A.P

Cards (52)

  • Tuwirang tinuligsa ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ang sistema ng edukasyon noong kaniyang panahon
  • Sa kaniyang nobelang El Filibusterismo, ipinakita ang kalagayan ng mga indio pagdating sa pagtamo ng edukasyon at pagtingin ng mga gurong prayle
  • Sa kasalukuyan, hindi man katulad ng suliranin noon ay may mga hinaing pa rin ang mga mag-aaral ukol sa sistema ng edukasyon
  • Sistemang pang-edukasyon
    Lahat ng salik na bumubuo sa pormal na pag-aaral sa isang bansa o lugar
  • Sistemang pang-edukasyon
    • Alituntunin
    • Kurikulum
    • Pondo
    • Programa
    • Mga guro
    • Mga silid-aralan
  • Pagkakaroon ng sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas
    1. Panahon bago ang pananakop
    2. Panahon ng Espanyol
    3. Kasalukuyan gamit ang Programang K-12
  • Indio
    Salitang Espanyol na ginamit noong panahon ng kolonyalismong Espanyol upang tukuyin ang mga katutubong Pilipino na hindi kasama sa mga prayle, mga sundalo, o mga may-kaya
  • Prayle
    Mula sa Espanyol na "padre," na nangangahulugang pari sa wikang Tagalog
  • Karaniwang ginagamit ang salitang "prayle" para tukuyin ang mga pari ng Simbahang Katoliko, lalo na noong panahon ng kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas
  • Peninsulares
    Nagtataglay ng pinakamataas na posisyon sa lipunan at pamahalaan noong panahon ng kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas
  • Insulares
    Bumubuo ng isang mahalagang bahagi ng lipunang kolonyal sa Pilipinas noong panahon ng kolonyalismong Espanyol
  • Ilustrado
    Isang grupo ng mga Pilipino noong panahon ng kolonyalismong Espanyol na nakakuha ng edukasyon at karunungan mula sa mga institusyong pang-edukasyon sa Europa
  • Panahon ng Amerikano
    1. Nagtatag ang pamunuang Amerikano ng libreng pampublikong paaralan
    2. Ingles ang naging pangunahing wika ng pagtuturo
    3. Dumating ang Thomasites na nagsilbing mga guro
    4. Isinunod na rin ang pagtatayo ng Pamantasang Normal na nagbukas ng kursong edukasyon sa mga Pilipino
  • Komisyon Schurman
    Itinatag ng pamahalaan ng Estados Unidos noong 1899 bilang bahagi ng pagtatatag ng sibil na pamahalaan sa Pilipinas matapos ang digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya
  • Ang pangunahing layunin ng Komisyon Schurman ay ang pagsusuri ng kalagayan ng Pilipinas at magbigay ng rekomendasyon para sa pagpapatakbo at pamamahala ng bagong kolonya ng Estados Unidos
  • Thomasites
    Isang grupo ng mga guro mula sa Estados Unidos na ipinadala sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng Amerika sa bansa
  • Panahon ng Hapones
    1. Ipinatupad ng mga Hapones ang paggamit ng Tagalog bilang paraan ng pagtuturo at Nihonggo bilang pangalawang lengguwahe
    2. Binigyang diin sa panahong ito ang pagkatutong bokasyunal o teknikal at pag-aaral ng kasaysayan
  • Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay natapos rin ang pamumuno ng mga Hapones sa bansa kasunod ng pagtatatag ng Republika ng Pilipinas. Sa panahong ito nagkaroon ng maraming pagbabago sa sistemang pang-edukasyon ng bansa hanggang sa kasalukuyang batas ukol sa K to 12.
  • Kurikulum ng K to 12
    • Nagbibigay ng dalawang taong karagdagan sa basic education, ang senior high school
    • May spiral na estruktura, kung saan papahirap ang mga aralin na magsisimula sa sariling pagpapahalaga sa kakayahan ng mag- aaral na makabuo ng sariling konsepto
    • Pinapayagan ang paggamit ng katutubong wika hanggang ikatlong baitang
  • Antas ng K to 12
    • Kindergarten
    • Elementarya (Baitang 1-6)
    • Junior High School (Baitang 7- 10)
    • Senior High School (Baitang 11-12)
  • Sinusunod nito ang mga batas na naglalayong pagtibayin ang Education For All o Edukasyon Para sa Lahat.
  • Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepED)

    Ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa pagpapatakbo at pagpapanatili ng maayos na sistema ng edukasyon sa mga pampubliko at pampribadong paaralan sa elementarya at sekundarya, kasama ang Alternative Learning System at Distance Learning System. Alinsunod sa mga adhikain nito ay ang mapanatili ang pagiging Maka - Diyos, Makatao, Makakalikasan, at Makabansa ng bawat Pilipino.
  • Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o Commission on Higher Education (CHED)

    Itinatag noong 1994 bilang bahagi ng malawakang reporma sa sistema ng edukasyon. Ito ang tuwirang namamahala sa mga pangkolehiyo at graduwadong sistema ng edukasyon sa bansa.
  • Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

    Isang ahensya ng pamahalaan sa Pilipinas na may layuning magtaguyod, mag-develop, at mag-regulate ng technical education at vocational training sa bansa
  • Itinatag ang TESDA sa ilalim ng Republic Act No. 7796 o ang "Technical Education and Skills Development Act of 1994"

    1994
  • Mamamayan
    Mga tao na mayroong legal na pagkakakilanlan o kinalalagyan bilang miyembro ng isang bansa o komunidad, kung saan sila ay may mga karapatan at tungkulin na kaugnay sa kanilang pagiging bahagi ng lipunan
  • Natural Born Citizens

    Mga indibidwal na likas na ipinanganak sa isang bansa at sa ilalim ng batas ng bansang iyon, sila ay itinuturing na mamamayan nito kahit wala pang anumang gawing hakbang upang maging mamamayan
  • Naturalized Citizens
    Mga indibidwal na hindi likas na ipinanganak sa isang bansa ngunit nagkaroon ng legal na proseso ng naturalisasyon upang maging mamamayan nito
  • Dual Citizenship
    Sitwasyon kung saan isang indibidwal ay may legal na pagiging mamamayan ng dalawang bansa o higit pa
  • Dual Allegiance
    Sitwasyon kung saan isang indibidwal ay may pananampalataya sa dalawang magkaibang bansa o kapwa may katapatan sa dalawang magkaibang mga soberanya
  • Gawaing Pansibiko/Civic Engagement/Civic Participation
    Mga gawaing nakatutulong sa pagpapaunlad ng pamayanan at bansa. Nakatuon ito sa mga makabuluhang gawain, upang makamit ang ikabubuti ng nakararami
  • Aktibong Pagkamamamayan/Active Citizenship
    Pakikilahok ng mga mamamayan sa kani-kanilang lokal na pamayanan, upang makapag-ambag sa pagtatatag at pagpapanatili ng demokratikong lipunan
  • Mga Katangian ng Aktibong Mamamayan
    • May kakayahan at kapangyarihan
    • Patas at makatarungan
    • Pagiging ingklusibo o kabilang sa pangkat
  • Tiyak na Katangian ng Mga Aktibong Mamamayan

    • May malakas na pag-ako sa sariling kultura at pagkakakilanlan
    • Mulat sa mga isyu at gawaing panlipunan ng bansa
    • May mga kasanayan sa pagpaplano, pamumuno, at pangangasiwa
    • May responsibilidad tungo sa kayang tustusan na pag-unlad
    • May pagpapahalaga at epektibong gumagawa tungo sa inaadhika
    • Marunong magbalanse ng mga karapatan at tungkulin, pati ng oras
    • May pakialam, nakaiimpluwensiya, at nakahihikayat ng kapwa
    • Aktibo sa pakikilahok sa mga gawaing pansibiko
  • Iba't Ibang Gawaing Pansibiko sa Pamayanan at Bansa
    • Panlipunan
    • Panrelihiyon
    • Pampulitika
    • Pangkalusugan
    • Pangkapaligiran
    • Pang-edukasyon
  • Iba't ibang gawaing pansibiko sa pamayanan at bansa
    • Panlipunan
    • Panrelihiyon
    • Pangkalusugan
    • Pangkalikasan
    • Pang-edukasyon
    • Pampalakasan
    • Pampulitika
  • Panlipunan
    Pagkukusang gawa, pagsali sa mga samahan, pakikipagtulungan sa iba sa paglutas ng mga suliranin sa komunidad, pagdalo sa mga pagpupulong, at pagbibigay serbisyo sa nangangailangan
  • Panrelihiyon
    • Pagtuwang sa mga gawain ng simbahang kinabibilangan mula sa paglilinis at pag-aayos ng lugar-sambahan hanggang sa pag-iimbita ng mga taong nais hikayatin
    • Kusang loob na pagtuwang sa pinansiyal na pangangailangan ng simbahan
  • Pangkalusugan
    • Pagsasagawa ng mga misyong medikal ng mga doktor, nars, dentista, at mga katulad nila sa mahihirap na pamayanan
    • Pamamahagi ng mga gamot, paglilinis ng mga ngipin, pagtuturo ng wastong pagbubuntis, pagbibigay ng check-up sa mga mata, at iba pa
  • Pangkalikasan
    Pagtatanim ng mga puno, paglilinis ng maruruming ilog, pagsagip at pagpaparami ng mga malapit nang maubos at nanganganib na uri ng mga halaman at hayop