit ang sarbey sa paaralan, pamayanan, negosyo, pamahalaan, at iba pang institusyong panlipunan upang pulsuhan ang opinyon, kaugalian, paniniwala, at saloobin ng mamamayan
  • Sarbey: Datos Kaugnay ng Saloobin at Opinyon
    Isinasagawa ang sarbey sa pamamagitan ng
    Pagpapadala ng katanungan
    harap-harapang panayam
    pagpapadala ng e-mail
    pagpapasagot sa mga social networking sites
  • Kahalagahan ng Talatanungan sa Sarbey
    Dito nakalagay ang impormasyong pagbabatayan ng kasagutan. Dapat taglay nito ang pagiging maikli, malinaw, at maayos upang maging tumpak din ang makukuhang datos o impormasyon.
  • Panayam o Interview
    Mahalagang tandaan na umiikot sa mabisang ugnayanng panayam kung kaya't dapat taglayin ang sumusunod.
    Maging pormal at magiliw
    Maging alerto at sensitibo
    Magig kalmado
    Maging magalang
  • Bago ang Panayam
    Narito ang dapat na gawin bago ang panayam
    Tiyaking handa ang mga kagamitan gaya ng panulat, kamera, recorder, at iba pa.
    Tiyaking napadala na ang liham sa kakapanayamin kung kinakailangan.
  • Bago ang Panayam
    Narito ang dapat na gawin bago ang panayam
    Tiyaking magkatugma ang oras at panahon ng gagawing panayam.
    Magpakilala sa isa't isa kung unang beses nagkita sa panayam.
    Ihanda at ibigay ang mga gabay na katanunga.
  • Oras ng Panayam
    Tandaan ang sumusunod kapag nasa aktuwal nang panayam.
    Gawing kaaya-aya ang pakikipag- usap.
    Hayaang mapakinggan ang pahayag ng kinakapanayam.
    Tiyaking marunong makinig at maging sensitibo.
  • Pagkatapos ng Panayam
    Tiyaking gawin ang sumusunod kapag tapos na ang panayam.
    Matutong magpasalamat.
    Gawing tama ang pagbubuod at pagsusuri sa nakalap na datos.
    Bigyan ng katiyakan ang.
    kinapanayam para sa proteksiyon at seguridad ng mga naging kasagutan
  • Uri ng Pakikipanayam
    Pormal - May ginagawang pakikipagtipan sa kakapanayamin sa isang takdang araw, takdang oras, at takdang lugar.
    Hindi Pormal - Walang ginagawang pakikipagtipan sa isang taong kakapanayamin. Tinatawag din itong ambush interview.
  • Uri ng Pakikipanayam
    Pakikipanayam na nabigyan ng Kabatiran (Informative)
    • Isinasagawa upang makakuha ng impormasyon mula sa isang taong may kinalaman sa bagong idea, sa isang taong nakasaksi sa isang pangyayari o isang taong maaring mapagkunan ng balita.
  • Uri ng Pakikipanayam
    Opinyon (Opinion interview)
    Isinasagawa upang makakuha ng komentaryo o opinyon mula sa taong bantog o kilalang otoridad.
    Lathalain (Feature interview)
    Pakikipanayam sa isang sikat na tao na may karanasan upang makakuha ng kaalaman sa kaniyang katauhan na magiging kawili-wili sa madla.
  • Focus Group Discussion (FDG)
    Ang FDG ay isang uri ng panayam na may apat hanggang 16 na kalahok. May tuon ang tanong batay sa paksa na ibinigay na nang maaga bago ang aktuwal na oras ng pangkatang panayam.
    Dahil sa dami ng kakapanayamin, mas madaling mapalawak ang paksa at madaling makita ang pagiging tumpak nito dahil makikita ang pagsang-ayon ng lahat ng kasapi ng panayam.
  • Imersiyon: Pakikihalubilo at Pakikisangkot sa Pagkuha ng Datos
    Madalas itong gawing paraan ng pangangalap sa disenyong qualitative. Karaniwang ginagamit sa dokumentasyon upang mas maging buo at komprehensibo ang datos.
    Nais makuha ng imersiyon ang layuning maipabatid ang panlabas, panloob, ibabaw, at ilalaim na kuwento sa likod ng datos.