Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-iimbestiga at pag-aaral upang makapagpaliwanag at makapaglatag ng katotohanan gamit ang iba’t ibang batis ng kaalaman.
Ayon kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik bilang isang sistematiko, kontrolado, emperikal, at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal.
Pumili ng paksang kinawiwilihan at magbasa ng mga kaugnay na pag-aaral na naisagawa tungkol dito.
Iba’t Ibang Maaaring Mapagkunan ng Paksa: INTERNET/SOCIAL-MEDIA,SARILI,DIYARYO,TELEBISYON
Ito ay ang pagsunod sa istandard na pinaniniwalaan ng lipunan na wasto at naaayon sa pamantayan ng nakararami.
ETIKA NG PANANALIKSIK
Ayon sa Purdue University Online Writing Lab(2014), ang plagiarism ay ang tahasang paggamit o pangongopya ng nga salita at idea nang walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.
Ayon sa Purdue University Online Writing Lab(2014), ang plagiarism ay ang tahasang paggamit o pangongopya ng nga salita at idea nang walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.
Tinukoy ng Plagiarism.Org (2014) ang iba pang anyo ng plagiarism gaya ng: • Pag-angkin sa gawa, produkto, o idea ng iba
Mga uri ng Pananliksik:
EksperimentaL,Korelasyonal na Pananaliksik,Pananaliksik na Hambing-Sanhi,Sarbey na Pananaliksik,Etnograpikong Pananaliksik,Historikal na Pananaliksik,Kilos-saliksik (Action Research) ,DeskriptibongPananaliksik
Pinakamabisang uri kung nais tukuyin ang ianaasahang resulta
Pananaliksik na Eksperimental
Matukoy ang kaugnayan ng 2 baryabol nang Makita ang implikasyon nitó at epekto sa isa’t isa
Korelasyonal na Pananaliksik
Pag-alam sa dahilan o pagkakaiba ng dalawang bagay o tao
Pananaliksik na Hambing-Sanhi
○Pagpapayaman at pagpaparami ng datos
Sarbey na Pananaliksik
Etnograpikong Pananaliksik
Kultural na pananaliksik
Pagtuon sa nagdaang pangyayari
Historikal na Pananaliksik
Kilos-saliksik (Action Research)
May suliraning kailangang tugunan
Paglalarawan ng isang penomenong nagaganap kaugnay sa paksa
Deskriptibong Pananaliksik
Uri ng pananaliksik base sa klase ng pagsisiswalat ng datos:
kuwantiteytib,kuwaliteytib
-> Ito ay ginagamit sa pagkalap ng numeriko o istadistikal na datos upang makabuo ng pangkalahatang pananaw na kumakatawan sa paksa o isyu na pinag-aaralan.
Kuwantiteytib
. Kuwaliteytib
->Ito ay ginagamit sa pagkalap ng datos ng mga karanasan ng tao sa kanilang ginagalawang lipunan na hindi maaaring isalin sa numerikong pamamamaraan upang makita ang magkakaibang realidad ng paksa o isyu na pinag-aaralan.
SISTEMATIKO
Ang pananaliksik ay dapat na sumusunod sa isang organisadong proseso o pagkakasunud-sunod ng mga hakbang upangmakuha ang mga tamang resulta. Ito ay kailangang may maayos na estruktura mula sa pagpili ng paksa hanggang sa pagsusuri ng mga datos.
EMPIRIKAL -Ang pananaliksik ay batay samga datos na nakalap sa pamamagitan ng obserbasyon, eksperimento,o iba pang mga paraan ng pangangalap ng impormasyon. Ito aynagpapakita ng mga katotohanan na napatunayan sa pamamagitan ng karanasan at realidad.
OBHETIBO -Ang pananaliksik ay dapat na walang kinikilingan o personal na opinyon ng mananaliksik. Ito ay nagtataglay ng neutralidad at pagpapasya base sa ebidensya at Iohikal na pag iisip.
MAPANURI -Ang mananaliksik ay dapat na mapanuri sa pagtasa ng
mga datos at impormasyon.Ito ay nagpapakita ng kakayahang magtanong,mag-isip ng kritikal, at suriin ang mga resulta upang makabuo ng mga konklusyon na may batayan at Iohika.
RELIABLE - Ang mga resulta ng pananaliksik ay dapat natiwala at mapagkakatiwalaan.Ito ay nakabatay sa tamang metodolohiya at pamamaraanng pangangalap ng datos, at maaaring muling matukoy o maulit ng iba pang mga mananaliksik ang mga result .
RELEVANT - Ang pananaliksik ay dapat na may kahalagahan at kaugnayan sa mga isyu o paksa na pinag aaralan. Ito ay naglalayong magbigay ng mga solusyon,rekomendasyon, o mga bagong kaalaman na makakatulong sa pag unlad ng lipunan o sa pagresolba ng mga suliranin.
Konsepto
Bílang panimulang gawain sa pananaliksik, mahalagang paghandaan ang pagbuo ng isang konsepto.
Ang konsepto ay isang plano na nagpapakita kung ano at saang direksiyon patungo ang paksang nais pagtuunan.
Konseptong Papel -Ito ay nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik
konseptong papel- Isang kabuoang idea na nabuo mula sa isang framework o balangkas ng paksang bubuoin.
Makatutulong ang konseptong papel upang lalong magabayan o mabigyang-direksiyon ang mananaliksik lalo na kung siya’y baguhan pa lang sa gawaing ito.
mga bahagi ng konseptong papel: Pahinang nagpapakita ng paksa,layunin, inaasahang awtput o resulta, kahalagahan ng gawaing pananaliksik(rationale), metodolohiya, mga sanggunian
Pahinang Nagpapakita ng Paksa
Narito ang tentatibong pamagat ng pananaliksik na ginagamit kung hindi pa nakatitiyak sa magiging pamagat ng saliksik.
Kahalagahan ng Gagawing Pananaliksik (Rationale)
Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa.
Layunin
inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik
Metodololohiya
Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon.
Inaasahang Awtput o Resulta
Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o pag-aaral.
Mga Sanggunian
Ilista ang mga sangguniang ginagamit sa pagkuha ng paunang mga impormasyon, ang mga sangguniang maaaring magamit, at nabanggit sa mga kaugnay na pag-aaral