Week 1

Cards (17)

  • Pagkamamamayang Pilipino
    Pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinatakda ng batas
  • Hindi lahat ng naninirahan sa isang bansa ay mamamayan nito dahil may mga dayuhang nakatira dito na maaaring hindi kasapi nito
  • Mga dayuhang naninirahan lamang dito sa ating bansa
    • Upang mag-aral
    • Mamasyal
    • Makipagkalakal
  • Ang mga dayuhang naninirahan lamang dito sa ating bansa upang mag-aral, mamasyal, o makipagkalakal, ay hindi maituturing na Pilipino dahil sila ay mamamayan ng ibang bansa
  • Saligang Batas
    Pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan
  • Mamamayang Pilipino ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng 1987
    • Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987 noong Pebrero 2, 1987
    • Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino
    • Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 sa mga inang Pilipino na pinili ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng 21 taong gulang
    • Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas ng naturalisasyon
  • Ayon sa Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 1987, ang isang mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng kaniyang napangasawa
  • Batay naman sa Republic Act 9225 na nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Setyembre 17, 2003, ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual citizenship)
  • Uri ng Mamamayang Pilipino
    • Likas o Katutubong Mamamayan
    • Naturalisadong Mamamayan
  • Likas na Mamamayan
    Ang likas na mamamayan ay anak ng isang Pilipino. Maaaring isa lamang sa kaniyang mga magulang o pareho ang Pilipino
  • Naturalisadong Mamamayan
    Ang naturalisadong Pilipino ay mga dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa prosesong naturalisasyon
  • Ayon sa Commonwealth Act No. 475, ang isang dayuhan ay maaaring maging mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon
  • Naturalisasyon
    Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte o hukuman. Kapag nabigyan na ng pagkamamamayang Pilipino ang isang dayuhan, kailangan niyang sumunod sa mga batas at kultura ng bansa. Matatamasa rin niya ang mga karapatan ng isang mamamayang Pilipino maliban sa mahalal sa matataas na posisyon sa pamahalaan ng bansa
  • Mga Katangian ng Isang Dayuhan na nais Maging Naturalisadong Pilipino
    • Siya ay 21 taong gulang na
    • Siya ay naninirahan sa Pilipinas nang tuloy-tuloy sa loob ng sampung taon
    • Siya ay may mabuting pagkatao
    • Naniniwala siya sa Saligang Batas ng Pilipinas
    • May matatag siyang hanapbuhay at may ari-arian sa Pilipinas
    • Nakapagsasalita at nakasusulat siya ng wikang Pilipino
    • Tinatanggap niya ang kulturang Pilipino
    • Pinag-aaral niya ang mga anak sa mga paaralang nagtuturo ng kultura at kasaysayan ng Pilipinas
  • Mga Prinsipyong Pagkamamamayan
    • Jussanguinis - pagkamamamayan kung naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila
    • Jussoli - pagkamamamayan naaayon sa lugar ng kaniyang kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang
  • Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino
    • Naging naturalisadong mamamayan siya ng ibang bansa
    • Naglingkod siya sa sandatahang lakas ng ibang bansa
    • Sumumpa siya ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa pagsapit niya ng 21 taong gulang
    • Nagpawalang-bisa siya ng naturalisadong pagkamamamayang Pilipino
    • Napatunayan siyang tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa at kumampi sa kaaway sa panahon ng digmaan
    • Itinakwil niya ang kaniyang pagkamamamayan at nag angkin ng pagkamamamayan ng ibang bansa (expatriation)
  • Muling Pagkakamit ng Pagkamamamayang Pilipino
    • Muling naturalisasyon
    • Aksiyon ng Kongreso
    • Pagbabalik sa Pilipinas at muling pagsumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas
    • Pagpapatawad sa hatol ng hukuman sa isang tumakas na miyembro ng Sandatahang Lakas