Tumutukoy sa pamamaraan ng pamahalaan kung paano isasagawa ang paggasta nito at paniningil ng buwis upang maimpluwensiyahan ang kabuoang demand sa ekonomiya
Uri ng Patakarang Piskal
Expansionary Fiscal Policy
Contractionary Fiscal Policy
Expansionary Fiscal Policy
Isinagawa ang patakarang ito sa layuning pasiglahin ang takbo ng buong ekonomiya. Tinatawag din itong pump-priming. Layon ng pamahalaan na pataasin ang kabuoang demand sa pamamagitan ng pagbawas ng sinisingil na buwis at pagdaragdag sa paggasta ng pamahalaan. Sa paraang ito, madaragdagan ang disposable income ng tao at maitataas ang antas ng empleo.
Contractionary Fiscal Policy
Isinagawa ito upang pakalmahin ang overheated na ekonomiya bunga ng sobrang taas na demand na ang kalimitang resulta ay paglala ng implasyon. Sa pagkakataong ito, itinataas ang singil sa buwis upang mabawasan naman ang disposable income at hindi maipluwensiyahan ang pagbili nang pagbili ng ekonomiya. Maaaring sabayan din ito ng pagpapaliit ng paggasta nang sa gayon ay hindi na muna lumikha ng mga bagong trabahong magbubunsod din a tao na gumasta.
Fiscal
Galing sa salitang "fisc" na ang ibig sabihin ay national treasury o kaban ng bayan
Pinanggagalingan ng paggastos ng gobyerno
Kita ng mga korporasyong pinatatakbo at kontrolado ng pamahalaan o government-owned and ontrolled corporation (GOCC)
Kita mula sa mga ibinentang ari-arian ng pamahaalan
Tulong sa ibang bansa o pribadong sektor
Unusual funds o kita ng ahensiyang PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation)
Nakolektang buwis
Nautang na pondo sa mga local o pandaigdigang bangko sa anyo ng utang o loan
Panuntunan sa Pagpapataw ng Buwis
Ability to Pay Principle
Benefit Principle
Equal Distribution
Uri ng Buwis
Batay sa Lungsod o Munisipalidad
Batay sa Sinisingilan
Batay sa Layunin
Batay sa Halaga ng Buwis
Batay sa Rate of Increase
Batay sa Teritoryo
Value-Added Tax o VAT
Isang espesyal na buwis sa negosyo na parehong tuwiran at di-tuwiran. Pinapataw sa lahat ng taong nagtitinda, nagpapaupa, bumibili, at nakikipagpalitan at nagkakaloob ng paglilingkod habang nagaganap ang pakikipagkalakalan.
Salapi
Anumang bagay na ginagamit bilang instrumento ng palitan o medium of exchange. Ito ang nagsisilbing pamantayan ng halaga ng mga kalakal o serbisyo.
Iba't Ibang Sistema ng Pagbabayad
Sistemang Barter
Paggamit ng Produktong Salapi o Commodity Money
Sistemang Pagmomoneda (Coinage System)
Sistemang Kasulatan
Sistema o Pamantayang Papel (Managed Currency Standard)
Bank Draft o Cheque
Electronic Funds Transfer o Automated Payment System
Institusyon sa Pananalapi
Institusyong pampinansiyal na bangko
Institusyong pampinansiyal na hindi bangko
Patakaran sa Pananalapi
Tumutukoy sa pagkontrol sa supply ng salapi na umiikot sa sirkulasyon at layong mapatatag ang halaga ng salapi at ang presyuhan sa pamilihan
Polisiya ng Patakaran ng Pananalapi
Easy Money Policy
Tight Money Policy
Easy Money Policy
Pinapadali ang bilihan sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagpaparami ng money supply na umiikot sa sirkulasyon. Layon nitong pasiglahin ang demand, na maaaring magpataas sa lebel ng implasyon.
Tight Money Policy
Hinihigpitan ang bilihan sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapababa sa lebel ng money supply na umiikot sa sirkulasyon. Layon nitong makontrol ang paglala ng implasyon bunga ng mataas na demand. Hinihikayat din sa pagpapatupad nito ang pag-iimpok ng salapi.
Layunin ng Sektor ng Industriya
Nasusuri ang mga bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya
Nasusuri ang mga pagkakaugnay ng sektor ng agrikultura at industriya tungo sa pag-unlad ng kabuhayan
Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong sa sektor ng industriya
Bumubuo sa Sektor ng Industriya
Konstruksyon
Paglilingkod
Pagpapabrika
Pagmimina
Primary Industries
Industriya na nagmula sa agrikultura, paggugubat at pagmimina
Secondary Industries
Mga gawain kung saan nangangailangan ng pagproproseso ng mga primary product
Mga Uri ng Industriya
Sambahayan (Cottage Industry)
Maliit at Katamtamang-laking Industriya (Small and Medium Scale Industry)
Malaking Industriya (Large Scale Industry)
Sambahayan (Cottage Industry)
Karaniwang mga gawaing pangkamay ang binubuo
Maliit na puhunan lamang ang kailangan para masimulan
Mga kasapi ng pamilya ang karaniwang manggagawa nito
Maliit at Katamtamang-laking Industriya (Small and Medium Scale Industry)
Mas malaki ang puhunang kailangan
Binubuo ng 100-200 manggagawa
Gumagamit ng payak na makinarya sa pagproproseso ng mga produkto
Malaking Industriya (Large Scale Industry)
Malaking puhunan ang kinakailangan
Binubuo ng 200 o higit pang manggagawa
Nangangailangan ng malaking lugar para sa produksyon
Gumagamit ng mamahaling at kumplikadong mga makinarya
Kahalagahan ng Industriya
Gumagawa ng Produktong may bagong anyo, hugis at halaga
Nagbibigay ng Empleyo
Pamilihan ng tapos na produkto
Nagpapasok ng dolyar sa bansa
Agrikultura
ito ay Gulugod ng ekonomiya
Industriya
Buhay ng ekonomiya
Sanhi ng Suliranin ng Sektor ng Industriya
Kawalang ng malaking kapital upang tustusan ang pangagailangan sa produksyon
Kakulangan ng dolyar upang makabili ng mga hilaw na sangkap
Bunga ng Suliranin ng Sektor ng Industriya
Kabawasan na mga produktong makukuha ng mga mamamayan
Karagdagang suliranin sa pagpapalawak ng paggawa
Mga white elephant project ng pamahalaan tulad ng Bataan Nuclear Plant
Pinsala sa mamamayan at sa kapaligiran
Mababawasan ang kakayahan ng industriyang ipagpatuloy ang produksyon
Dahil sa import liberalization, malayang nakapapasok ang murang produkto
Pagsasara ng lokal na industriya at pagkawala ng hanapbuhay ng maraming mamamayan
Mga Programa at Institusyon
One Town, One Product (OTOP)
Micro, Small, and Medium Enterprises (MSME)
Shared Service Facility (SSF)
Mobile Training Bus Plus
Investment Priorities Plan (IPP)
Mga Ahensya na Tumutulong sa Sektor ng Industriya
Department of Trade and Industry (DTI)
Board of Investments (BOI)
Philippine Economic Zone Authority (PEZA)
Bureau of Small and Medium Enterprise Development (BSMED)
Nasyonalisasyon
Pamamaraan kung saan ang mga korporasyon at negosyo ay sumasailalim sa kontrol at pamamahala ng gobyerno
Pagsasapribado
Paglilipat sa pribadong sektor ng mga korporasyon at negosyong kontrolado ng pamahalaan
Mga Kabutihang Dulot ng Mga Korporasyong Multinasyonal
Tumataas ang GDP
Nagkakaroon ng dagdag na kita ang pamahalaan dahil sa buwis na ibinabayad nito
Nagbibigay ng karagdagan trabaho sa mamamayang walang hanapbuhay
Sektor ng Ekonomiya
Agrikultura
Industriya
Paglilingkod
Agrikultura
Isang agham na may tuwirang kaugnayan sa pagkatas ng mga hilaw na materyal mula sa likas na yaman
Mga gawaing napapaloob sa Agrikultura
Pagsasaka
Pangingisda
Paggugubat
Paghahayupan
Kahalagahan ng Agrikultura
Nagtutustos ng Pagkain
Nagbibigay ng Empleyo
Pinagkukunan ng Hilaw na Materyal
Tagabili ng mga Yaring Produkto
Nagpapasok ng Dolyar sa Bansa
Mga Bahagi ng Agrikultura
Paghahayupan
Pangingisda
Pagsasaka
Paggugubat
Paghahayupan
Pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at pato. Layunin ng paghahayupan ang pag-supply ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain