PILARANG EY

Cards (30)

  • POSISYONG PAPEL ➢ Ito ay isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu.
  • POSIYONG PAPEL - Naglalaman din ito ng mga katuwiran o ebidensiya para suportahan ang paninindigan. Bukod sa paninindigan at mga katuwiran ng sumulat, mahalagang bahagi rin nito ang posisyon at mga katuwirang kataliwas o katunggaling panig.
  • KATOTOHANAN ➢ Ito ay tumutukoy sa mga ideyang tinatanggap na totoo dahil ang mga katibayan nito ay nakabatay sa nakita, narinig, naamoy, nalasahan at nadama. ➢ Kaugnay ito ng prinsipyo ng katumpakan, katunayan, katiyakan, katapatan, kataimtiman, at mabuting paniniwala. Katumbas din ng salitang totoo ang terminong matimyas. Ito ang kabaligtaran ng katagang kasinungalingan.
  • OPINYON ➢ Ang opinyon ay pwedeng totoo at pwede ring hindi. Ito ay saloobin lamang ng isang tao batay sa kanyang sariling kahulugan sa mga nakikita. ➢ Kadalasan, gumagamit ng mga pananda ang mga opinyon upang malaman na ito ay pansariling pagtingin o paghusga lamang.
  • KATUWIRANNagpapahiwatig ng pagiging tama, may direksyon o layon
  • PANININDIGAN ➢ Nagpapahiwatig ng pagtayo, pagtanggol, paglaban, at maaari ding maging tama.
  • TANDAAN: ➢ Karaniwang maikli lamang ang posisyong papel, isa o dalawang pahina lamang. Upang mas madali itong mabasa at maintindihan ng mga mambabasa at mahikayat silang pumanig sa paninindigan ng sumulat ng papel.
  • SAYSAY NG PANGANGATWIRAN, PAKIKIPAGTALO O ARGUMENTAS ➢ Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang patunay na tinatanggap ng nakararami. ➢ Ito ay isang paraang ginagamit upang mabigyang-katarungan ang mga opinyon at maipahayag ang mga opinyong ito sa iba.
  • SANAYSAY ➢ Ito ay isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-kuro o sariling kaisipan ng isang manunulat kaugnay ng kaniyang nakikita o naobserbahan.
  • Ang salitang sanaysay ay hango sa salitang Pranses na essayer na ang ibig sabihin ay “sumubok” o “tangkilikin”
  • Ayon kay Francis Bacon, ang sanaysay ay isang kasangkapan upang isatinig ang maikling pagbubulay-bulay at komentaryo sa buhay.
  • Ayon kay Paquito Badayos sa kanyang aklat na Retorika Susi sa Masining na Pagpapahayag (2001:11), naglalahad ang sanaysay ng matalinong kuro at makatwirang paghahanay ng kaisipan. Naglalahad din ito ng mga personal at pansariling pananaw ng manunulat tungkol sa isang paksa
  • Ayon kay Alejandro Abadilla, ang salitang sanaysay ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ito’y isang akdang pampanitikang nasa anyong paglalahad.
  • Ayon kay Michael Startford, isang guro at manunulat, ang replektibong sanaysay ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksiyon na pagsasanay
  • Ayon kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University at University of Akron, ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari.
  • Mga dapat tandaan sa pagsulat ng replektibong sanaysay
    • Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng sanaysay
    • Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip
    • Tandaan na bagama't nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang higit na maging mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito
    • Gumagamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito
    • Gumagamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito. Gawing malinaw at madaling maunawaan ang gagawing pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa mga mambabasa
    • Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay, introduksiyon, katawan at kongklusyon
    • Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata
  • IBA’T-IBANG URI NG SANAYSAY NG LARARAWAN ➢ Binubuo lamang ng mga larawan o ng isang larawan. ➢ Binubuo ng mga larawan na may maikling teksto. ➢ Ang mga larawan ang lumulutang sa anyong ito, hindi ang mga salita.
  • KALIKASAN NG SANAYSAY NG LARAWAN ➢ Nagpapahayag ng damdamin at kaisipan sa serye ng larawan. ➢ Gumagamit lamang ng mga salita kung may mga detalyeng mahirap ipahayag. Ang MAHALAGA ay malinaw ang pahayag sa unang tingin pa lang sa LARAWAN. ➢ Ang mga larawan ang pangunahing nagkukwento samantalang ang teksto ay SUMUSUPORTA LAMANG. ➢ Inaayos ayon sa KRONOLOHIKAL na pagkakasunod-sunod o ayon sa damdaming gustong ipahayag.
  • MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY NG LARAWAN ➢ Dapat pamilyar ka sa paksa. ➢ Alamin kung magiging interesado sa paksa ang magbabasa nito. ➢ Idepende ang haba ng teksto sa paglalarawan. ➢ Kailangan may kaisahan ang mga larawan.
  • MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SANAYSAY NG LARAWAN 1. Maghanap ng isang paksa na ayon sa iyong interes. 2. Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang sanaysay ng larawan. 3. Hanapin ang tunay na kwento. 4. Ang kuwento ay binuo upang gisingin ang damdamin ng mambabasa. 5.Pagpasyahan ang mga kukunang larawan.
  • LAKBAY-SANAYSAY ➢ Ito ay maaaring pumaksa sa tao o mamamayan ng lugar. Binibigyang-pansin dito ang gawi, katangian, ugali, o tradisyon ng mga mamamayan sa isang partikular na komunidad. ➢ Maaaring gamitin ang pagtatangi at paghahambing sa mga lugar upang malinang ang wastong pagtitimbang-timbang ng mga ideya.
  • Ayon kay Patti Marxsen, sa kanyang artikulong “The Art of the Travel Essay”, ang isang mapanghikayat na lakbaysanaysay ay dapat makapagdulot hindi lamang ng mga impormasyon kundi ng matinding pagnanais na maglakbay.
  • Maituturing na matagumpay ang isang lakbay-sanaysay kung ito’y nakapag-iiwan sa mambabasa ng sariwa at malinaw na alaala ng isang lugar bagama’t hindi pa nila ito napupuntahan.
  • Simula / Panimula ➢ Ito ang pinakamahalagang bahagi dahil dito ang inaasahan kung ipagpapatuloy ng mambabasa ang kanyang binabasang sulatin.
  • Gitna / Katawan ➢ Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang puntos o ideya ukol sa paksang pinili at sinulat ng mayakda.
  • Wakas ➢ Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat niya.
  • MGA DAHILAN NG PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY 1. Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat. 2. Layunin din nitong makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay. 3. Maaari ding itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad, paghihilom o kaya’y pagtuklas sa sarili. 4. Maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan.
  • MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY ✓ Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista. ✓ Sumulat sa unang panauhan punto de–bista. ✓ Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay. ✓ Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay. ✓ Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay. ✓ Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay
  • SANAYSAY NG LARAWAN / PICTORIAL ESSAY ➢ Ito ay isang koleksyon ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad ng pagkakasunod- sunod na pangyayari. ➢ Nagpapaliwanag ng partikular na konsepto at nagpapahayag ng damdamin. ➢ Katulad din ng iba pang uri ng sanaysay na gumagamit ng mga teknik sa pagsasalysay. Naiiba ito dahil larawan ang ginagamit sa pagsasalaysay.
  • Ayon kay Grace Fleming, ang posisyong papel ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa pananaw o posisyon.