SINESOS (MIDTERM)

Cards (46)

  • AKTOR Ang laging inaabangan ng mga manonood sa isang pelikula bukod sa kuwento nito ay ang mga aktor na gumaganap sa nasabing pelikula.
  • TAUHANG BILOG Tumutukoy sa pagkakaroon ng puso ng tauhan sa kuwento dahil nagbabago ang kaniyang katangian depende sa sitwasyong kaniyang kinalalagyan.
  • TAUHANG LAPAD Tumutukoy sa pananatili ng katangian ng isang tauhan mula umpisa hanggang katapusan ng kuwento.
  • PROTAGONISTA Ang bida naman ang nagpapadaloy ng pelikula at siya ang nagtataglay ng pangunahin at malubhang suliraning kailangang lutasin o kabakahin.
  • ANTAGONISTA Nagbibigay buhay sa kuwento dahil siya ang sumusubok sa kakayahan ng mga bida sa kuwento.
  • ANTI HERO Ang pagpapakikilala ay masama o kontrabida sa buhay ng iba ngunit ang totoo, may dahilan kung bakit ganoon ang inasal
  • BANGHAY/PLOT/SINOPSIS AT/O BUOD- Ang pelikula ay isang kuwento, ito ay may simula, gitna at wakas. Maari ring ibuod ang buong kwento.
  • ISKRIP AT DIYALOGO- Ang iskrip ayon sa Center for New Cinema ay “isang mapang naglalaman ng mga elemento sa pelikula at ang kuwentong bumubuo sa pamamagitan ng aksiyong ginagawa ng tauhan. ”
  • ISKRIP AT DIYALOGO- Hindi rin dapat mawala ang pagsasaalang – alang ng kultura sa pagbubuo ng iskrip. Ayon muli sa Center for New Cinema, ang kultura ang sumasalamin sa ating katauhan at katangian – mabuti man o masama
  • EDITING- ay ginagawa lamang pagkatapos ng aktuwal na shooting sa pelikula. Wala namang maaaring maedit kung wala pang eksenang naisasagawa.
  • SINEMATOGRAPIYA- ay ang paggamit ng kamera at lahat na makukuha ng paningin ng manonood na makakapaglarawan sa kuwento.
  • ESTABLISHING/LONG SHOT Sa ibang Temino ay tinatawag na “scene setting”. Mula sa malayo ay may kinukuhanan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.
  • MEDIUM SHOT- Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas. Karaniwan ito sa mga senaryong may dayalogo o sa pagitan ng dalawang taong naguusap o sa isang paaksyong detalye.
  • CLOSED-UP SHOT- Ang pokus ay nasa isang particular na bagay lamang. Hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. Maaaring bigyang – pansin ang ekspresyon, mismong aktor, buong bahay, at iba pa.
  • EXTREME CLOSE UP- Ito ay nagbibigay pokus naman sa espisipikong bagay ngunit madalas ay ginagawa para bigyang pansin ang isang bahagi ng katawan bilang implikasyon.
  • HIGH ANGLE SHOT- Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pukos ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.
  • LOW ANGLE SHOT- Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi patungo sa itaas.
  • BIRDS EYEVIEW- Maari ring maging isang “aerial shot” na anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi.
  • PANNING SHOT- Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang masundan ang detalyeng kinukunan.
  • ROMANSA/PAG-IBIG- Ang genre na ito ay nakatuon sa kuwentong pag– iibigan, iba’t ibang emosyon dulot ng pagmamahal, at ugnayang romantiko at erotiko ng mga karakter sa isa’t isa.
  • ROMANSA/PAG-IBIG- Karamihan sa mga pelikulang romance ay tungkol sa pakikibaka ng dalawang nag–iibigan na karaniwang hinahadlangan ng problema sa pera, pagkakaiba ng estado sa buhay, kapansanan, pagtutol ng pamilya, at iba pa.
  • ROMANSA/PAG-IBIG- Punong–puno ito ng kultura ng kilig at pangarap na makakatagpo rin ng totoong pag–ibig ang sinuman
  • ROMANSA/PAG-IBIG- Ang mga temang tinatalakay sa romance ay unrequited love, love at first sight, spiritual love, destructive love, true love.
  • KOMEDYA- Naglalayong manlibang at magpatawa ng manonood at kadalasan na ginagawa ang mga pelikulang ito upang makapag–aliw sa tao at magdala ng kasiyahan sa kanila.
  • KOMEDYA- Makikita ang mga katangian ng isang komedyang Filipino sa mga sitwasyon at pangyayari kaya mapapansin sa mga lumang komedyang Filipino ang uri na Slapstick kaya madalas mapapanood sa mga pelikulang itong may madadapa, mahuhulog, madudulas, mababatukan, mabubulunan, at iba pa.
  • KOMEDYA- Dahil na rin sa pagsulpot ng mga bagong komedyante sa industriya, nagkaroon ng pagbabago sa paraan ng pagpapatawa sa pelikulang Pinoy. Ang mga komedya sa panahong ito ay nakabatay na sa sitwasyon, humor at wit sa bawat diyalogo ng mga tauhan. Binawasan na ng mga pelikulang ang slapstick sa kanilang naratibo.
  • KOMEDYA- Nagkaroon ng panibagong uri ng komedya sa pelikulang Pinoy na ang pinaka naging katangian naman ay ang pagpapatawa gamit ang pamimilosopo at panlalait. Kaugnay na rin ito sa pagsikat ng mga gay comedy bar at sa pamamayagpag ng kilalang komedyante na si Vice Ganda.
  • MUSIKAL- Ito ang isa sa mga genre ng pelikulang nagsisimula na ring umusbong sa Filipino, tinatawag rin itong “dance films. ” Pinag–ugat nito ang mga katutubong sarsuwela, bodabil, opera, at iba pa. sa genre na ito, may pagtatanghal ng mga awitin at sayaw bilang pangunahing naratibo ng kuwento.
  • MUSIKAL- Makikita rin dito ang katangian ng pagtakas sa katotohanan ng mga pelikulang musical dahil kadalasan na sinisingit ang mga kanta at sayaw bilang pahinga ng manonood sa hindi kanais–nais na katotohanang may temang pag–ibig, katanyagan, tagumpay at karangyaan
  • ADVENTURE/PAKIKIPAGSAPALARAN- Kadalasan ang genre na ito ay nagiging katambal ng aksiyon dahil sa mga parehong elementong inilalapat sa dalawang genre, kaya “action–adventure” din ang tinatawag dito.
  • ADVENTURE/PAKIKIPAGSAPALARAN- Binubuo rin ng maaksiyon na karanasan ang karamihan sa mga eksena rito subalit ang pagkakaiba nito sa aksiyon ay hindi ito nakapokus sa mga bayolenteng tagpo at pakikipaglaban sapagkat ang adventure ay may temang pakikipagsapalaran, paglalakbay, pagwawagi, at walang hanggang pakikipagbuno at paghihirap.
  • ADVENTURE/PAKIKIPAGSAPALARAN- Madalas ang bida ay dumaraan sa samot–saring pakikipagsapalaran na sa bandang huli ay magwawagi ang may mabuting kalooban. Kinakailangan ng historical na panahon upang maganap ang mga kuwento ng bayani, digmaan, mga hari at pag–aaklas sa naturang genre.
  • AKSYON- Masasabi na ang pelikula sa ilalim ng aksiyon ay binubuo ng patuloy na daloy ng enerhiya, mabilis na camera cuts, stunts, at mga aktibidad na nangangailangan ng puspusang choreography.
  • AKSYON- Ayon pa rin sa pag – aaral nina Alberto, et. al. (2008), naitampok sa taong 1990–1999 ang genre ng aksiyon. Dagdag pa nila, “Masasabing ang action films ang naging patok sa masa noong dekada ’90.
  • AKSYON- Ang mga aktor tulad nina Fernando Poe, Jr., Bong Revilla, Jr., Philip Salvador, Lito Lapid, Robin Padilla, Rudy Fernandez, Ronnie Ricketts, at iba pa ang nangibabaw sa takilya. Ang tema ay tungkol sa aksiyon, labanan, masasamang tao, kontrabida, gobyernong korap, at malalaking sindikato. ”
  • MISTERYO- Karaniwang kathang–isip at ang madalas na karakter dito ay isang detective o propesyonal na tagalutas ng kaso o krimeng kinakasangkutan ng isang tauhan. Ang pangunahing layunin ng genre na ito ay ituon ang mga manonood sa kuwentong punong–puno ng misteryo o palaisipan.
  • KRIMEN- Ito ang genre ng pelikulang Filipino na nakatuon sa mga illegal na Gawain ng mga gang o criminal na kadalasang magnanakaw o mamamatay. Umiikot sa mga kriminal na karakter at sa kanilang buhay, pamamayagpag, at pagbagsak ang madalas na tagpo nito.
  • DRAMA- Ang drama ay genre ng pelikulang may kuwentong seryoso at makatotohanan ang mga karakter at bawat pangyayari ditto. Sa ganitong pelikula matutunghayan ang mga suliranin laban sa sarili, sa ibang karakter, o maging sa kapaligiran.
  • DRAMA- Ang pinakalayunin ng drama ay ibaling ang atensyon ng manonood sa mga naturang isyu gamit nag mga karakter sa pelikula.
  • PANTASYA/FANTASY- Karaniwang tungkol sa mga makapangyarihang puwersa, mahika at dinadala nito ang mga manonood sa isang kathang – isip na mundo na lahat ay possible. Kadalasan ang bida ay daraan sa hindi pangkaraniwang pagsubok na kakailanganin niya ang tulong ng isang makapangyarihang tao.