FILI - FINALS

Cards (93)

  • Pagsulat
    Isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon
  • Ang pagsulat ay isa sa limang makrong kasanayang pangwika na dapat pagtuunan ng pansin upang malinang at mahubog sa mga mag-aaral
  • Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng tao
  • Sa pamamagitan ng pagsulat, naipapahayag ng tao ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang-isip, at mga pagdaramdam
  • Dahil sa pagsulat, nakikilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang kaisipan, at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan
  • Layunin ng pagsulat

    Mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman, at mga karanasan ng taong sumusulat
  • Napakahalaga na bukod sa mensaheng taglay ng akdang susulatin, kailangan ang katagiang mapanghikayat upang mapaniwala at makuha ang atensiyon ng mga mambabasa
  • Dalawang bahagi ng layunin ng pagsulat
    • Personal o ekspresibo
    • Panlipunan o sosyal
  • Mga gamit o pangangailangan sa pagsulat
    • Wika
    • Paksa
    • Layunin
    • Pamaraan ng pagsulat
    • Kasanayang pampag-iisip
    • Kaalaman sa wastong pamaraan ng pagsulat
    • Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin
  • May limang pangunahing pamaraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay sa layunin o pakay ng pagsusulat. Ito ay pagbabasa, panonood, pagsusulat, pagsasalita, at
  • Mga pamaraan ng pagsulat
    • Paraang Impormatibo
    • Paraang Ekspresibo
    • Pamaraang Naratibo
    • Pamaraang deskriptibo
    • Pamaraang Argumentatibo
  • Ang malikhaing pagsulat ay may pangunahing layunin na maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa
  • Ang teknikal na pagsulat ay ginagawa sa mga propesyonal na larangan
  • Mga hakbang upang makabuo ng mahusay na sulatin
    1. Pagbuo ng mga kaisipan
    2. Paghabi ng buong sulatin
  • Paghabi ng buong sulatin
    Kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na paraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito
  • Uri ng Pagsulat
    • Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)
    • Teknikal na Pagsulat (Professional Writing)
    • Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)
    • Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)
    • Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)
    • Akademikong Pagsulat (Academic Writing)
  • Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)

    Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Karaniwan itong bunga ng malikot na isipan ng sumusulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay bunga ng imahinasyon o kathang-isip lamang
  • Teknikal na Pagsulat (Professional Writing)

    Ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. Maituturing na malawak ang kaisipang nasasakop ng ganitong uri ng sulatin, ang inaasahang higit na makauunawa lamang nito ay ang mga mambabasa na may kaugnayan sa tinalakay na suliranin
  • Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)

    May kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao
  • Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)

    May kaugnayan sa pamamahayag. Kasama na rito ang pagsulat ng balita, editorial, lathalain, artikulo, at iba pa
  • Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)

    Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon. Karaniwang makikita ang sulating ito sa hulling bahagi ng isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa kabanatang naglalaman ng RRL
  • Akademikong Pagsulat (Academic Writing)

    Isang intektuwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba't ibang larangan
  • Ayon kay Edwin Mabilin (2012), ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o bunga lamang ng akademikong pagsulat
  • Mga katangian ng Akademikong Pagsulat
    • May Pananagutan
    • Maliwanag at Organisado
    • Obhetibo
    • May Panindigan
    • Pormal
  • Obhetibo
    Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananaliksik. Iwasan ang pagiging subhetibo o ang pagbibigay ng personal na opinion o paniniwala hinggil sa paksang tinatalakay
  • Pormal
    Dahil nga karaniwang ginagamit sa akademikong pagsulat ay ang akademikong Filipino, nangangahulugan lamang ito ng pagiging pormal nito. Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na madaling mauunawaan ng mambabasa. Ang tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat na maging pormal din
  • Maliwanag at Organisado
    Ang mga talata ay mahalagang magtaglay ng kaisahan. Hindi ito dapat masamahan ng mga kaisipang hindi makatutulong sa pagpapaunlad ng paksa. Maging ang pag-uugnay ng mga parirala o pangungusap ay dapat na pilimpili nang sa ganoon ay hindi ito makagulo sa ibang sangkap na mahalaga sa ikalilinaw ng paksa
  • May Panindigan
    Ang kanyang layunin na maisagawa ito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang kanyang isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat sa napiling paksa
  • May Pananagutan
    Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap ng datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Mahalagang maging mapanagutan ang manunulat sa awtoridad ng mga ginamit na sanggunian
  • Iba't ibang uri ng akademikong sulatin
    • Abstrak
    • Sintesis/buod
    • Bionote
    • Panukalang Proyekto
    • Talumpati
    • Agenda ng pulong
    • Posisyong papel
    • Replektibong sanaysay
    • Pictorial-essay
    • Lakbay-sanaysay
  • Lagom
    Ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda
  • Pagsulat ng iba't ibang uri ng paglalagom
    • Natutuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binasa
    • Natutuhan niyang magsuri ng nilalaman ng kanyang binasa
    • Natutukoy niya kung alin sa kaisipan o mga detalye ang dapat bigyan ng malalim na pansin
  • Pagsulat ng iba't ibang uri ng paglalagom
    • Nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat, partikular ang tamang paghabi ng mga pangungusap sa talata
    • Nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo
  • Bukod sa kapaki-pakinabang ito sa mga mag-aaral, ito rin ay nakatutulong nang malaki sa larangan ng edukasyon, negosyo at propesyon
  • Abstrak
    Uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, teknikal, lektyur at mga report
  • Nilalaman ng abstrak
    • Rationale- Nakapaloob dito ang Layunin at Suliranin ng Pag-aaral
    • Saklaw at Delimitasyon
    • Resulta at Kongklusyon
  • Pagsulat ng abstrak
    • Hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binaggit sa ginawang pag-aaral o sulatin
    • Iwasan ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak
    • Gumamit ng mga simple, malinaw at direktang mga pangungusap
    • Maging objektibo sa pagsulat
    • Gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo
  • Pagsulat ng abstrak
    1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak
    2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin
    3. Buoin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin
    4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table at iba pa maliban na lamang kung sadyang kinakailangan
    5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat isama rito
    6. Isulat ang pinal na sipi nito
  • Sinopsis/Buod
    Uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula, parabola, talumpati at iba pang anyo ng panitikan
  • Pagsulat ng sinopsis o buod
    • Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito
    • Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito
    • Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at suliraning kinaharap
    • Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuod lalo na kung ang synopsis na ginagawa ay binabuo ng dalawa o higit pa