Tumutukoy sa paraan ng pag-iisip o pagpapaliwanag sa mga bagay o pangyayari. Humihiwalay sa leksikal na kahulugan lamang ng salita at nililirip sa mataas na antas ng interpretasyon.
Ang Dalumat ay Binubuo ng
Konsepto
Ideya
Teoryang inihain at binigyang paliwanag ng mga skolar
Pagdadalumat
Masusi, masinop, kritikal, at analitikal na pag-iisip. Kakayahan na makapag-isip nang malalim.
Emerita S. Quito: 'P(F)ilipino ang ating wika. Nararapat lamang na magamit ito nang husto sa pinakamalalim at pinakamasaklaw na pag-uusisa ng tao. Nararapat na internalisang napakayaman ang ating wika para sa pagdukal ng malalim na kaalaman.'
Tatlong hakbang ng Dalumat
1. Pagtukoy sa teorya o dalumat na gagamitin
2. Pagkalat ng datos tungkol sa paksa
3. Pagpapaliwanag kung paano gagamitin ang teorya sa pagdadalumat ng paksang nakahain
Mga DAHILAN kung bakit kailangang gamitin ang Filipino sa Pagdadalumat
Kailangang linangin ang wikang Pambansa
Kailangang paunlarin ang kamalayang Pambansa
Kailangang itaguyod ang pambansang pakakakilanlan at pagkakaisa
Denotatibo
Nakabatay sa talatinigan -Literal na kahulugan
Konotatibo
Lampas sa talatinigan -Kahulugang nakakabit sa salita
Sawikain (IDIOMS)
Salita o grupo ng mga salita na patalinghaga at 'di tuwirang naglalarawan sa isang bagay, sitwasyon o pangyayari. Nagpapahiwatig ng sentimyento ng isa o grupo ng mga tao.
Ang sawikaan ay proyekto na nagtatampok sa pamimili ng pinakamahalagang salita na namayani sa diskursong Filipino sa nakalipas na taon.
MGA PAMANTAYAN SA PAGPILI NG SALITA NG TAON
Bagong Imbento
Bagong hiram na banyaga/katutubo
Patay na salitang muling nabuhay
Lumang salita ngunit may bagong kahulugan
MGA ISINAALANG-ALANG SA PAGPILI NG SALITANG TAON
Ang kabuluhan ng salita sa buhay ng tao
Pagsasalamin nito sa kalagayang panlipunan
Ang lalim ng saliksik ukol sa ipinasang salita
Ang paraan ng pagpepresenta nito sa madla
Mga Salita ng Taon
2004 CANVASS
2005 HUWETENG
2006 LOBAT
2007 MISKOL
2010 JEJEMON
2012 WANGWANG
2014 SELFIE
2016 FOTOBAM
2018 TOKHANG
2020 PANDEMYA
Walang kakayahan ang Filipino upang maging wika ng karunungan.
Ingles ang natatanging wika ng karunungan ng bawat disiplina sa mundo.
Malinaw sa 1987 Konstitusyon na ang wikang Filipino ay opisyal na wika lamang ng bansa.
Bukod sa pagiging wikang opisyal, maituturing ding lingua franca ang Filipino sa Pilipinas.
Ang mga salitang selfie, wangwang at fotobam ay nagbukas ng usaping politikal bilang mga salita ng taon.
Pangunahing kriterya sa pagpili ng salita ng taon ang angking kahusayan o performance sa panahon ng presentasyon.
Ang paghihiram ng mga salita sa ibang wika ay nagpapahina sa isang wika.
Ang salita ng taon ay mga salitang gumigising sa damdamin tungo sa pagbabago o paghahanap ng solusyon sa isang problema sa lipunan.
Walang imperyor o superyor na wika.
Sa pagsasalin, mahalagang isaalang-alang ang kultura at konteksto ng tekstong isinasalin.
Canvass
Midyum ng pandaraya sa eleksyon
Lobat
Pagkabigo; pagkadismaya
Wangwang
Simbolo ng pang-aabuso ng mga taong gobyerno
Selfie
Pagkuha ng litrato ng sarili
Fotobam
Panira sa isang larawan o tanawin
Safety
Kaligtasan; seguridad
Endo
Pagtatapos ng kontrata ng manggagawa
Neolohismo
Paglikha ng bagong salita
Nganga
Pagkabigo; pagkadismaya
Hugot
Pagpapahayag ng saloobin
Dalumat
Kasingkahulugan ng paglilirip at panghihiraya; Katumbas sa Ingles ng very deep thought at abstract conception
Filipino
Wikang Pambansang Pilipinas ayon sa 1987 Konstitusyon
Dalumat-Salita
Paggamit ng wika sa mataas na antas ng pagteteorya batay sa masusi, masinop, kritikal at analitikal na paggamit ng mga salitang kumakatawan ng mga ideya
Emerita S. Quito
Ang Pilipinong iskolar na nagsabing Marapat lamang na magamit nang husto ang Filipino sa pinakamalalim at pinakamasaklaw na pag-uusisa ng tao dahil ito ang ating wikang pambansa
Zeus Salazar
Ang Pilipinong iskolar na nagsabing "Ang nagsasabing di sapat ang Filipino bilang wikang pangkalinangan ay nagpapahiwatig lamang na siya ang talagang kapos o kulang"
Sangandiwa
Tumutukoy sa pagsanga-sanga ng talastasang pangkalinangan sa loob at labas ng bansa na may lalim at lawak; Kaisahan ng pagkakaiba-iba ng diwa at kabuuan din ng maramihang pakikisangkot tungo sa mapanaklaw at malawakang kapilipinuhan ng sarili't bansa
Pantayong Pananaw
Isang konseptong nabuo ni Dr. Salazar na nakapaloob sa pagtingin ng mga Pilipino sa kanilang sarili; Nagmula ang pagdadalumat sa mga salitang tayo, kami, sila at kayo