Ang konseptuwal na balangkas ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng pagsisiyasat. (Grant & Ossonlo, 2014) Ito ay naglalahad ng estruktura na nagpapakita kung paano binibigyang-kahulugan ng mananaliksik ang pilosopikal, epistemolohikal, metodolohikal, at analitikal ang kaniyang ginagawang pananaliksik (Adom, 2018).